Likeself Reputation Episode 68

43 1 0
                                    

Pumunta si Xiang sa opisina ng ShinXai Business Corporation sakay ang kanyang private car. Hindi siya lumabas ng kotse subalit binuksan niya ang bintana para hindi masyadong halata na siya ay mapag-usapan ng mga taong nasa paligid. Sa pagkita niya sa opisina, may isang alaala na bumalik sa kanya.

"Dito ako nagtrabaho dati." sabi ni Xiang.

Sa kanyang ibinanggit, siya'y nagulat ngunit hindi ipinakita ang kanyang tunay na emosyon. Sa kanyang tunay na emosyon, puno ito ng lungkot dahil natatandaan niya ang kanyang huling mga sandali sa opisina nito. Naalala niya rin ang ugnayan nila ng presidente sa negosyo na ito. 

"Hindi ko sukat akalain na mababalikan ko pa ang lugar kung saan ako nagsimulang maging mag-isa. " sabi ni Xiang.

 Doon nagbigay ng konklusyon kay Xiang ang pagpunta niya sa ShinXai.

"Ibig sabihin, ang taong nagsasabi ng mga masasamang salita sa negosyo namin ay ang naging presidente ko dati? ngunit mabait siya noong pinaglilingkuran ko at hindi niya magagagawa iyon."

Dahil na rin na kilala niya ang presidente ng ShinXai ay kumuha siya ng espiya para tumawag dito at mag-usap sila tungkol sa paninira ng presidente ng ShinXai na dating pinaglilingkuran ni Xiang.

"Mr. Xiang, wala po dito ang opisyal na presidente ng ShinXai." sabi ng espiya.

"Huh? ano ang ibig sabihin mo?" sabi ni Xiang.

"Ang presidente po ng ShinXai ay lumabas ng bansa para sa mga business seminar and trainings. May pansamantalang presidente po ng ShinXai at ang pangalan niya ay Shuang Ming." sabi ng espiya.

"Shuang Ming?" sabi ni Xiang.

"Opo at siguro siya rin ang mga nagsabi ng mga paninira sa Co-Ming Business Corporation." sabi ng espiya.

"Ah sige salamat sa pagkuha mo ng impormasyon." sabi ni Xiang.

Napaisip si Xiang, maaari ngang hindi ang naging presidente niya dati ay ang naninira sa negosyo nina Jiao at Kang. 

"Sino naman kaya ang Shuang Ming? at ka-apelyido pa ng mga taong nasa negosyo ng Co-Ming."

Nagdesisyon si Xiang na huwag ng makipagkita sa pansamantalang presidente ng ShinXai dahil mas lumakas lang ang loob niyang makipag-usap kung sakaling ang presidente na makakausap niya ay dati na niyang kakilala. Bumalik siya sa opisina para magtrabaho.

Si Kaoru naman, napagsamantala na naman ulit ang mga media na dumarating sa kanilang opisina dahil sa mga kontrobersyal niyang sinabi. Nagkaroon ulit siya ng pagkakataon na makapagsalita.

"Siguro nga totoo ang aking mga ibinanggit sa nangunguna raw na negosyo sa Hong Kong. Walang imik ang pekeng kasalukuyang presidente ng Co-Ming Business Corporation."

Napaniwala kaagad ang mga media kaya naikalat na ito sa mga news stations sa iba't-ibang mga corporation sa China. Patuloy pa ang mga paninirang ginagawa ni Kaoru na nasa layunin niyang ito ang makakalutas para bumababa ang negosyo ng Co-Ming at maaaring makapagtaas sa ShinXai.

Ayon pa sa isang business expert, sa kasalukuyan ay bumabawi ang ShinXai sa negosyo at may kaunting decrease na sa Co-Ming ngunit naliliitan si Kaoru dito kaya patuloy pa ang kanyang mga ibinabanggit na pawang mga kasinungalingan.

Sa panig naman ni Xiang, nagulat siya nang marinig ang mga binitawan ng kasalukuyang presidente ng ShinXai lalu na ang pekeng presidente siya.

"Grabe ang presidente ng ShinXai ngayon, pansamantala lang naman siya ngunit grabe ang mga binibitawan niyang mga kasinungalingan naman!" sabi ni Xiang sa kanyang isip.

Hindi na pinansin ni Xiang ang binitawan na salita ng presidente ng ShinXai na pekeng presidente na si Kaoru ang nagbanggit na may patama kay Xiang bilang pekeng Kaoru Ming.

Napadaan naman si Kang sa kwarto kung saan si Xiang ay nagtatrabaho at alam niya ang pinagdadaanan ng kanilang negosyo at gusto niyang kausapin ang presidente ng Co-Ming.

"Mr. President, o ang aking anak, Kaoru. Lakasan mo lang ang loob mo, alam nating sa puso natin na hindi tayo gumagawa ng mali o masama. Huwag kang susuko sa mga maling paninira ng ibang negosyo. Bagong presidente ka pa lang ngunit naniniwala akong kaya mong palagpasin ito anak." sabi ni Kang.

"Yes dad, kakayanin natin ito." sabi ni Xiang.

Nandyan pa rin ang gabay ng isang ama na naging presidente rin ng Co-Ming. Nakapagdagdag naman ng loob kay Xiang ito para tatagan ang loob.

Hindi na pinansin ni Xiang ang mga paninira at tumuon na lang sa pagiging presidente ng Co-Ming. Patuloy siya sa pagbantay sa mga iba't-ibang bahagi ng corporation at ang pagiging lider sa negosyo. 

Ito na ang magbibigay liwanag sa magkapatid na sa hindi sinasadyang pagkakataon.

Si Kaoru ay nag-paalam sa mga press na siya'y kakain muna at maging din sa mga kanyang employee. Lumabas siya sa opisina at naghanap ng restaurant na pwedeng kumain at hindi na siya gumamit ng kotse.

Si Xiang ay lumabas naman para kumain sa Ming's Noodle House na malapit lang sa kanilang opisina. Hindi na siya gumamit ng kotse.

Sa isang bahagi ng kalsada ay may isang overpass na maayos ang itsura at seguridad. Pampubliko ito kaya kahit sino ay pwedeng dumaan. Sa laki ng kalsada ay napapadalas ang mga taong tumawid gamit ang overpass. Nasa kabilang kalsada ang Ming's Noodle House at ang restaurant na gustong kainan ni Kaoru ay nasa kabilang kalsada naman.

Kailangan ng dalawa na tumawid para makapunta sa kanilang gustong puntahan. Umakyat silang pareho sa overpass at nagkasalubong.

Parang wala ng tao na dumadaan sa kanilang paligid. Natigil ang kanilang mundo, nasa magkabilang dulo sila ng overpass ngunit natatanaw nila ang bawat isa.

Hindi ito ang unang pagkakataon, nangyari na ito sa Hong Kong bay at parang salamin ang nakita ng dalawa dahil sila'y magkamukha. Matapos ang mga ilang mga taon, nagkita na naman sila ulit. Marami nang nagbago, marami na silang alam, at parehong mabigat na posisyon ang kanilang dala. Walang emosyon sa kanilang mga mukha at ang kanilang mga mata ay magkatingin sa bawat isa.

Abangan: Episode 69

Likeself Reputation Chapter 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon