Ang lumang bahay (FBstories)

591 10 1
                                    


Ang Lumang Bahay

Bata pa lang ako marami na akong naencounter na kakaiba.

Etong experience na ishashare ko ay yung di ko talaga makalimutan. This happened way back 2010. Nagdecide yung partner ko na lumipat kami ng tirahan. Thankful naman kami kasi nakahanap kami ng may mababang upa dito lang banda sa Pasay. So ayun na nga. Kinabukasan lumipat na kami kaagad. Tatlo kami non kasama ang kapatid kong dalaga. Habang inaayos namin yung mga gamit namin sa cabinet, may nakapa akong sulat sa itaas mismo nung cabinet. Ang sabi sa sulat: Umalis na kayo dito, at dapat huwag ng tumira, at huwag ng bumalik. Habang binabasa ko yung sulat, kinabahan ako at pinabasa ko sa partner ko. Sabi niya huwag na lang pansinin at baka wala lang magawa sa buhay. Kinabukasan, pumasok ako sa work ko. Nagtatrabaho ako bilang isang merchandiser sa isang mall sa South. Everytime na umuuwi ako galing work, mga alasdose na ng madaling araw kasi medyo may kalayuan yung pinagtatrabahuhan ko sa inuupahan namin. Lagi na lang kapag pagbukas ko ng gate, napapansin kong may nakasinding kandila sa unang bahay na madadaanan ko. Apat yung bahay na yun sa looban. Yung second house, sa may ari. Yung pangatlo saamin. Yung last, yung sa nakakakwentuhan ko kasi approachable siya. Balik tayo dun sa unang bahay na may laging sinding kandila. Isang linggong ganyan ang eksenang nadadatnan ko. After nung week na yun, kinabukasan nilagnat ako na umabot ng three days. Umiinom naman ako ng mga gamot kaso parang walang talab kaya nagpatawas nalang ako sa province ng partner ko (Pangasinan) through text lang kasi may mga pictures naman na ako doon which is kailangan daw. Around 5pm ng araw na iyon, natanggap na namin yung result. Sabi may nakatitig daw sa akin sa lumang bahay. Sabi ng mangtatawas, kapag nadaan daw ulit ako sa bahay na yun, magtalukbong nalang ng puting damit at yumuko at huwag ng lumingon. Sinunod ko ang bilin at unti-unting nawala ang lagnat ko.

Until one night, habang natutulog kami, napanaginipan ko ang isang malaking lalaking nanlilisik ang mga mata. Tawa siya ng tawa tapos sinasabi niya na ""Akin ka! Akin ka! Hahaha!"" Papalapit siya sa akin habang pilit ko siyang tinutulak palayo, ngunit di ko maigalaw ang aking mga kamay. Di ako makahinga na pakiramdam ko may nakadagan sa akin ng mabigat. Sumisigaw ako pero parang ako lang yung nakakarinig habang pinagmasdan ko yung sarili kong nakahiga kasama yung malaking lalaki. Naalimpungatan ako at pawis na pawis at takot na takot ako kasi parang totoo talaga. Kinabukasan, dahil narin sa curiousity, tinanong ko yung babaeng nakatira sa pang-apat na bahay kung may ano bang nangyari sa bahay na tinitirahan namin. Kinwento ko kasi yung panaginip ko sakanya pati narin yung sulat na nakita ko. Sabi niya huwag na lang daw ako maingay sa sasabihin niya. Na wala daw talagang tumatagal sa bahay ma tinitirahan namin dahil sa gilid daw ng CR, may malaking puno dati. Sa punong yun daw nagbigti yung lalaking anak ng may ari paupahan dahil daw brokenhearted. Dahil sa nalaman ko, kinwento ko ito sa partner ko at sa kapatid ko kaya naman oraoradang nagpaalam kami sa may ari na aalis na kami kahit di pa tapos yung isang buwan sa binayadan namin. Nagdahilan na lang kami na kinailangan namin umalis agad at di na namin sinabi yung nalaman namin.

Payo para sa mga baguhang mangungupahan: Di porket mura, go lang ng go! Dapat alamin muna ang background ng bahay na uupahan para safe.

P.S. Yung sulat pala, tinapon ko yun pagkabasa nung partner ko. Malay ko ba kasing dapat pinaniwalaan ko yung babala...

MGC

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon