Nag-isip ako. "Uhmmm, wala naman."

"Mag-dinner tayo sa labas?"

Napatingin ako sa kanya pero tuloy lang siya sa paglalakad.

"A-as in date?"

Tumango ulit siya pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

Magde-date? Kami ni Terrence? Wala naman akong gagawin mamaya. Baka friendly date lang.

"Okay."nasabi ko nalang sa kanya.

Nasa tapat na kami ng auditorium.

Sinulyapan niya ako. Halatang-halata na pinipigilan niyang ngumiti. -______- Ano ba naman yan.

"Sige,mamaya ha?"

"Oo na nga."

"Susunduin kita dito, okay?"

"Oo nga ang kulit." Napangiti na ako.

Naglakad siya ng paatras di pa rin inaalis ang tingin sa akin. May saltik din ba ang isang 'to?

"Sige na. Bye." Sabi ko nalang tapos pumasok na sa loob.

Nagulat ako nang makita ko si Zurk sa may pintuan. Na-alala ko ulit yung mga sinabi niya. Ang kapal! Matapos niyang sabihin sakin na gusto niya ako tsaka naman lalabas ang video nila ni Phoebe. Kainis.

Linampasa ko siya pero hinagip niya ang braso.

"Makikipag-date ka kay Terrence?" sabi niya sa mababa na tono.

Linabanan ko siya ng tingin. "Wala ka nang pakialam dun, okay?"

"Ilang beses akong nag-aya sa 'yo pero hindi ka pumayag pero kay Terrence pumayag ka."may hinanakit sa boses na sabi niya.

"Eh, ano naman ngayon? Ikaw nga may pa-video video ka pang nalalaman!" nagsimula nang manlamig ang kamay ko. May gana pa siyang magalit dahil pumayag akong lumabas kasama si Terrence. Tch!

"It's not what you think."

"Wag ka nang mag-explain, di naman tayo magka-ano ano di ba?"bigla kong nasabi.

Siguro imagination ko lang pero parang nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya. Imagination ko nga lang ata talaga yun.

"Don't..."napatigil siya sa pagsasalita.

BInitawan niya ako tapos bumababa na siya sa mga kabanda niya.

Andun na karamihan ang mga magpre-present para bukas kaya medyo marami na din ang nakakapansin sa maitim na atmosphere namin ni Zurk.

Hay, bukas na pala talaga. Nakasalalay dito ang fines ko. Nakita ko si Mariolle na kausap si Faith.

Lumapit ako sa kanila.

"Last auditions na ba talaga kahapon?"tanong ni Faith.

"Oo, eh. Pakisabi nalang sa pinsan mo na next time nalang."

"Bakit? Ano ba yan?" tanong ko.

"Yung pinsan kasi ni Faith hindi naka-abot sa last auditions natin kaapon tapos nagpapa-tanong daw kung pwede pa daw humabol."

"Sige na Pikki, kailangan niya daw kasi eh."pagmama-kaawa ni Faith.

"Ano daw ba ang gagawin niya?"tanong ko. Kung kapareho ko lang din na may kailangan i-comply baka pwedeng i-habol.

"Kakanta daw."

"Hay, sige na nga. Basta papuntahin mo na ngayon din para di maka-abal sa practice nila."

Nagliwanag ang mukha ni Faith. "Talaga? Salamat talaga Pikki! Teka lang, tatawagan ko."

Lumayo na sa amin si Faith.

"Sino na ang nag-pra practice?"tanong ko kay Mariolle.

Tiningnan niya saglit ang hawak-hawak niya papel. "Si Gwen na ngayon tapos Chaotic na ang sunod."

Lumapit siya sa akin. "Ano nga pala yung kanina?" i-nginuso niya si Zurk.

"Wala, may mens yata."bitter kong sagot.

"Hahahahaha! Kayo, talaga. Kung hindi ko lang kayo nakita dati paniniwalaan ko na yung sinasabi nilang video."

"Hindi ka dn naniniwala?"

Nagkibit-balikat lang siya.

Lumapit sa amin si Faith. "Papunta na daw siya."

"Asikasuhin mo na sila ako na ang Bahala dito."sabi ni Mariolle.

"Huh?"

"Rememer, ikaw ang in-charge sa Chaotic?"

"Ahhhh. He-he-he-he"

"Sige na."

Napatingin ako sa banda. Nasa kabilang dulo kasi sila ng room.

*gulp*

Lumapit ako sa kanila. Halatang bad mood pa rin si Zurk. Ah, paki ko.

"Ah, guys. Turn niyo nang gumamit ng stage."Tawag ko sa kanila. Pilit kong pinakalma ang boses ko.

"Pikki!"si Apollo ang unang Lumapit sa akin. Hindi na ako nagulat ng may kasamang yakap ang bati niya. -_____________- Babaero talaga.

"Oist! Tayo na daw."tawag ni Apollo sa iba niyang bandmate.

Unang Lumapit si Zurk pero hindi siya nagsalita.

"Ano nga pala ang una niyong kakantahin?"tanong ko. Hindi ko rin pinansin si Zurk.

Parang nararamdaman nila ang tension sa pagitan namin ni Zurk.

"Yung cover muna."

"Ah, sige. Tara sa stage."

Nanuna na akong umakyat. Inayos ko yung ibang instruments tapos bumaba agad.

Pinilit ko talagang hindi Tumingin kay Zurk sa whole duration ng practice nila.

"Good job guys!"sabi ko nang nakababa na silang lahat.

"Pikki!"narinig kong tawag ni Mariolle.

"Bakit?"

"May naghahanap so'yo sa labas."

Bigla akong napatingin kay Zurk.

-------------------------

end~~~

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon