LMM.20 - Thanks for the memories

111K 4K 613
                                    

"What is she even doing here?!"

Gigil na gigil si Artie habang nakatingin kay Daphne na kausap si Plata. Pinapasok siya sa loob ng bahay pero sinabi ni Piedro na hindi kami dapat lumabas.

"Napakalandi ng babaeng iyan! Mukha naman siyang uwak!" Angil naman ni Wewe habang nakasilip rin. Nasa kusina kaming lahat at sinusubukang makinig sa usapan nila. Si Apollo ay kumakain lang habang ako naman ay tinitingnan ang dalawang babae.

"Nakita mo ba, Wewe? Puro varicose veins iyong mukha niya!"

"Ay varicose veins ba iyon? Akala ko tattoo! Basta pangit siya! Mas maganda ako! Sasapaki ko ulit iyan o kaya man dahil malibog siya papasakan ko ng malaking vibrator iyong pekpek niya. Alamko merong ganoon si Apollo!"

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi ni Wewe. Lumipad ang tingin ko kay Apollo na chill lang habang kumakainng spaghetti. Marahil ay naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya bigla rin siyang tumingin sa akin.

"What have you done with Wewe?"

Nagkibit-balikat siya. "What have you done with Betchay?" Hindi ko siya maintindihan pero pagkabanggit niya noon ay pinakita niya sa akin ang feed niya sa Facebook – there was a picture of my Alerica. She wasn't smiling – I guess it was a stolen photo and it was posted by Leonardo Decarpo.

"She's with that imbicile!" I hissed. Tang ina lang! May nangyari sa amin kagabi tapos ngayon magkasama silang dalawa?! Parang hindi naman yata tama iyon. It bothers me but what bothers me the most is that Apollo's fb friends with that man. What the hell is wrong with the world?

"Friends kayo ni Leonardo?!" I hissed again.

"He added me. Okay na rin iyon so I can spy on him. Hey, what have you done with Betchay? Nag-sex na ba kayo? You should really have sex with her again, para naman hindi agiwin iyang sa'yo." Sa inis ko ay binatukan ko si Apollo.

"Bakit kayo ni Wewe, gabi-gabi?"

Apollo just grinned. Alam ko na agad ang sagot doon. Nagulat ako nang bigla na lang bumalik papunta sa pwesto namin si Artie at Wewe. Si Wewe ay tumabi sa kakambal ko at kinuha ang phone ni Apollo. Apollo seemed okay about it. Sinubuan niya pa si Wewe ng spaghetti. Si Artie naman ay nagkunwaring naghihiwa ng red bell pepper. Hindi naman nagtagal ay pumasok si Plata sa kusina. Now, I realized why they acted like that.

"How was it?" Tanong ko agad sa kanya.

"She wants to know who leaked her video." Sabi ni Plata sa akin. Nagkibit – balikat siya. "Wala naman akong alam doon saka---"

"Bakit siya pupunta dito para tanungin ka niyan? Dapat abogado niya ang magpunta dito para magtanong sa'yo, hindi iyong sasadyain ka niya dito para lang tanungin ka, ano iyon? Tapos naka-plunging neckline siya? Aba'y gusto yata niyang makulong sa corrigidor!"

Sinaksak ni Artemis ang bell pepper. Nanlaki naman ang mga mata ko. Si Wewe ay kaswal lang na nakatingin kay Artie. Nakangisi pa siya. Tumayo si Apollo para yayain na akong umuwi.

"Umuwi na tayo at baka masaksak pa tayo dito. Let's go." Unang tumalikod ang kapatid ko. Tinangay niya si Wewe tapos ay sumunod na ako. Inilabas ko ang phone ko tapos ay tinawagan ko si Betchay. Kailangan kong malaman kung bakit sila magkasama noong lalaking iyon. Sumakay ako sa kotse ni Apollo. Si Wewe naman ang nakaupo sa backseat.

"Hon, hon, nagugutom ako." Tawag ni Wewe. Tumingin si Apollo sa salamin.

"Sige, mamaya pakakainin kita." He grinned. I swear kinilabutan ako. Napangiwi nga ako.

"Totoong pagkain ha."

"Sure ball."

Tinahak na namin ang daan patungo sa bahay. Nasa kalagitnaan ng traffic nang makatanggap ako ng tawag. Akala ko ay galing kay Alerica pero si Percy pala ang tumawag sa akin. Pinauuwi niya ako dahil may dinner daw sa bahay at lahat ng pamilya ay naroon kaya sinabihan ko na rin si Apollo.

Losing My MindWhere stories live. Discover now