Tulong kaibigan (FBstories)

650 5 0
                                    


PSST!!

hi!! Gusto ko lang mag ambag ng story ko. Sana magustuhan niyo

Im a born again christian and committed ako sa ministry. 3rd yr highschool ako nun nang mangyari ito. And that time sa projector pa ko naka asign so ako nag aasikaso ng mga powerpoint presentations.

So ito na nga. Every last friday of the month kasi may ginaganap na overnight prayer meeting sa church ang mga leaders. So ayun Friday ng gabi around 7:00pm nagtext sakin yung pastora namin. Tinanong niya ako kung pwede daw ba akong pumunta sa church dahil may ipapagawa siyang powerpoint presentation di ko naman daw kelangan sumama sa overnight, basta pag natapos ko gawin yung pinapagawa niya pwede na akong umuwi. So pumunta ako mga bandang 7:30pm na din siguro yun.

Pag dating ko sa church wala pang tao naka lock pa yung gate. So hinintay ko na lang dumating si pastora. After a few minutes dumating na siya. Galing daw sa paprint-an. So pumasok na kami sa church at Dahil dalawa naman kami ok lang naman ako at least may kasama ako sa loob kahit isa lang. Kaso nangyari ang hindi inaasahan. Nagpaalam siya sakin na babalikan niya yung mga pinaprint niya di pa daw kasi tapos nung pinuntahan niya ako. So it means maiiwan ako mag isa sa loob ng church. Dahil ayoko naman ipamukang takot ako pumayag akong maiwan ng mag-isa.

At heto na nga mag-isa ako sa church. Wala akong ibang naririnig na ingay bukod sa mga tunog ng mga dumadaang sasakyan sa labas, tunog ng electricfan at yung tunog ng keyboard habang nagttype ako. Halos 20mins. Na din ang nakalipas at hindi pa din ako tapos sa ginagawa ko, Andami kong naririnig na kakaiba pero parang guni guni lang naman. So dedma na lang

Habang tahimik ang paligid may bigla akong narinig. "PSST!" Sobrang linaw ng tunog(boses). Sigurado akong sa loob mismo ng church nanggaling yung pagsitsit dahil kung galing sa labas yung dapat mahina lang ang dating sa loob ng tunog dahil kulob yung church namin (dahil may aircon)

Napahinto ako sa pagtatype nun sa sobrang gulat. Maya maya "PSST!" At nung nirinig ko yung pangalawang pagsitsit doon na nagsitaasan yung mga balahibo ko, naramdaman ko din ang pag lamig ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng lamig simula sa kamay dahan dahan pataas sa batok ko hanggang sa naramdaman ko na parang lumaki ulo ko. Ang wierd talaga ng feeling. At dun ko nasabi sa sarili kong hindi ito guni guni. Maya maya pa nakarinig na naman ako "PSST!" Pangatlo na yan!! Lumingon lingon na ako sa paligid. At meron na naman "PSST! PSST!" Unti unting bumibilis yung pagsitsit. Napalingon ako sa pintuan pero badtrip!!! Ang layo ng pwesto ko!! Ang layo ng tatakbuhin ko bago makalabas. Eh madulas pa yung sahig. (Madalas ako madulas dun eh) Naisip ko, tatakbo ba ako o hindi baka pag dumakbo ako bigla akong madulas tapos biglang may humila sakin tsaka kahit gustuhin ko mang tumakbo hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa katawan ko. Wala akong lakas ng loob para gumalaw nung mga oras na yun. Naririnig ko pa din yung pagsitsit at pabilis ito nang pabilis nang makabawi ako ng lakas ang ginawa ko nagpatugtog ako ng christian song, "counting on God" yung pinatugtog ko dahil lss ako sa kantang yan nung panahon na yun. Ipinagpatuloy ko yung ginagawa ko at nagfocus ako sa pakikinig nung kanta hanggang sa bumilis ng bumilis yung pagsitsit at sa pagbilis nito unti unti din itong humina hanggang sa hindi ko na ito narinig. Malamig yung paligid pero pinag papawisan ako. Pinagpawisan ako ng malamig.

Huminto ako saglit at pinakiramdaman ang paligid at nakinig para siguruhing wala na yung pagsitsit. At ipinagpatuloy ko na ulit yung ginagawa ko at maya maya sa wakas dumating na din si pastora.

Akala ko talaga hindi totoo yung mga sumisitsit. Kainis sabi nila pag ganun daw wag ka daw lilingon. Pero friieeennddd!!! LUMINGON AKO!!!!!!! pero wala namang nangyari 😛

RF

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon