Chill (FBstories)

635 10 1
                                    

CHILL

Isa po akong 1st year Nursing student. Nangyare po ito nung Feb 18, 2016. Bale tatlong araw na po ako hindi pumapasok at nakatambay sa bahay ng tropa kong nagtatattoo kasama bff ko. Pangalawang punta na namin sa bahay nila yon nang meron akong naranasang diko makakalimutan.

Simula tanghali hanggang 10 ng gabi kame andon. Naginuman sila at nakishot lng ako ng dalawa. So wala akong amats kahit cla dahil malalakas cla sa inuman.

Mag gagabi ba non, ang lakas ng hangin papasok sa bahay ng tropa ko. Nagulat kame nagsara ung pintuan, ang nakakatakot dun papasok ung hangin pero ung pintuan sumara palabas. Una pinansin namin pero binalewala lng.

Maya maya nakaupo ako paharap sa tropa ko at nasa gilid ung bff ko. Nagkukuyakoy lng ako nung una habang nakikinig sa kwentuhan nila. Pero biglang bumigat ung pakiramdam ko na parang nay nakatayo sa likod ko. Binabalewala ko pero wala parin. Nakukutuban nako at di nako mapakali. So tumakbo akong bigla sa tropa ko at sinabe kong " kuya g*** dito ka lang sa tabi ko" nakita nilang takot na takot ako at tinaning nila kung bakit. Habang kinakausap nila ako nakatingin ako sa harap at nakatitig sa babaeng nakaputi at mahaba ang buhok bilog ang mata at wagas nang nakangiting nakatingin sa tropa kong katabi. At diko na mapigilan ang sarili kong sabhn. " ayun kuya g*** oh babae " habang nanginginig akong ituro. At sabi ng tropa ko na may ipapakita syang picture sakin, sabihin ko ba daw kung sya yon. Bigla akong nagfreeze ayokong makita mas bumibigat pakiramdam ko. Pagharap sakin ng picture. PUTANGINA sya ung babaeng nakatayo parin sa harap namin hanggang ngayon. Umiyak nako ng sobra habang yakap ako ng tropa ko. Wala kasi kameng alam sa background nya at naikwento nyang kapatid nya yon namatay lang 2 years ako.

Ang creepy lng kasi hindi ko alam na may kapatid syang pumanaw na at hindi ko pa nakikita ung mukha nya. Nag dasal kame at sabi ng tropa ko hindi pa nya nadadalaw dahil nag birthday daw ung last week lng. Pinapatahan na nila ako at nakikita ko parin ung kapatid nyang babae na nakatayo sa harap namin. Inisip ko nalang na gusto nya nang makita ang kuya nya (ung tropa ko) na dalawin sya. At nung medyo tumahan nako nakita ko at naramdaman kong tumabi ung babae sakin at parang nagsosorry sakin at umalis na sa bahay.

Sorry kung mahaba, 1st time ko lang nakakita kasi ng kaluluwa. Hindi kasi ako naniniwala sa ganon pero ako mismo nakapagpatunay sa sarili ko na totoo nga..

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon