Final

6.4K 139 9
                                    



Final

"Let's just talk some other time, Gerard. Kailangan na ako ng anak ko."

Natapos ang pag-uusap nina Allyna at Gerard nang walang kasiguraduhan. Ni hindi niya nasabi sa lalaki kung napatawad niya na ba ito o hindi pa. Basta ang alam niya lang ay hindi na ganoon katindi ang galit niya para dito.

Napagpasyahan rin ng dalaga na sa hotel na magpalipas ng gabi at sumabay nalang sa mga kasamahan sa pag-uwi sa probinsya kinabukasan. Nag-iwan rin ng pangako si Gerard na hindi ito agad susuko na muli silang makuha na mag-ina. She didn't know why she felt something different on what he had said, tila ba muli na naman siyang umasa sa sinabi nito.

Sa totoo lang ay may kung anong kasiyahan siyang nakapa sa puso niya nang sabihin sa kanya ni Gerard na annulled na ito at si Serena. Para bang nanumbalik na naman ang dating Allyna na madaling magtiwala at maniwala sa bawat sabihin ng lalaki.

"Mommy, wake up na! Kanina pa po tayo tawag nina teacher Marie!" nagising si Allyna sa matinis na boses ng kanyang anak. Hindi niya magawang idilat nang tuluyan ang mga mata dahil sa hapding nararamdaman. "Hala, mommy your eyes are swollen oh! You look like a ghost hihi!"

Napangiti siya sa kasiglahan ng kanyang anak, tila nalimutan na ang eksenang nasaksihan nito sa pagitan nila ni Gerard. But speaking of that, nagpapasalamat na rin siya dahil hindi ito nag-uungkat ukol sa nangyari kagabi, noong makita nito si Gerard at nang hindi niya sinasadyang masigawan ito sa sobrang taranta at takot na baka kunin ito ng lalaki sa kanya.

"Mommy, come on! You take a bath na, baka maiwan tayo nila teacher!" hinila-hila siya nito kaya hindi na siya nagpatumpik pa at tumayo na rin. "Okay, baby. I'm sorry late na nagising si mommy, hindi tuloy kita naasikaso."

Nakita niya kasing nakaligo at bihis na ang kanyang anak, nagitla siya nang yakapin siyang bigla nito sa bewang, "It's okay mommy! Big girl na kaya ako!" Ginulo niya nalang ng bahagya ang buhok nito at saka pinagbilinan na huwag munang lalabas bago siya pumasok ng banyo.

Plain t-shirt at faded jeans nalang ang napagdesiyunang suutin ni Allyna, tulad ng dati ay gusto niya ang komportableng suot na damit. Nakita niyang nanunuod ng cartoon sa telebisyon ang anak habang kumakain ng lollipop.

"Gella, huwag na muna 'yan ang kainin mo at baka sumakit ang ngipin mo. After dito ni mommy kakain tayo ng breakfast sa baba," aniya sa anak habang nagpapatuyo ng buhok.

Bukod sa powder at lip balm ay hindi na rin siya naglagay ng kahit na anong kolorete sa mukha, "Let's go, baby!"

Agad na tumayo si Gella matapos patayin ang telebisyon at kumapit sa kamay niya. Sabay nilang tinahak ang elevator patungo sa lobby. Nagtaka siya nang makita ang maraming lobo sa paligid, lalo na nang pagyuko niya ay puno rin ng rose petals ang sahig. Bigla siyang may naalala sa nakita. Ipinilig niya ang ulo, umaasa na naman ako, sa isip-isip niya.

"Wow mommy, ang daming balloons!" her daughter exclaimed. She's looking at the surrounding with a delightful face.

"Ano kayang meron dito?" nasambit naman niya.

Napagpasyahan niyang magpatuloy sa paglalakad kasama ng kanyang anak nang biglang may tumugtog na instrumental na musika, isang pamilyar na musika. Muli ay may rumagasang alaala sa kanyang isipan.

"Can I have this dance?"

Napapitlag siya nang may marinig na pamilyar na boses. Pumikit-pikit pa siya upang masiguro na hindi ito imahinasyon lamang.

"Sure po!" narinig niyang tinig ni Gella. Magiliw nitong tinanggap ang kamay ng lalaki na ngayon ay buhat-buhat na ang kanyang anak at masuyong tinititigan. Tuwang-tuwa naman ang bata habang nasa mga bisig ni Gerard.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon