Chapter 17: Vulnerable

Start from the beginning
                                        

“Jicks...” napalingon si Ate Lienne sa may tabi ko.

Si Jicks nga.

“Genie, tama na ang iyak.”

“W-wala n-na a-akong m-m-maintindihan...” mangiyak ngiyak kong sabi nun.

“Genie—“

Hinawakan ni Jicks yung magkabilang siko ko.

“Genie, please listen to me...”

Hindi ako nagrereact. Pakiramdam ko manhid na ang puso, isip at katawan ko sa lahat ng mga nangyari ngayong araw na ito. Ni tumango kay jicks hindi ko magawa.

Pera nalang nung marinig ko ang sabi ni Jicks.

“Ako si Ex, Mhai,”

HUH?!?!!?

“Hindi mo na ba natatandaan?? Jicks, Ix? Ex? Mhai I swear kanina ko lang nalaman na ikaw si Mhai. Hinanap kita Mhai, maniwala ka sa akin.”

Naka poker face ata ako kasi parang hindi gumagawlaw yung mukha ko, napaka manhid na ng pakiramdam ko.

Pero nakayanan kong sabihing, “baket hindi ka dumating... Antagal Ex.. :’( ”

Bigla akong humagulgol...

Naaalala ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko.

Shet lang,

“My dad died on the day of your operation Mhaia, kaya hindi ako nakapunta pero promie after a week, pinuntahan kita dun and the nure told me na kailangan mong dalhin sa U.S. para dun ituloy yung operation... wala akong magawa Mhai, wala...”

Lahat kami basa. Pagkatingin ko sa mukha ni Jick, hindi lang ulan ang nasa mukha niya. Nahaluan na rin ito ng luha.

Umiiyak si Jicks.

Hindi ko yata kayang iabsorb lahat ng ito. Feeling ko nanghihina ako.

Natulala ako ng mga ilang segundo nang biglang may humawak sa kamay ko at humila sa akin.

“Let me save you from this.”

Oh Shocks Marco, anung ginagawa mo.

Hinila niya ako. Hindi ko alam kung saan kame pupunta pero ang alam ko, iniwan namen si Ate Lienne at Jicks dun sa park.

Tinitingnan ko siya habang hinihila niya ako. Napaka fierce ng tingin niya sa paligid. Para siyang manununtok.

Nagulat ako nang maging pamilyar sa akin yung dinadaanan namin.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now