Prologue

15.9K 311 10
                                    

Bago matapos ang school hours ay nakaalis na ang tropa ni Seb. Kailangan magmadali dahil baka makatakas ang target nila.

Ito na naman ang grupo nila. Ang bugbugan session.

One for all, all for one. Ito ang motto nila lalo na kung may umagrabyado sa isa sa mga kaibigan nila. Hindi sila nag-iiwanan sa ere.

Dumayo pa sila ng ibang lugar pa lang turuan ng leksyon ang grupong bumangga sa kanila.

"Dito tayo!"

Dire-diretsong silang tumakbo sa likod ng eskwelahan nila. Wala naman kasing kwentang magbantay ang school guard nila kaya madali itong natatakasan.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo?" tanong niya sa kaibigan.

"Wala. Siya ang may ginawa sa 'kin sinulot niya ang girlfriend ko."

"Sinulot? 'Di ba gawain mo 'yun?"

"Ang number one casanova ng campus, nasulutan?" sabay tawa ng isa.

"Loko talaga kayo."

"Pasalamat ka kaibigan ka namin." komento naman ng isa.

Tumatakbo na sila para sundan ang target nila. Pero laking gulat nila ng makitang may mga kasama rin ito. Mga kasing dami rin nila.

Nakatambay ito sa medyo madalim na parte ng subdivision. Nagtataka nga sila dahil mukhang may inaabangan din ang mga ito. Lumingon ang kabilang grupo ng maramdaman ang presensya nila. Napangisi pa ang isa. Mukhang ito ang leader ng mga goons.

"Yan ba 'yun pre?" tanong niya sa kaibigan.

"Oo pre. Siya lang naman ang may pinakamasagwang itsura eh. Kaya nga nagtataka ako kung pa'no niya nasulot si Tracy."

Nagtawanan ang grupo ni Seb na ikinakunot-noo ng leader ng kabilang grupo.

Lumapit ito sa kanila kasunod ang mga alipores nito. "Anong nakakatawa?"

Lalong lumakas ang tawanan.

"Pre 'yung mukha mo daw na mukhang tempura." kantyaw ng kaibigang casanova ni Seb.

Halos umakyat ang dugo nito sa ulo dahil sa narinig. Lumingon ito sa likuran para tawagin ang iba pang kasamahan.

"Ang lalakas ng loob niyo ah! Sino sa inyo ang kalaguyo ni Tracy?"

"Ako bakit." Maangas na sagot ni Boy Casanova.

Hinawakan ng leader ng goons si Boy Casanova sa kwelyo nito. Hinigpitan pa lalo nito ang pagkakahawak. "Layuan mo ang girlfriend ko!"

"Ikaw ang lumayo," Nagpigil ito ng hininga at naglabas ng impit na tawa. "Ang baho ng hininga mo!"

"G*g* ka!" Sigaw ng kaharap niya sabay straight sa mukha.

Nagsilapitan sina Seb sa nakaupong kaibigan sa sahig. Nag-init agad ang ulo ng binata kaya sinipa nito sa dibdib ang leader ng mga goons. Lumapit din ang mga kasamahan nito.

Nagsimula na ang royal rumble.

Namalayan na lang nila na bagsak na ang mga kalaban sa maruming sahig. Gabi na at tanging liwanag ng street light na tatlong metro ang layo ang nagsisilbing liwanag.

"Ayos ka lang?" concern na tanong ng kaibigan niya. Sa totoo lang ay hindi siya komportable sa presensya nito. Ilag rin siya dito. Hindi niya alam kung bakit.

Tanging tango lang ang isinagot niya.

"Tara na."

Umalis na sila sa naturang lugar. Pero kahit kanina pa tapos ang lahat ng nangyari. Hindi pa rin tumitigil ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o may iba pang dahilan.

Pero hindi na maaari... tapos na ang lahat. Lahat ng meron sila-noon.

The Rebellious Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now