[5] Just Go Straight

Start from the beginning
                                    

She gawked. "No way~ Paano kung 'di mo pala magawa in the end? Anong gagawin natin sa kotse? Sayang naman."

I pouted. Oo nga. Bat 'di ko naisip yun?

"Err... Let me borrow one of your cars then. The yellow one... Yung parang bumble bee sa transformers. Dali naaaaaa~"

She rolled her eyes and then shook her head. "Oh c'mon Kaye Anne, gusto ko sanang ipahiram sayo yun. But how will you use it? You don't even know how to drive. Magpaturo ka... I'll let you use it for a month. Tapos ilakad mo na rin yung driver's license mo." A sly smile formed her lips before stretching out her hand to me. "Deal?"

Ohhh... Another deal it is.

"Deal, sis." I gladly shook our hands. Saan bang driving school ako magpapaenrol? :)


***

Dahil sa deal namin ni Ate Emerald, mas lalo tuloy akong namotivate para kulit-kulitin si Nathan. Inspired eh~~ Bakit ba? Gustong-gusto ko na talaga magkakotse. Hello?!? Sa aming tatlo nila Gail at Chloe, ako nalang ang hindi marunong magdrive at walang sariling kotse. Ang alam ko pati, sina Sandy at Lovely, marunong na rin magdrive. Poor me. =______=

"Kuya Mario!" tawag ko. Kakatapos ko lang kumain ng brunch. Dahil namotivate ako ni Ate, pupuntahan ko ngayon si Nathan. I texted Manang Inday earlier but she hasn't replied me yet. Wala sigurong load. :3

"Bakit? Saan ang punta natin?" Tanong niya habang pinupunasan ang kotse. Shiny na tuloy. :)

"Kina Nathan po ulit..." Lumapit ako sa kotse at sumakay na sa backseat. Si Kuya Mario naman, dali-daling sumakay sa driver's seat. "Kuya Mario, bago po tayo pumunta dun, pwedeng paki-loadan itong number na ito? 300 po," I handed him a piece of paper where I wrote Manang Inday's cellphone number.

"Kanino 'to?"

"Kay Manang Inday... textmate kami eh."

"Pwedeng itextmate ko rin?"

"Kuya Mario naman~"

"Hahaha! Nagbibiro lang ako."

Thank God, wala namang traffic ngayong araw kaya nakarating agad kami sa subdivision nila Nathan. Naloadan na rin naman ni Kuya Mario si Manang Inday, pero nung tinext ko, hindi pa rin siya nagreply. Bakit kaya??

"Kuya Mario, tetext nalang po kita kapag magpapasundo na po ako ha?" Nakangiting sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Nathan.

"Mag-iingat ka ha??"

"Opo, salamat."

Pagkalabas ko ng kotse, umalis rin naman agad si Kuya Mario. Sakto namang pagkaharap ko sa gate ng bahay nila Nathan, binubuksan ito ng dalawang katulong nila. Mukhang lalabas ang kotse mula sa garahe. Teka, si Nathan yung driver ah!

BEEP! BEEP! BEEP!

Napanguso ako. Nakaharang nga pala ako sa driveway. Pero wala akong pakialam. Pakapalan na ng mukha ito!

Nakita kong binuksan ni Nathan ang bintana sa side niya. Inilabas niya ang ulo niya at nakita kong nakasuot siya ng rayban shades. Oooh~ *u*

"Hey, don't block the driveway! Nakapinta na dyan sa paanan mo oh. Hindi mo ba nababasa?"

Sungit. -_____-

Nagpameywang ako at ngumiti habang nakataas pa ang noo ko. "Nathan, baka naman gusto mo ng pirmahan yung contract?"

I heard him groan, "Baka naman ayaw ko pa rin? Kaye Anne naman, nagmamadali ako."

"Dali na kasi~"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Where stories live. Discover now