Chapter Three

4.2K 74 6
                                    

Chapter Three

It is a Monday morning.

Maagang bumangon si Allyna at naghanda para sa kanyang unang araw ng trabaho. Bigo siyang harapin si Serena sa nakalipas na ilang araw dahil masyado daw busy ang schedule nito ayon sa kaibigan niyang si Maureene.Lalo tuloy lumakas ang kutob niya na may itinatago nga itong sikreto.

Fifteen minutes before eight o'clock ay nasa harapan na si Allyna ng opisina ni Brent Gomez. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. Isang magandang babaeng buntis na tila malapit nang manganak ang sumalubong sa kanya.

"Good morning, I'm Allyna Martinada. Newly-hired ako at sabi ng HR sa akin na dito muna daw ako mag-report before starting my work. Nandyan ba si Mr. Gomez?"

Nginitian siya ng babae, "Hello nice to meet you Miss Martinada. I'm Myra, Sir Brent's secretary. He is expecting you, nasa loob siya."

Iginiya siya ng babae sa isa pang kwarto. Ito na ang kumatok para sa kanya at saka siya sinenyasan na pumasok na. After stepping in, she saw a manly office with a black and white interior design. May bookshelves sagilid nito at sa kabila naman ay cabinet na naglalaman ng iba't ibang klase ng wine.

Nakatalikod pa si Brent habang nakaupo sa swivel chair nito. Feeling bida sa mga romantic movies! Napailing nalang siya sa naisip.

Tumikhim siya para iparamdam sa huli ang presensya niya. Dahan-dahan nitong pinaikot ang upuan at tila busy pa sa pag-scan sa hawak na mga papel na kunwa ay hindi pa siya napapansin.

"Good morning Mr. Gomez, I'm Allyna Martinada and I came here to report for my first day of work," diretso niyang saad sa lalaki. Bahagya nitong ibinaba ang reading glasses bago siya tingalain at ngitian nang pagkatamis-tamis.

Napangiwi si Allyna sa inakto ni Brent. Hindi niya alam kung bakit tila bawat gawin nito ay nakaka-turn off sa kanya. Hindi naman maikakailang gwapo ito dahil sa dami ng mga babaeng naghahabol dito. Matangkad rin ito at matipuno ang morenong pangangatawan, ilan lamang sa mga dahilan kung bakit masyado itong bilib sa sarili at ubod ng babaero. Kahit sino kasing babae, basta sexy ay papatusin nito. Hindi na nga siya magtataka kung yung sekretaryang nakita niya kanina ay siya ang magiting na ama.

"Hi, Lyna! Long time no see. Missed me?" tumayo pa ito at aktong bibigyan siya ng isang welcoming hug.

Agad siyang umiwas sa mokong, "Brent nandito ako para magtrabaho, hindi para makipaglandian sayo."

Nagpout ito, "Aw I thought you missed me kaya naisipan mo akong sundan sa building ko."

Sasagot sana siya nang muli itong magsalita, "Ah by the way, have you met my secretary—I mean my ex-secretary? Nandyan siya ngayon sa labas ng office, for sure siya ang nag-guide sayo dito."

Nangunot ang noo niya, "The preggy one? Yeah, I met her. Why?" Then she pauses, "Wait... ex-secretary?"

Tinitigan niya ang ngiting-ngiti pa rin na si Brent. Tumango ito, "Yup. She is now my former secretary because from now on, you will be my new and fresh sexy-tary."

Sumipol pa ito na mas lalong kinaasar ni Allyna, "Teka nga, maliwanag na sinabi sa akin ng HR niyo na ang magiging trabaho ko dito ay Admin Assistant, so why the hell are you telling me now that I'm gonna be your goddamn secretary?"

Inis na talaga siya at wala na siyang pakialam kung tanggalin siya nito agad-agad dahil sa kawalan niya ng respeto sa magiging boss niya. Hindi naman talaga kasi karespe-respeto ang isang ito, ubod ng manyak at puro hangin pa ang katawan.

"But I thought you badly needed this job? Sabi mo daw kay Miss Ginny noong initial interview niyo?"

Napamura nalang si Allyna sa isipan. "With all due respect Sir, the job that I talked about is the Admin Assistant and not being your secretary." Binigyang-diin niya ang salitang Admin Assistant.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon