The 2nd Rebellion

6.5K 174 6
                                    

What is solution?

Any substance - solid, liquid or gas - that is evenly dispersed or distributed thought another substance - solid, liquid, or gas. Solutions are often called homogeneous mixtures because they are not pure substances, yet the substances that comprise them are evenly dispersed throughout the mixture.

Nakatulala lang si Seb habang nakatingin sa harap ng whiteboard. Tuyong tuyo na ang utak niya pagpasok pa lang ng school. Don't get him wrong, hindi siya adik. Wala lang siya sa mood.

Hindi niya maintindihan ang nakasulat sa harapan na ginamitan ng whiteboard marker. Hindi naman kasi siya kasing talino ng kapatid niya.

Si Sandro na ang matalino.
Si Sandro na ang mabait.
Si Sandro na ang paborito.

Bwisit na Sandro 'yan! Siya na lahat.

Solution.

Saan naman niya hahanapin ang solusyon sa mga problema. Paano naman niya gagawin iyon? Hindi na naman maganda ang timpla niya ngayong araw.

---

Nakaramdam bigla ng pagkabagot si Seb. Sa totoo lang hindi niya gusto ang kursong kinuha. Pinilit lang siya ng mga magulang—lalo na ni Xander—na pakuhanin siya ng engineering course. Para daw pareho sila ng kapatid niya. Malas lang ng binata dahil hindi siya kasing talino ng kakambal.

Luckily, pumapasa naman siya kahit puro pambubulakbol lang ang alam niya. Isa sa mga share holders kasi ang pamilya Chavez sa school na pinapasukan niya kaya hindi siya binabagsak nito. Takot lang ng administration ng school.

Kinuha ng binata ang cellphone niya para i-text ang tropa na magkita sila mamayang lunch. Group message ang ginawa niya kaya medyo natagalan ang pagse-send plus hinihintay niya rin ang reply ng mga ito.

"Mister Chavez, please pay attention." May pagtitimpi na pagtawag sa kanya ng professor.

Hindi pinansin ni Seb ang boses ng professor. Paalis na ito. Ngunit natigilan siya sa mga sumunod na sinabi nito kahit medyo pabulong na lang.

"Bakit kasi naging estudyante ko pa ang batang 'to! Wala namang kwenta."

Nagpantig ang tenga niya sa narinig. Marahas siyang tumayo kaya naman umurong ang kanyang upuan at nabaling ang atensyon sa kanya ng iba pang estudyante.

Hinawakan niya ang kwelyo ng professor. Hinigpitan ang pagkakakapit.

"You faggot!" agad niya rin itong binitiwan at galit na idinuro ni Seb ang kanyang professor. Halata sa mukha ng guro ang pagkagulat. Kinuha ng binata ang kanyang bag at padabog na lumabas ng classroom. Pabagsak na isinara ang pinto.

Halata naman kahit noon pa ang nag-uumapaw na berdeng dugo ng guro. Pilantik ng mga daliri at pigil na kembot ng balakang. Hindi rin nakaliligtas sa kanya ang panaka-naka nitong tingin sa kanya, at sa iba pa nitong kaklase na lalaki.

---

Nakatambay siya sa quadrangle ng school habang hinihintay ang tropa. Hindi sila magkakaklase dahil iba iba sila ng kursong kinukuha. Kung magkakaklase lang sila. Siguradong gulo, tawanan at kung anu-ano pang kababalaghan lang ang eksena nila sa loob ng classroom.

Hindi niya makasundo ang mga kaklase niya dahil hindi ito pasok sa standard niya. Ang pagiging cool at astig. Para sa kanya, weaklings lang ang mga kaklase niya.

Ilang kuyakoy na ang nagagawa niya pero wala pa rin ang mga kaibigan niya. Dati isang text niya lang sa mga ito, agad silang nagsisipuntahan.

Habang naghihintay. Dumaan sa harap niya ang isang dalagang medyo nerd ang itsura. Sexy at maganda ito kung hindi nga lang natatakpan ng napakalaking salamin ang mata nito. Kahit mahaba ang suot nitong palda, hindi maikakaila ang makinis nitong balat na parang ang sarap haplusin.

The Rebellious Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now