Likeself Reputation Episode 66

34 1 0
                                    

Pumuno ng palakpak ang lahat ng tao sa celebration at si Xiang ay hindi makapaniwala. Siya na ang bagong presidente ng Co-Ming Business Corporation. Si Yan naman ay todo suporta kay Xiang.

"Congrats Kaoru Ming, este Congrats President Kaoru" sabi ni Kang.

"Grabe anak, presidente ka na." sabi ni Jiao.

Hindi pa rin makapaniwala si Xiang at ngiti lang ang ibinabalik ng mga taong bumabati sa kanya. Nakapagsalita lang siya ng nakita niya na si Yan ay tuwang-tuwa sa kanya.

"Maraming salamat po! Mom and Dad na ibibigay ninyong tiwala sa akin. Hindi po ako makapaniwala." sabi ni Xiang.

"Tama lang iyon anak, top 1 ka ba naman at yan ang regalo namin sa'yo." sabi ni Kang.

"Thank you dad." sabi ni Xiang.

Hindi nakapagpigil si Xiang at niyakap sina Jiao at Kang. Sa kanyang pagyakap ay nasa isip niya na halos masabi niyang tunay na magulang niya na sina Jiao at Kang ngunit iyon ay nasa isip niya lamang dahil ang totoo ay tunay niya ngang magulang sina Jiao at Kang.

Nilapitan naman ni Xiang si Yan at sila'y nakapag-usap.

"Congrats Kaoru, yan muna ang papangalan ko sa'yo baka may makarinig." sabi ni Yan.

"Salamat Yan, grabe, ang pangarap ko ay matutupad na." sabi ni Xiang.

Nagtawag ng pansin si Xiang para magsalita ulit.

"Maraming salamat po ulit sa ibinigay ninyong tiwala sa akin lalu na sa aking pamilya. Ipapangako ko po sa inyo na ang Co-Ming Business Corporation ay patuloy na uunlad mula sa bagong termino. Ako po si Kaoru Ming at ang bagong presidente ng Co-Ming Business Corporation." sabi ni Xiang.

Lumaganap ang ngiti sa lahat ng mga tao at palakpak para sa kanya. Si Kang ay makakasama ni Jiao sa Ming's Noodle House lamang bilang mga pinuno nito ngunit ang kanilang anak at ang apo ng mga magulang nina Jiao at Kang ay ang pinakamataas na posisyon.

Kinabukasan, lumaganap na sa maraming mga business magazines ang balita at maging rin sa mga concerned- news channel na may bagong mamumuno sa nangungunang corporation sa Hong Kong at kasama rin sa mga nagdodominanteng mga corporation sa buong China.

Si Kaoru ay nalaman niya ito sa pamamagitan ng magazine na nakita niya.

"New President of Co-Ming Business Corporation is the son of Jiao Co and Kang Ming." ang nabasa ni Kaoru.

Nagulat si Kaoru sa kanyang nabasa at nagkaroon ng galit sa kanyang mukha.

"Hindi pwede to, hindi!" sabi ni Kaoru.

Pangarap din ni Kaoru na maging presidente sa negosyo ng kanyang pamilya ngunit malabo na iyon dahil may umagaw ng kanyang reputasyon at iyon ang kanyang kamukha.

"Mr. Shuang Ming, may problema po ba?" tanong ng janitor.

"Ah, wala." sabi ni Kaoru.

"Ah ayan, hawak niyo ang magazine, may bago nga pong presidente ng Co-Ming Business Corporation at Kaoru Ming ang pangalan niya at pamilyar na siya sa lahat. Ka-apelyido niyo pa nga siya at kamukha niyo pa." sabi ng janitor.

"Oo nga" ang pagsang-ayon na lang ni Kaoru.

Lumapit sa kanya ang presidente at tinago ni Kaoru ang magazine.

"Good Morning president!" sabi ni Kaoru.

"Good Morning rin Mr. Ming." sabi ng presidente.

Tinago ni Kaoru ang magazine para hindi pa palawakin ang issue na ang dati niyang assistant ay presidente na ng isang negosyo. 

Kaagad naman binalita ni Kaoru ito kay Lyn.

"Hello Lyn." sabi ni Kaoru.

"Oh Kaoru napatawag ka." sabi ni Lyn.

"Alam mo na ba ang balita kay Xiang?" tanong ni Kaoru.

"Oo, nakakainis nga. Ang kapal ng mukha niya na maging presidente, pekeng Kaoru Ming naman siya." sabi ni Lyn.

"Oo nga!" sabi ni Kaoru.

"Alam mo ba, mamaya bubuksan ang ikatlong Ming's Noodle House malapit dyan sa opisina niyo na mall at siguradong andoon si Xiang." sabi ni Lyn.

"Humanda siya mamaya, humanda ka Xiang." sabi ni Kaoru at pinutol na ang tawag.

"Teka Kaoru, teka anong gagawin mo!?" sabi ni Lyn.

May plano si Kaoru sa magiging seremonya ng pagbubukas ng ikatlong Ming's Noodle House.

Naghanda na ang mga employee para sa seremonya para sa pagbubukas ng Ming's Noodle House, ginanap ito sa gabi dahil naging desisyon ito ng bagong presidente para mas maraming mga tao ang makasaksi.

Pagdating ng seremonya ay nagsimula na ang programa, maraming mga tao, mga media, employees, at mga VIP guests. 

Nagsimula na ang programa at pinangunahan nito ni Kang Ming.

"Maraming salamat po sa mga pumunta dito para saksihan ang ikatlong Ming's Noodle House sa pagbubukas nito sa loob na ng isang mall. Ang bilis, tatlo na po kaagad ang mga branches ng Ming's Noodle House na nasa loob lang ng dalawang buwan. Ganoon po ang suporta ng mga tao sa aming negosyo ngunit ang aming layunin dito ay mapasarap ang panlasa ng mga tao sa aming restaurant." sabi ni Kang.

Tuloy tuloy ang pagpalakpak at ang mga congratulations sa pamilya. Nagsimula na ang kainan at pagkatapos nito ay bumalik uli sa entablado si Kang kasama si Jiao.

"Masarap ba ang mga pagkain sa Ming's Noodle House?" tanong ni Jiao.

"Yes!" sigaw ng lahat.

"Thank you, ito na po ang gabi rin na pagpapakilala sa aming anak na kaka-graduate lang sa kolehiyo. Bilang regalo sa kanya sa pagiging top 1 ay bumitaw ang aking asawa ng posisyon para kanya. Naniniwala kami sa kanya kaya namin ginawa iyon, may abilidad, talino, at talento siya kaya deserve niya ang maging presidente. Ipapakilala ko po ang bagong presidente ng Co-Ming Business Corporation." sabi ni Jiao.

"Ang aming anak, si Kaoru Ming!" sabi ni Kang.

Nagsitayuan ang lahat ng mga tao at pumalakpak pagkatapos mag-anunsyo nina Jiao at Kang.

"Woooooooooooh!" hiyaw ng mga tao.

Puno ng ngiti ang ipinakita ni Xiang sa lahat ng tao, ito naman ang pahiwatig na ang pagkadating ni Kaoru sa venue na nakapasok sa likod ng mall kung saan hindi gaanong mahigpit ang seguridad. Nasa tagong area siya at nagpahiwatig ang ngiti ni Xiang na ilabas ang kanyang baril at itutok sa kanyang kapatid.

Abangan: Episode 67

Likeself Reputation Chapter 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon