Chapter 29 - Truth Revealed

4K 72 2
                                    

Nandito kami ngayong tatlo nina kuya Jake at kuya Jay sa office ng daddy nila. Ramdam ko pa rin ang tensyon. Grabe! Natatakot ako. Nakatalikod sa amin ang tatay nila pero hindi siya nagsasalita. Siguro pinapakalma niya muna ang sarili niya.

Maya maya ay humarap ang daddy nila sa amin. Napalunok ako sa takot. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. But no doubt, he's mad. He's just trying to be calm at all cost, not wanting to blow up on his sons.

"Kailan pa nagsimulang magtrabaho si Bianca bilang isang undercovered assassin?", mahinahong tanong ni tito Dylan, pilit na tinatakpan ang galit sa boses.

"Matagal na po, papa... Probably after you got remarried with mommy Irene.", sagot ni kuya Jay. Napatango nalang si tito, tila mukang nagiisip at huminga ng malalim para kumalma.

"Has she been like this for the last past years?"

"Opo papa, pero mahuhusay po ang back up niya at well-trained po si Bianca. She's the right hand of their clan."

"Pero may isa siyang mortal enemy na ayaw tumigil sa panghahamon na makipaglaban. Iniisip niya kasing inaagaw lahat ni Bianca sa kaniya. Isa rin siyang princess sa clan nila, she became an assassin because she wanted to avenge her mother who died, too.", pagpapatuloy ni kuya Jake.

"Scratch that, her mother got killed. Just like mommy Yvette...", malungkot na tugon ni kuya Jay. Halatang gulat at naguguluhan si tito Dylan.

"Are you saying that Bianca's doing this... To avenge her mother, too?", the twins nodded their heads hesitantly. "And she's in danger right now because of her mortal enemy?", tumango ulit sila.

"Hindi lang naman ang clans nila ang naglalaban pero mas malala ang away nila dahil sa naiinggit nga ang prinsesa ng kabilang clan kay Bianca.", sabi ni kuya Jay

[Honey, i'm home], rinig naming sabi ni tita Irene.

"Papa, pupunta na po kami sa ospital para magbantay kay Bianca."

"Sige, magiingat kayo. Balitaan niyo kami if ever.", tumango sila at saka umlis.

Arranged Marriage With An Assassin (Fin - UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon