"Bawal dito ang hindi kasali sa play ah? sorry pero kailangan mong umalis dito." sabi nya. Tumango na lang ako at nag-bow bago naglakad paalis. Napabuntong hininga ako. Hindi ko man lang naig-good luck si Left bago sya mag-play.

Pumunta na lang ako sa entrance ng theater gym para makapasok sa loob. Tinignan ko ang cellphone ko dahil may nag-text. Pagtingin ko nag-text si Left.

From: Left
Sa harapan ka pumesto para makita agad kita. Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka. Hintayin mo ako sa Boys Cafe mamaya pagkatapos ng play.

Boys Cafe? saan yun? pero mamaya ko na siguro pro-problemahin yun. Naglakad ako papunta sa harapan katulad ng sabi ni Left. Mabuti na lang may bakante pang isa. Napatingin sakin yung makakatabi ko nung umupo ako sa tabi nya. Nagulat ako na si Kris pala yon. Nginitian ko sya at ganon din sya sakin.

"Nandito ka para panoorin sya 'no?" tumango ako sa tanong nya.

Ikaw din?  sulat ko sa whiteboard ko.

"Hindi, napilitan lang akong sumama dahil sa isang 'to." sabay turo sa katabi nya na dumadaldal sa likuran nya. "Wala akong balak panoorin mag-play yon. Sigurado naman na hindi sya marunong umacting." napangiti ako. Hindi ko alam kung anong problema nila sa isa't isa, mahigit ilang buwan na silang magkasama pero hindi pa din sila magkasundo.

"Kris! manliligaw daw sya sayo pwede daw?" biglang baling samin nung katabi ni Kris na babae habang nakaturo sa lalaking kausap nya kani kanina lang. 

"Hindi." walang paligoy ligoy na sabi ni Kris.

"Oh hindi daw busted agad, saklap." natatawa na lang yung babae at bumaling ulit samin. Napatingin sya sakin at nginitian ako kaya nginitian ko din sya.

"Sorry sa paghihintay, ngayon magsisimula na ang play in two mins. Umayos na ang lahat para makapanod na kayo ng maayos. Thank you." sabi ng narrator siguro. Nagsigawan naman ang mga tao dito. Mag-uumpisa na.


Left's POV

"Wala pa rin ba yung ka-partner ko?" tanong ko kay Fin na nakasuot din ng panlalaking outfit, Americana na gray. Sya ang gaganap na daddy ko kaya may suot din syang balbas at yung kulay ng wig nya may puti ng konti para magmukhang matanda. Akala ko nga isa sya sa mga baliw na nagkakagusto kay Dion.

"Ewan ko." sagot nya. Minsan ayokong kausap 'tong si Fin eh.

"Nandyan na sya, wag kang masyadong kabado kaliwa." syang dating naman ni Jade. Katulad ni Fin nakasuot syang americano dahil sya naman ang gaganap na daddy ni Charlie.

"Hindi ako kabado."

"Kwento mo sa pagong." sabi nilang dalawa. Inirapan ko lang sila.

"Guys! stand by na one minute na lang ay mag-uumpisa na tayo. Left! puwesto ka na sa stage." sabi ni Nami. Sya naman ang taga go signal namin kung kailan lalabas kami sa part na ia-acting namin.

"Una na ako." paalam ko sa dalawa at pumunta sa stage. Nakababa pa yung kortina kaya hindi pa ako kita ng audience pero rinig na rinig ko ang ingay nila.

"Galingan natin ah." sabi ni Isan, na gaganap na secretary ko. Natawa ako sa suot nyang dress, mabuti na lang payatot sya kaya ayos pa syang tignan kaso nagmumukha syang bakla dahil sa suot nyang wig.

"Kawawa talaga ang mga boys 'no?" pang asar ko sa kanya. Natawa na lang sya.

"Sasapakin nga namin mamaya si Nike dahil dito. Nakakasira ng image eh." sabi nya habang naglalakad sya papunta sa pwesto nya.

Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas yung kortina. Napamura tuloy ako sa isipan ko dahil hindi man lang nag-go signal na mag-uumpisa na. Napatingin ako sa gilid na nandon si Nami na naka-thumps up ibigsabihin umpisahin na namin. Huminga ako ng malalim, inayos ko ang neck tie ko at umaktong may tinitignan sa papeles.

"Goodmorning Sir!" malanding sabi ni Isan habang may dalang tray na may kape. Madaming natawa sa kanya dahil bihis babae nga at pak na pak pa syang lumakad. Napagkakamalang bakla talaga. "Ito po ang coffee ninyo and goodmorning kiss." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at lumapit sakin na balak akong halikan mabuti na lang napigilan ko.

"Hoy! hindi tayo talo!" sabi ko na lang. Wala sa script yung sinabi ko lalong lalo na wala sa script na hahalikan nya ako!

"Sir, ang hard mo naman. Ayaw mo ba ang malalaking boobs?" sabay hawak nya sa fake boobs nya at inalog alog. Madaming natawa sa kanya pero ako? nandidiri sa pinaggagagawa nya!

"Mas gusto ko ang flat kaysa sa ganyan!" sabi ko at pilit syang inilalayo sakin. Tumingin ako sa gilid kung nasaan sila Nami na natatawa din sa pinaggagawa ni Isan. Shet wala 'to sa script!

"Ah ganon ba, teka." nakahinga ako ng maluwag nung lumayo sya sakin. Pero nagulat ako sa ginawa nyang pagtanggal ng fake boobs nya, lalong natawa ang mga audience sa ginagawa nya. "Ayan na pwede ba Sir?" malanding sabi nya at kinindatan pa ako. Napamura ako sa isipan ko. 

"Magtigil ka kung ayaw mong masisante!" sigaw ko. Agad naman syang lumayo na tila natatakot na masisante.

"Hindi na nga po sir." sabi nya tsaka pinulot yung fake boobs nya at sinuot ulit. Again, maraming natawa. Napa-face palm ako.

Inayos ko ang sarili ko nung umalis ng stage si Isan. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nya at gumawa sya ng eksenang ganon. Pero at least maraming natuwa sa pinaggagawa nya.

"Sir~." isang malanding tawag na naman na galing na naman sa kanya. "Nandito na po yung client nyo ngayon." sabi nya.

"Sige, papasukin mo." sabi ko at inabangan sila. Malalaman ko din sawakas kung sino ang ka-partner ko. Tumayo ako sa pagkaupo sa upuan at pumunta sa couch dahil doon kami mag uusap-usap.

"Goodmorning po." napatingin ako sa kanila at laking gulat ko na yung babaeng lampa ang makaka-partner ko. Kahit na bihis panlalaki sya ay alam ko sya yun eh. Sya ang makaka-partner ko? sya ang gaganap na Charlie?

Nginitian nya ako kaya lalo akong hindi naka-react. Kung hindi pa ako sisikuhin ni Isan hindi pa babalik ang diwa ko. Umubo-ubo ako at ngitian sila.

"Hi, ako pala si Dion. Nice meeting you." nakipagkamay ako sa kanilang dalawa. Nung si arh, ano bang pangalan nito? basta yung gaganap na Charlie ang tanggal namin makipagkamay at nakatingin pa kami sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala na sya ang makaka-partner ko.

"Nice to meet you too, Dion." nakangiting sabi nya kaya napangiti na lang din ako.


----------


Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon