Chapter Nine

4.7K 92 1
                                    


Chapter Nine

"Gerard, I need to tell you something," ika ni Serena sa kabilang linya pagkasagot nito sa telepono. Bukod sa pagiging close nila, ang isa pang hindi nagbago sa kanila ay ang pagsasabi nila ng sikreto sa isa't isa. Tila ba nakasanayan na nila iyon kahit na legally annulled na sila pareho. Besides, they've been together for the past years as husband and wife kaya siguro hindi na rin mawawala sa kanila ang pagdadamayan sa oras ng pangangailangan. But aside from that ay wala nang kahit na ano pang malisyang namamagitan sa kanila.

She is actually living now as a plain housewife of her new legal husband, Vince with their kambal Vinny and Sean.

"What's that?" tanong ni Gerard sa kabilang linya na kababakasan ng kawalan ng gana. Sa loob kasi ng siyam na taon na pagkawala ni Allyna ay hindi na nakita pa ni Serena na ngumiti nang totoo ang lalaki at tila ba naglaho na dito ang matatag at mabait na Gerard na nakilala niya.

He became cold towards others, tanging sa kanya lamang hindi nagbago ang pakikitungo nito. Kunsabagay, kung hindi dahil sa matiyagang pagtulong niya ay matagal nang napariwara ang buhay ng lalaki. Nawalan ito ng ganang mabuhay simula nang lumayo sa kanya si Allyna, ang babaeng huli na nang marealize nito na tunay nitong minamahal. Kaya naman bilang pagbawi sa lahat ng kasalanan sa dating asawa ay ginabayan niya nito hanggang sa maka-recover ito.

"I saw Allyna earlier."

Rinig na rinig niya ang marahas na pagbagsak ng kung anong bagay sa background, tila nagising bigla ang dugo ni Gerard, "What did you say? You saw her? Where the hell did you see her?"

Gusto niyang matawa sa sunod-sunod na katanungan nito, "Relax. I saw her here in our ice cream shop and I think she's staying at the Primea Hotel. And oh, may nakalimutan pa pala akong sabihin..."

"What?" anito na sigurado siyang nag-aayos na pasakay sa kotse nito. Kumuha muna siya ng tiyempo bago magsalita, "I saw a young lady that looks exactly like you. And she called Allyna her mom."

Rinig na rinig niya ang malakas na pag-screech ng sasakyan nito sa kabilang linya, "Are you serious, Serena?"

"Yes."

Hindi malaman ni Gerard kung ano ang una niyang mararamdaman sa ibinalita ngayon sa kanya ni Serena, kung tuwa ba sa nalalapit nilang pagkikitang muli ni Allyna, takot na baka ipagtabuyan siya ng huli dahil sa nagawa niyang pananakit dito o pagdaramdam dahil sa nagawa nitong pagtatago sa kanya ng kanilang anak, kung sakaling totoo man ang sinabi ni Serena.

Almost ten years ago nang hindi niya akalain na mahuhulog siya sa babaeng binalak niya lang noong gantihan at saktan. He didn't even intend to get too attached with her. Basta ang gusto niya lang mangyari noon ay paibigin ang dalaga at sa bandang huli ay iwan ito sa ere.

But as he gets to know her more, he didn't realize na unti-unti na pala siyang nahuhulog sa dalaga, na ang magagandang katangian nito ay hinangaan niya at sa huli'y naging daan upang tuluyan niya itong ibigin.

Lahat ng ipinaramdam niya noon sa dalaga ay sinsero lalo na ang mga ipinangako niya ritong kasal sa oras na magising si Serena mula sa pagkaka-comatosed. Handa siyang iwan ang lahat ng meron siya basta't makasama lang ang babaeng nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal.

Inamin niya noon kay Allyna na minahal niya talaga si Serena at nang mga oras na naging sila ay walang nagbago sa nararamdaman niya para sa asawa. Nagulat siya nang tanggapin ito ng dalaga at patuloy pa rin sa pagpaparamdam ng unconditional love na 'ni minsan ay hindi niya naranasan sa asawa.

"It's okay if I'm just your option as long as you promise me that you'll love me kahit pa nga ba pangalawa lang ako d'yan sa puso mo."

Huli na rin nang marealize ni Gerard na ibang pagmamahal pala ang nararamdaman niya sa pagitan nina Serena at Allyna. He realized that what he felt for his wife was just a brotherly love at gusto niya lang itong bigyang-proteksyon simula noong mga bata pa sila dahil masyado itong fragile at walang ibang ginawa kundi ang umiyak kahit sa pinakamaliit na dahilan. At si Allyna ang nagturo sa kanyang makaramdam ng tunay at wagas na pagmamahal, and it's just too late for him to realize that. Huli na nang ma-determine niya ang tunay na damdamin para dito. At ang nakakalungkot, kung kelan handa na siyang aminin ang lahat dito ay bigla na lamang itong naglahong parang bula.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon