LMM.17 - Tearin' up my heart when I'm with you

114K 4K 518
                                    

Piedro Plata was standing in front of me. Katatapos ko lang na isalaysay sa kanya ang mga bagay na nangyari almost a decade ago. Malinaw na malinaw ang lahat ng mga sinabi ko. Naisip ko kasi na kung sakali man na magsasampa sila ng kaso sa akin madadamay ang Papa ko pati na rin si Apollo dahil sa ginawa nilang pagtatakip sa akin noon. Plata here was thinking about other scenarios where we can save Apollo and my father.

Lahat naman ito ay kasalanan ko. Kung noong una palang ay inayos ko na ang sarili ko, wala kami sa ganitong sitwasyon.

"So, what now, Plata?" I asked him. Masyadong seryoso ang mukha niya. I am waiting in anticipation. I need to know what I can do and the solutions for this thing with Daphne. Kailangan lumabas ang katotohanan.

"Wala ka nga sigurong kasalanan kung sa rape part, Achill but the fact that you know something about it, makes you an accessory to the crime. Plus, Apollo interfered kasama din si Hades Vejar, all of you are considered as accessories to this crime, Achill. Makukulong si Apollo, pati na rin ang Papa mo kahit na sabihin mo pa na wala silang kinalaman dito."

Napatiim ang mga bagang ko at naikuyom ko ang mga palad ko. Magsasalita sana ako pero biglang sumingit si Artemis.

"Unfair naman iyon, Peidro. Wala namang ginawang masama si Achill o kahit sino sa kanila, bakit kailangan nilang makulong? Gusto ko sanang isipin na hindi gagana sa kanya ang justice system dito sa bansa natin dahil mayaman tayo pero naisip ko rin na hindi pwede iyon dahil congressman ang tatay ni Daphne at hahabol siyang muli sa darating na election. Oh my god! Hindi kaya ginagawa niya ito to gain sympathy para manalo siya bilang Senador ng bansa?! Aba'y putang ina niya!"

"Artemis! Luna's looking at you!" Plata hissed at his wife. Nakaupo si Luna sa tabi ng Mommy niya at nang magmura si Artie ay namilog ang mga mata niya.

"Dada, bad si Mama." Reklamo noong bata.

"Grabe ka naman, Be! Minsan lang naman iyon. Kalimutan mo na ang sinabi ko." Artemis laughed nervously. Plata shook his head.

"Tatawagan ko ang abogado ng mga Villacruz. Kung makukuha natin sila sa settlement, mas maigi. Mas mapapadali ang lahat pero kung hind natin sila makukuha doon, we will face them in court so we have to find this effective solution, Achilles."

"Anong effective solution naman iyon?" Tanong ko sa aswa ni Artemis. Yumuko siya at kinuha ang brown manila envelope na nasa coffee table ko. Ibinigay niya iyon sa akin.

Nang buksan koi yon ay tumambad sa akin ang mga pamilyar na mukha ng mga taong nakasama ko dati. Pinakanatatandaan ko ay si Richard. I was looking at his pictures and my chest rise and fall out of anger. Nakuyom ko nang mariin ang mga palad ko.

"I am looking for them, Achill. Kung mapapatunayan natin sa korte na sila lang ang may kinalaman sa nangyari kay Daphne noon, abswelto kayo ni Apollo pati na rin si Hades Vejar."

Kahit paano ay kumalma ang mga nerves ko. Nakatitig ako kay Plata na sa pagkakataong iyon ay nakatitig kay Artie at Luna. May ngiti sa mga labi niya – para bang kuntentong-kuntento na siya sa buhay niya.

Then, suddenly, I remembered Betchay. It's been days and I have no idea how she's doing now. Nag-aalala ako tuwing naalala kong mag-isa lang siya sa bahay niya noong may sakit siya ay hindi ako mapakali. Naiinnis ako sa sarili ko, napakaduwag ko, pero heto naman ako ngayon, sinusubukan kong ipaglaban ang mga kinatatakutan ko.

"And, Achilles, Apollo needs to come home." He told me. Napatitig ako sa kanya.

"No!" I rose. "He's doing fine kung nasaan man siya ngayon! Hindi niya kailangan malaman ang gulo dito! Ayokong madamay si Apollo kaya nga ginagawa ko lahat para matahimik siya doon. Bayad ito sa lahat ng utang ko sa kanya noon."

Losing My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon