Ang Pang-Tatlumpu't Siyam

Start from the beginning
                                    

Hindi ako makapagsalita dahil natatakot akong baka basag at nananakit na boses lamang ang marinig niya mula sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa kanilang mga kasalanang buhat.

"Without you, I would've gone crazy. Nobody believed me except you," aniya. "Nobody had ever given me such gift, little sister. Thank you for listening..." 

Nagbabadya nang tumulo ang aking mga luha. Tumingala ako upang pigilan ang mga ito.

I am so sorry, my dear ate. I didn't know. I swear on my life that I didn't know.

And if I did, I would've left him for you. I would not put up a fight, and I will give him to you without hesitance. 

Ikaw lang din ang nakikinig sa akin. Ikaw ang pamilya ko. 

I swear that I didn't know!

"Chrissy, are you there?" nababahala niyang tanong sa aking pananahimik.

Pumikit akong mariin. Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas upang huwag mabasag ang boses at um-oo. 

She's told me many things about her recent trips. In-update niya ako sa mga panahong hindi niya ako natawagan. Sobrang masaya at maligalig ng kaniyang boses. Siguro, umuwi na si Ram doon dahil wala pa siyang mapapala sa akin dito! 

Kahit pa ganoon ay nanatili akong tunog masaya para sa kaniya. Burado ang kasalanan ni Ram sa kaniya, at masaya na ang kapatid ko ngayon. Desisyon kong huwag nang sirain pa ang kaniyang kaligayahan. 

 Ang tanging ginawa ko lamang ay makinig at itago ang pagrereklamo ng aking damdamin.

Habang niloloko ko siya at ang aking sarili, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang guilt.

Sa pagkakataong nagsisinungaling na ako sa sarili kong desisyon, sinusunog ang aking balat mula sa baga ng impyerno.

"Let's have dinner together here. Maaga pa naman at ipakikilala kita sa kaniya. Ram's here with me now and we're expecting you! See you, okay?" huli niyang sinabi sa akin, alok na hindi niya ako pinatanggi.

Tama nga ang aking hinala. Umuwi na roon si Ram!

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ay napasapo na lamang ako sa aking noo. Lahat ng iniipon kong mga luha ay lumabas ng tahimik. Walang tunog akong lumuha. 

Hearing her say his name for the first time makes me want to vomit. It hurts so fucking much!

Iniisip ko pa lamang kaninang doon tumuloy si Ram ay sobrang sakit na. Ngayong narinig ko mula sa kaniyang bibig ay para akong namatay. Hindi ko matanggap na napaglaruan ako ng ganito!

I'm so tired of everything! I'm just so tired of my life...of myself... I just want out of this...

So demons and devils, angels and saints, please help me. 

Naka puting tshirt ako at maong, atsaka sandals nang magtungo sa address na binigay ni Ate Yllana kanina. Nakapunta na ako rito minsan ngunit hindi ko lang sukat akalain na para sa kanilang dalawa ito. 

Kulay brown at cream ang bahay.  May steel at glass sa halos palibot ng modernong two-storey house. Ang nagpalambot sa itsura nito ay ang mga halaman at bulaklak sa mga gilid. 

Wala akong maramdaman, at iyon ang problema. Hangin lamang ang loob ng aking dibdib dahil ang puso kong wasak na wasak ay hindi na mabuo sa dami ng mga kapiraso. 

Pinindot ko ang doorbell nang nanlalamig. Ilang segundo bago bumukas ng malakas ang gate. Ayaw nang dumaloy ng dugo sa aking katawan. 

Bumungad sa akin ang mga mata ni Kyen. Madiin at kyuryuso, ngunit hindi marunong magtanong.

The PristineWhere stories live. Discover now