Chapter 17: Vulnerable

Start from the beginning
                                        

Bumalik kame sa Liang’s.

Pumasok kame sa back door nito at nakita namin si tito Howard.

“Oh guy, what happened?”

“Howard, pakanta kame kame ni Genie, nanjan na ba performer this night?”

“Sakto nga wala pa sila eh, malapit na mag 7pm. boring yung place, hype up the place... but...” tiningnan niya kameng dalawa.

Shet oo nga pala basang basa. Bigla kong tinanggal yung kamay ko na nakahawak pa pala kay Marco.

“Not with that look... Hala sige magpalit muna kayo, buti nalang may mga damit kayo sa dressing room... Cue in 10minutes”

Nagpunta kame ni Marco sa dressing room.

Nagpunta kaagad ako sa walk-in closet ng gurls at si Marco ay nagpunta din sa boys.

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa toh. Ang alam ko lang eh dapat sumunod ako sa agos.

“Let me save you from this.”

Oh shocks. Nagreplay yung sinabi ni Marco kanina.

Hindi ko talaga siya magets eh.

Nakapili na ako ng maipapalit sa basa kong damit at isinuot na ito. Nagpapatuyo ako ng buhok ngayon at nagsusuklay ng lumingon sa akin si Marco.

“Lets go?” tapos inilahad niya yung kamay niya.

Binigay ko naman yung kamay ko, yung tipong hahawakan ko siya ngunit inurong niya yung kamay niya.

“Hindi yan, yung suklay...”

Naknamputnya naman tong lalaking ito oh! Pag kasama ko siya pakiramdam ko feeling close ako.

Namumula na naman ata ako.

Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

Nakita ko na naman yung lighter side nia. Ang gaan sa pakiramdam pag nakikita ko iyang nakangiti. Kahit na nakakaloko, ewan ko, parang napapangiti din ako.

Pero siyempre parang galit parin ako.

“Vulnerable ng Secondhand Serenade”

“Huh?” ayan na naman siya sa short cut words niya.

“Ang sabi ko, nassa listahan mo tong Vulnerable ng Secondhand Serenade, kantahin naten.”

“Ayusin mo kasi! Kelangan mo ba ng Speech Therapy??”

“Tch! Tara na nga!” Hinawakan na naman niya yung kamay ko habang binitbit nia sa kabila yung gitara nia sa kabilang kamay.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now