Chapter 52 - Without You

2.8K 47 1
                                    

{PROMISE, RAMDAM KO NA PAGTATAPOS NITO XD OKAY OKAY. PINAGIISIPAN KO PA KUNG GAGAWAN KO NG BOOK 2 ITO OR TATAPUSIN KO NA LAHAT DITO. MALAMAN ANG TAKBO NG UTAK KO XD}

1 YEAR LATER...

BIANCA'S POV

"Hime, tara na, gagraduate ka na, baka mahuli ka pa sa graduation mo.", tawag sa akin ni Jay-nii.

Isang taon na rin ang lumipas, since the survival mission has ended. And it's been a year that I've been living on the outside, but dying on the inside. Isang taon na rin ang lumipas magmula nang kunin si Karl ng kaniyang mga magulang at dinala papuntang ibang bansa. At simula no'n ay wala na akong narinig na kahit anong balita mula sa kanila. Again.

Bago sila umalis ay nakausap ko sina tita Erica at tito Luke, Karl's parents, together with ate Ace, Karl's sister. They were not mad at me at all. In fact, they knew my real identity long time ago. How? Well I don't know, hindi na rin ako nagtanong kung paano kaya hinayaan ko nalang. They accepted me for who I really am. They still liked me even then. Pero nagdesisyon muna silang lumayo at mapagaling si Karl, sa gayon ay makapag-move on rin si Karl sa mga nangyari at gayon din ang mga magulang niya.

About our marriage? Hindi ko alam kung tuloy pa. Hindi namin napagusapan iyon eh. Pero siguro, saka nalang iyon. Tutal we're still young. I'm pretty sure that he has something else that he still wants to achieve and so do I.

Kami ng mga kapatid ko ay nagdesisyon na umuwi dito sa Japan. A week after ng paguusap namin ng mga magulang ni Karl ay kinausap ako ng kambal at isinama ako dito. Muli akong nag-aral at ngayon ay gagraduate na ako. Sina mama Irene at papa ay naiwan sa Canada. Doon nagtatrabaho si papa eh, kaya si mama ay sinasamahan siya doon. Si mama naman ay gumaling na sa kaniyang sakit. Naoperahan na siya, a month after my brothers and I left. Of course, we're still keeping in touch with our parents. Di pwedeng hindi.

"Marie-chan!", tawag sa akin ng nagiisang naging best friend ko dito sa Japan. Inimbento niya bagong nickname ko from my second name, Margarette. She's pure Japanese, kaya malaking tulong rin siya para sa akin na mas matuto ng nihonggo.

{A/N: pag naka-italics ibig sabihin ay ibang lingwahe ang sinasalita}

Arranged Marriage With An Assassin (Fin - UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon