Mabait o may Ibang Balak? (FBstories)

710 9 0
                                    


Mabait o may ibang balak?

Hi Spookify , short story lang ho ito. Sana po mai-share nyo at mabigyan ako ng advice . . .

Nagsimula po ang lahat nung napalipat na kami sa bahay ng nanay ng asawa ko. Ang itsura kc ng bahay nila don apartment, kaya may sarili kaming kwarto/bahay. 3months pa lang ang baby boy ko no'n, pinapalitan ko sya ng diaper sa loob ng kwarto namin na bukas ang pinto, nagulat ako may pusang puti na papadaan at pagkurap ko biglang nawala. Kaya tumayo ako at sumilip sa labas namin baka kasi tumakbo lang kaya biglang nawala.

Yung sumunod naman na exp ko ay gabi rin, kukuha ako ng tubig sa labas ng kwarto namin, may gripo kc don at dun ang pwesto namin pag maglalaba, may naramdaman akong tumakbo sa likuran ko, as in naramdaman ko rin yung hangin, tapis nilingon ko tinignan ko kung cno, ang nakita ko nalang anino ng batang lalaki papasok sa loob ng kwarto namin, kaya sinundan ko akala ko kc yung pamankin ng asawa ko inisip ko baka buhatin yung baby bigla nyang mabagsak. Pagpasok ko sa loob ng kwarto namin wala akong nakita, tinignan ko sa mga pwede pgtaguan baka kc nagtatago lang yung pamankin ng asawa ko pero wala talaga, dun na ko natakot.

Pangatlo naman tanghaling tapat no'n, naglalaro sa crib yung baby ko tapos ako nakahiga sa carpet, di ko namalayan nakatulog na pala ko, may kumalabit sa binti ko ng dalawang beses, ang diin ng pagkakalabit parang nanggigising talaga. Nung nagising ako sakto namang nahulog sa pagkakatayo yung baby ko at naumpog sa loob ng crib. Dun ko naisip na baka bantay ng baby ko yung nagpaparamdam sakin.

Pang-apat naman ay yung nag aaway kami ng asawa ko, umiiyak ako no'n ng may narinig akong sumisit. Yung sitsit na parang naninita, yung sitsit na parang sinasabing wag maingay. Narinig ko sa likuran ko yung sitsit na yun, tapos tinanong ko asawa ko kung may narinig ba sya, sabi nya wala kaya ayun nagkabati tuloy kami kasi baka ayaw nung bantay ng anak ko na nag aaway kami.

Pang lima naman na exp ko ay May8 ng gabi, bday kc yun ng asawa ko, nagiinuman sila don sa tapat ng bahay ng ate ng asawa ko, pero wala dun yung ate nya dahil ginagamit lang yun twibg nagbabakasyon sa manila, pt*gina, yun talaga kitang-kita ng dalawang mata ko yung batang lalaki na naka puting damit na nakatitig sakin, nung paglingon ko tumakbo yung bata papunta sa kusina. Di ko nakita yung muka nya kc maliwanag. Sobrang kaba ko no'n at sobrang takot. Simula no'n hindi ko na kinwento sa asawa ko yung mga nakikita ko kc mas duwag pa yun kaysa sakin. (Ps: yung pinto ng bahay ng ate ng asawa ko ay screen lang, kaya kitang-kita kung ano nasa loob)

Ang last naman ay yung hinahanap ko asawa ko kc kinikilabutan ako don sa loob ng kwarto namin pero that time walang nagpakita saking ano man, basta bigla nalang ako kinilabutan. Habang hinahanap ko yung asawa ko yung batang lalaki na multo nagtatago, akala nya ata nakikipaglaro ako ng Hide & Seek.

So ayun lang po, may kwento pa po ako about sa GF ng kuya ko na sinusundang ng engkanto, send ko ulit sa spookify pag may interested :/ TY sa lahat ng nagbasa

Chiichii*

True Horror StoriesWhere stories live. Discover now