LMM.10 - It's so hard to find you, I'm standing right behind you

108K 4K 544
                                    

They eloped.

Iyon ang malinaw sa akin. Umalis si Apollo at Wewe. Walang nakakaalam kung saan sila nangpunta o kung babalik pa sila. Hindi ko masasabi na rama anfpg ginawa ni Apollo pero dahil mahal niya si Sabrina, baka iyon ang naisip niyang paraan prpara mailigtas si Wewe. I know for a fact that he was in love with her and that was one of the reasons why it was easy for me to let go of Sabrina kahit na may nararamdaman pa ako sa kanya.

Nasaktan ako nang pumunta ako sa Bohol para ipahuli sa pulis si Pol. They were together. Wewe saved him and from there, nakialam na ang pamilya ko kaya naging napakihirap para sa akin ang ituloy ang plano kong ipahuli si Apollo. Hindi ko maintidihan kung bakit pati si Wewe ay ipinagtatanggol ang kapatid ko kung tutuusin naman ay may ginawang masama si Apollo sa kanya. Bakit lahat ng tao sa paligid ko ay mas pinapaboran ang kapatid ko? Hindi siya perpekto --- lalong hindi siya mabait. Apollo had hurt many people so many times and yet no one sees that.

Kahit si Betchay ay nasaktan niya. Naisip ko na ibinabaling lang sa akin ni Betchay ang atensyon niya. Na mula pa lang noon ay si Apollo na ang gusto noya pero dahil hindi niya makuha ang atensyon ng kapatid ko ay sa akin niya sinusubukan ang mga ito. Mahal ni Betchay si Apollo. Malinaw iyon sa akin. Ilang ulit kong binasa ang mensahe at hindi nagbago ang laman niyon.

Mahal ni Betchay si Apollo.

"Achill..."

Napatayo ako nang marinig kong inawag ako ni Mama. Nasa ospital ako sa Zambales at binabantayan siya. Wala kasi si Papa dahil inaayos niya ang kaso na isasampa kay Venus San Ravalo - ang nanay ni Wewe na sinubukang patayin ang Mama ko. She also kidnapped her own daughter and promised the authorities that if she's going down her daughters are coming with her --- which is so unfair dahil waka namang ginawang masama si Wewe.

"Mama..." Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Are you okay?" I kissed her knuckles.

"I am. Where is your father?"

"May inaayos lang siya." Paliwanag ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na itinakas ni Apollo si Wewe at walang nakakaalam kung saan sila pumunta. Naisip kong h'wag na munang sabihin sa kanya. Mahina pa si Mama at hindi siya pwedeng ma-stress sa ngayon.

"Ma, everything is okay. Just rest." Marahil ay pagod talaga siya kaya nakatulog na naman siya. Napabuntong - hininga ako. Iniisip ko si Wewe at Apollo. Mali ang nangyari. Nasasaktan ako pero anong magagawa ko? Hindi ko alam kung anong nakain ko pero naisip ko na dapat na akong magparaya dahil buong buhay ni Apollo panay siya ang nagbibigay sa akin. Nagkamali ako. Hindi ako dapat nakadama ng panibugho sa kapatid ko dahil kapatid ko siya. Natural lang naman kasi na magalit ako. Girlfriend ko si Wewe. Pero tapos na iyon.

Mali rin na ginantihan ko si Apollo sa pamamagitan ni Betchay. Ngayon ay hindi ko na maibabalik ang kinuha ko sa kanya. Dapat ay hindi ko na siya pinakialaman. Wala naman siyang ginawang masama sa akin but then knowing that it was Pol whom she was in love with ignites a fire inside of me.

Naninibugho na naman ako.

"Is mom awake?"

It was dad's voice. Nilingon ko siya para sagutin.

"She fell asleep again. Ano na pong nangyari kay Pol?"

"Walang nakakaalam kung nasaan sila. Sabi ng mga pulis ay may naghihintay daw na helicopter sa kanila kanina kaya naging mabilis ang naging pagtakas nilang dalawa ni Sabrina. Achill, I'm sorry for what happened to you and Sabrina but thank you for letting Apollo be free with her."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko si Papa na maupo na sa silya kung nasaan ako pagkatapos ay umalis ako sa silid na iyon. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung anong meron si Apollo na wala ako at lahat nang tao ay hanga sa kanya. Kaya ko rin namang gawin ang mga bagay na ginagawa niya. I can also sacrifice for our brotherhood. Isang patunay doon ay ang pagbibigay ko sa kanila ni Wewe. Kung sabagay kahit hindi ako magbigay ay wala akong magagawa dahil halata naman kay Wewe na may gusto na siya sa kakambal ko at ganoon din si Apollo sa kanya. Kahit na hindi ko ibigay sa kanya iyon ay gagawa at gagawa si Apollo ng paraan para mapunta sa kanya si Wewe, pero counted pa rin ba iyon?

Losing My MindWhere stories live. Discover now