Seat#27 (FBstories)

692 13 2
                                    

Seat#27

(from:Ghost Stories in UP)

"The year was 1930. Sa isang silid sa UP, excited ang lahat kahit maging ang mga proctor (sa lahat naman ng rooms siguro). Pagpatak ng alas-siyete ng umaga, binigay na ng mga proctor ang unang libreta sa mga examinees habang nag bibigay ng instructions ang head proctor.

Matapos magpaliwanag ng Head Proctor, sabi nya, "If there are no more questions, you can now start your Mathematics examination in 5... 4... 3... 2... 1!"

At nagsagot na ang mga mag-aaral.

Makaraan ang takdang oras, sabay-sabay pinatigil ang mga examinees at pinapasa na ang mga papel nila para makolekta.

HP: "Now, you can start your Language Proficiency examination in 5... 4... 3... 2... 1!"

At muling nagsagot ang mga mag-aaral.

At pagkaraan uli ng takdang oras, sabay-sabay pinatigil ang mga examinees at pinapasa na ang mga papel nila para makolekta.

HP: "That wasn't so hard isn't it? Alright! Your third examination is Science and Technology and you can start answering your test papers in 5... 4... 3... 2... 1!"

BLAG!!!

Yung bata na nakaupo sa Seat #27, bumulagta na lang bigla sa sahig. Napatigil ang lahat at agarang pinuntahan ng mga proctors ang bata. Wala na itong pulso at hindi na rin ito humihinga. Mabilis siyang isinugod sa ospital.

Panandaliang natigil ang pagsusulit sa silid na iyon. Pero since "the show must go on," itinuloy pa din nila ang exams matapos ang ilang minuto.

Kakatapos lang ng examintations para sa umagang iyon nang natanggap ng Head Proctor ang balitang DOA ang bata sa ospital. Inatake daw sa puso.

—-

Matapos ang ilang linggo, nakolekta na lahat ng sinagutang test paper ng batch na yun at nagsimula na ang checking. Kalat na kalat ang istorya nung batang namatay sa grupo ng mga checker at nakuha pa ngang magbiro ng ilan na "Siguro anhirap sobra ng exams? May inatake sa puso, eh."

Maagang natapos magcheck yung checker na naaasign dun sa section nung batang namatay. At dahil wala na syang ginagawa, nacurious syang check-an na din ang papel nung bata kahit pa may marka na itong "not for checking." Itinama ng bata lahat ng items 1-50 (Math) at items 51-100 (L.P.). Nasambit nya tuloy na "Sayang, mukhang kaya pa naman nyang itama ang buong exam."

—-

1931

Yung bata na uupo dapat sa Seat #27 sa kaparehong silid na kinamatayan ng isang bata isang taon na ang nakakaraan ay hindi nakarating sa araw ng exam. Bakante ang upuan sa taong iyon at walang nag-isip ng kahit ano tungkol sa pangyayaring ito.

1932

Hindi na naman nakarating ang batang dapat ay uupo sa Seat #27. "Coincidence lang siguro," ansabi ng mga proctor. Bakante na naman ang upuang iyon that year.

1933

Hindi na naman nakarating ang batang dapat ay sa Seat #27 uupo. May mga nagsabi na mukhang ayaw daw magpa-upo noong bata sa upuan nya kasi hindi nya natapos ang exam nya noon. For the third straight year, bakante ang Seat #27.

1934

Taon-taon nawawalan ng isang mag-aaral ang silid na iyon at ang mga pangyayaring iyo'y isinisisi nila sa "pagmumulto" nung batang namatay noong 1930. Nakakapagtaka din kasing isipin na sa tuwing magtatanong ang mga proctor sa ibang mag-aaral sa section na iyon, wala ni isa sa kanilang may kilala sa batang absent ng taon na iyon.

Kaya ngayong taon, naisipan ng mga proctor na tanggalin ang Seat #27 at magiwan na lamang ng bakanteng espasyo sa gitna ng Seats #26 at 28. Ito daw kasi ang suhestiyon ng isang esperitista na nakatira sa Los Baños.

Ang nangyari? Hindi lamang isang bata ang absent ng taong iyon. Absent din ang mga batang uupo sana sa Seats #26 at 28, maging ang mga batang naka-assign sa likod at harapan nilang mga upuan. Pati ang mga upuang nasa likod at harap noong espasyong iniwan ng Seat #27, nabakante din ng taon na iyon. So imbis na isa lang ang absent that year from that section, naging walo.

Curiously enough, wala ding makapagsabi sa mga examinees kung sino ang walong ito.

1935

Ibinalik na ng mga proctor ang Seat #27. Mabuti na daw na isang bata ang mawala taon-taon kaysa naman sa walo. And to everybody's surprise (and relief), dumating lahat ng examinees ng silid na'yon ngayong taon. "Salamat naman at natahimik na din ang kaluluwa ng bata. Marahil, natanggap na niyang it's time for him to move on." Sabi ng Head Proctor.

—-

Matapos ang ilang linggo, nakolekta na lahat ng sinagutang test paper ng batch na yun at nagsimula na ang checking. May ipinagtaka nga lang ang checker ng mga test paper galing sa silid nung batang namatay 5 years ago. Yun kasing batang umupo sa Seat #27 nung taong iyon, ang sinagutan lamang ay ang items 101-250. Itinama nya itong lahat.

Kinilabutan ang checker at dali-daling kumunsulta upang maikumpara ang papel na itinatama sa papel nung batang namatay limang taon na ang nakakaraan. Pareho lahat ng demographics na nasa dalawang papel ultimo litrato.

At ang nakalagay na petsa? Parehong August 9, 1930."

Kim Ah Young

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon