Likeself Reputation Episode 61

55 1 0
                                    

Masayang gabi para sa dalawang pares na magkasintahan na. Sa kanilang mga ngiti, ito na kaya ang huli?

Nag-kwentuhan pa sina Lyn at Kaoru tungkol sa mga nakaraan nila kung paano sila nagkakilala, marami man naging balakid ay naging matatag sila.

Gayundin sina Yan at Xiang, nag-kwento sila sa bawat isa na parehong hindi nila akalain na darating sa ganito ngunit mahal nila ang isa’t-isa.

Ang buhay nga naman, basta’t mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para mapasaya mo siya.

Kinabukasan, hindi naman napuyat si Xiang kaya pumasok na ito sa Hong Kong University. Ito ang araw na kinakabahan siya, ang resulta ng final exam.

“Ito na, ito na.” sabi ni Xiang sa kanyang sarili.

Inanunsyo na ang mga pasado sa final exam at siguradong darating sa graduation. Naanunsyo si Lyn na pasado ngunit si Xiang ay natatagalan masabi ang kanyang pangalan.

“Naku! Baka hindi ako pasado.” sabi ni Xiang sa kanyang sarili.

“Ok, nasabi ko na ang lahat ng pasado.” sabi ng prof.

Nagulat ang sampung natitira dahil hindi sila natawag, isa lang ang pahiwatig nito. Kasama dito si Xiang.

“Hala” sabi ni Xiang.

“Ang natitirang sampu ay” sabi ng prof.

Tumigil muna ng sandali magsalita ang professor.

“Ay ang topnotchers, ang top 10 at ito ay aking babanggitin na.” sabi ng prof.

Natuwa si Xiang na mas malaki pala ang kapalit nang hindi pagsabi sa kanyang pangalan, natuwa at napahiyaw at napalakpak pa ang iba pang natitira sa sampu.

Nang nalaman ito ni Lyn, alam niyang nandoon ang kamukha ni Kaoru na itinuturing niyang kaaway kaya napasimangot siya.

“Hay nako!” sabi ni Lyn.

“Top 10.......” sabi ng prof.

“Top 9........” sabi ng prof.

“Top 8.......” sabi ng prof.

“Top 7........” sabi ng prof.

“Top 6.......” sabi ng prof.

“Top 5........” sabi ng prof.

“Top 4.......” sabi ng prof.

“Top 3........” sabi ng prof.

“Top 2.......” sabi ng prof.

“At ang top 1 ay si Mr. Kaoru Ming.” sabi ng prof.

“Wow!” ang sigaw ng mga ibang estudyante.

Lalung sumimangot ang mukha ni Lyn, balakid naman ito nang ngiti kay Xiang sa kanyang pagkapasa. Tinatago niya ang tunay niyang emosyon na sobrang tuwa, inilalabas niya sa mga tao na siya’y nakangiti lamang.

“Congrats Kaoru Ming, top 1 ka at ikaw ang mangunguna sa taong ito sa darating na graduation. Congratulations ulit!” sabi ng prof.

“Congrats Kaoru!” sabi ng mga kaklase niya.

“Salamat, salamat” sabi ni Kaoru.

“Yes! Natupad din ang aking pangarap, gusto ko lang makapasa ngunit mas malaki pa ang ibinigay! Hindi lang ito dahil sa akin, parte rin ito ng tunay na Kaoru Ming, kumbaga ako lang ang magpapatuloy sa kanyang buhay. Ang aking kamukha na may reputasyon.” sabi ni Xiang sa kanyang isip.

“Sa susunod na linggo na ang ating graduation, sa susunod na dalawang araw ay ang inyong practice. Congratulations ulit sa inyong lahat dahil lahat kayo ay pasado.” sabi ng prof.

Tuwang-tuwa si Xiang at sa iba’t-ibang bahagi ng unibersidad ay puno ng congratulations sa kanya.

Umuwi na siya sa bahay at sinadya niyang umuwi ng malungkot dahil alam ni Jiao at Kang na sasabihin  ngayong araw ang resulta.

“Nako, anak, bakit ganyan ang itsura mo? hindi ka ba nakapasa?” sabi ni Jiao.

“Oo nga, pero anak, ayos lang yun. Nakikita ko naman na may determinasyon ka.” sabi ni Kang.

Biglang ngumiti si Xiang at tumalon sa tuwa at unti-unting sinabi ang resulta.

“Mom, Dad. Top 1 ako sa final exam!”

“Wow! Grabe anak, ang galing mo!” sabi ni Kang.

“Congrats Kaoru, natutuwa kami para sa iyo. Bilib kami sa iyo anak.” sabi ni Jiao.

Puno nang tuwa ang pamilya at lumawak pa ito sa mga magulang nina Jiao at Kang. Nagkaroon pa nga ng reunion sa pamilya sa simpleng kainan para magkaroon ng selebrasyon.

“Mabuhay si Kaoru Ming!” sigaw ni Kang.

“Mabuhay!” sabi ng lahat.

Kung tuwang-tuwa si Xiang, syempre ang kakambal hindi magpapatalo.

Nang nagtatrabaho siya sa business area sa Guangdong ay may inanunsyo ang kanyang manager.

“Mr. Ming, nakita namin ang iyong determinasyon sa iyong trabaho. Masasabi ko na ang lakas mo ay hindi lang dito sa Guangdong. Mayroon kasi kaming business partner sa Hong Kong at hanggang ngayon ay naghahanap ng assistant. Siya ay presidente doon at mukhang irerekomenda kita at siguradong tatanggapin ka niya.” sabi ng manager ni Kaoru.

“Wow! Salamat po manager.” sabi ni Kaoru.

Pinaalam kaagad ito ni Kaoru kay Lyn kaya ang simangot ni Lyn kanina ay nawala kaagad.

“Ngayong araw ka rin pupunta sa Hong Kong, para ma-meet ka na ni Mr. President.”

“Sige po. Salamat po ulit.” sabi ni Kaoru.

Nagpasama si Kaoru kay Lyn sa Hong Kong, ibinigay sa kanila ang business area at hindi naman sila naligaw. Bumalik ang mga alaala kay Kaoru sa lugar na Hong Kong, karamihan dito ay alam na niya.

Binaling na lang niya ang kanyang isip sa pakikipagkita sa presidente ng isang negosyo.

“Nasasabik na ako Lyn.” sabi ni Kaoru.

“Maganda yan, mas tumataas na ang posisyon mo. Mas kagalang-galang ka na.” sabi ni Lyn.

“Oo nga, mas patataasin ko pa ito para makapaghiganti.” sabi ni Kaoru.

“Timing ka Kaoru dahil ang kamukha mo ay namamayagpag sa kolehiyo.” sabi ni Lyn.

“Pakeelam ko ba doon? basta ako sa sarili ko, alam kong nasa mataas na ako.” sabi ni Kaoru.

Nakapunta na sila sa opisina at nakita nila ang president ng isang negosyo.

“Good Morning po Mr. President.”

“Ah, ah, ah, Good Morning.........” ang pagkagulat ng presidente.

Bakit nga ba nagulat ang presidente?

“Parang pamilyar ka sa akin.” sabi ng presidente.

“Huh?” sabi ni Kaoru.

Hindi alam ni Kaoru na naging assistant ng presidente na iyon ay ang kanyang kamukha na si Xiang. May mas malaki pa kaya siyang malalaman?

“Sa susunod na linggo na ang ating graduation, sa susunod na dalawang araw ay ang inyong practice. Congratulations ulit sa inyong lahat dahil lahat kayo ay pasado.”

Abangan: Episode 62

Likeself Reputation Chapter 7Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt