Chapter 18: Understand

18.5K 613 143
                                    

Trey's POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos naming magcelebrate ni Ash ng second monthsary ng pagiging magnobyo namin.

That week was still okay in our relationship. But now, I don't know. There's something wrong.

I'm not sure pero parang naging mailap na sa akin si Ash. But I did consider of how he's been busy with his sport as well as his academics.

Last year niya na kaya puspusan ang practice kasama ng team niya to bring pride to our school again and also, he needs to focus on his studies dahil graduating student na siya at marami ng ginagawa like thesis, research paper and the likes.

Unlike me, pachill-chill muna dahil nasa first year pa lang. Hindi ko pa naman nafifeel ang pressure being a college student.

So with that, I need to understand Ash. Of course, even kami ay may kanya-kanya pa ring buhay. Hindi naman sa lahat ng oras ay igugol namin ang oras sa isa't-isa, diba?

We have our priorities that we need to do and fulfill. Kahit isa na siya sa priority ko, kailangan ko pa ring isipin 'yong iba.

Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko pero alam ko din naman ang sagot. Ang gulo ko talaga.

I sighed. Iniistress ko lang ang sarili ko. Mahal ako ni Ash kaya hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. He promised that if ever na hindi na niya ako mabibigyan ng time, babawi raw siya. Maybe I will stick on that.

Talagang tutuparin niya iyon dahil kung hindi, mawawalan talaga siya ng kinabukasan.

I assure that. Hindi ako nagbibiro. Talagang mawawalan siya ng kaibigan kapag hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin.

Again, I heaved a deep sigh. Ang gulo ko lang because I'm thinking of such things to be complicated. Ako lang ang nagpapagulo sa sarili ko.

Matext na nga lang si Mikael. Asan na kaya ang ang baklang 'yon (parang hindi lang bakla nu!)?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at binuksan ito. Bubuksan ko na sana ang Message icon nang saktong tumunog ang message tone nito.

"Hello?"

Ay bobo! Message tone nga pala. I thought it was a call. Hahaha.

Okay, walang natawa.

Sorry naman.

He stated on his message na nasa cafeteria na raw siya kaya pumunta na ako roon.

Maraming tao pagdating ko ng cafeteria. Lunchtime kasi kaya magkakasabay halos lahat ng vacant ng mga estudyante. Inilibot ko ang aking tingin para hanapin si Mikael. 

Ayon! Nakaupo siya sa pinakadulong bahagi ng cafeteria facing his back at me with someone... Wait, may kasama siya.

Parang pamilyar ang buhok ng kasama niya. Hindi ko kasi natatanaw ang mukha nito sapagkat natatabunan ito ng ulo ni Mikael.

Nag-umpisa na akong maglakad patungo roon at nagulat ako nang mapagsino ang lalaking kaharap niya.

Si Izzy.

Magkasama sila?

Obvious nga naman. Kasasabi ko lang na magkaharap sila, diba?

What I mean is, okay na ba sila sa isa't-isa kaya magkasama sila sa isang table? Kung alam niyo lang kasi kung gaano kagalit si Izzy kay Mikael.

"Mik, Izzy." Sabay silang napatingin sa akin nang tawagin ko ang pangalan nila. Nginitian ko silang dalawa.

Tumaas naman ang kilay ko sa biglaang pagbago ng ekspresyon ni Izzy. Nakangiti na siya ngayon. Kanina kasi nang nasa malapit na ako rito ay nakita ko ang inis sa kanyang mukha.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon