LMM.19 - This is how we do it

118K 3.8K 744
                                    

Para bang hindi mapakali si Achilles nang gabing iyon. Pabalik-balik siya sa labas ng bahay dahil sa dami ng taong kinakausap niya. May problema yata silang kinahaharap ngayon. Ang sabi niya kay Apollo kanina nang magkausap sila sa facetime ay hindi daw niya alam kung makakabuti iyong nangyari o hindi. I guess they were talking about the video kung saan naroon si Daphne.

Naulinigan ko siyang pumasok sa silid ko. Mula nang magkausap kami kanina ay wala na siyang binanggit tungkol sa kung ano na kami ngayon. Naghahalikan kami, pero wala kaming pangalan, walang depinisyon. I sighed. I cannot believe that I am more than okay with that. Ngayon kasi ay naniniwala ako sa kanta na let's take it slow, so slow... Na-realize kong hindi naman dapat bilisan ang mga bagay-bagay.

"Anong nangyayari, Sir?" Naitanong kong bigla. Napaupo siya sa kama ko tapos ay biglang ngumiti na nauwi sa pagtawa nang napakalakas. Hindi ko siya binawalan dahil ako lang naman ang tao sa bahay naming. Wala si Nanay, kasama niya ang boyfriend niya at nagpunta sila sa Laoag para magbakasyon. Si Beatrice naman ay umuwi muna sa bahay nila Jeric Raval dahil hiniling ng biyanan nito na makita ang apo niya.

"Oh, sweet cakes! H'wag mo na akong tawaging Sir. Sa'yo na ako diba?" Kinindatan ako ni Achilles. Nanlaki naman ang mga mata ko. Humiga siya sa tabi ko tapos ay ni-spoon niya ako. Pinakikinggan ko ang paghinga niya. Alam ko na kahit mukha siyang masaya ngayon ay napakarami ng iniisip niya.

"Ang panget naman ng tawag mo sa akin." Nakalabing wika ko. Iniiwasan yata talaga niyang sabihin sa akin kung ano talagang nangyayari sa kanila at sa kaso kay Daphne. Hindi ko lubos na kilala ang babaeng iyon, minsan lang siya naikwento sa akin ni Apollo at hindi na nasundan iyon. Ang sabi niya lang sa akin noon ay kakaiba daw si Daphne sa lahat – nasa loob daw ang kulo nito.

"Ano bang gusto mo?" Gumapang ang kamay niya papunta sa baywang ko. Napasinghap ako nang bahagya niyang itaas ang blusa ko at dumampi ang palad niya sa hubad na balat ng baywang ko.

'E-ewan... tang inang ito! 'Wag naman ganyan! Nanghihina ako eh!" Reklamo ko pero hindi niya tinigilan ang paghaplos sa baywang ko. Napalabi na lang ako. Bigla ay may naisip ako. "Mula ngayon, ang tawag ko sa'yo, Babyrot kasi maharot kang gago ka." Nagmamaktol na ako. Pilit kong hinuhuli ang kamay ni Achill – nang mahawakan koi yon ay bahagya siyang tumigil pero kiniliti naman niya ako sa kili-kili.

"Ihhh! Nakakainis ka!" Tawa ako nang tawa. Itinaas ni Achill ang braso ko tapos ay dinampian niya ng halik ang kilikili ko. Napasinghap ako. Buti na lang nag-wax ako ng kili-kili noong nakaraan! "Achilles!"

"Well if that's the case then you my Lala."

"Anong Lala?" Kunot noong tanong ko.

"Lala... kasi nanLalambot ang tuhod ko kapag nandyan ka pero may ibang part na tumitigas at nagagalit!"

"Ulol!" I burst of laughter. Hinalikan niya ako sa leeg tapos ay niyakap ng mahigpit. Bigla ay natahimik ang buong silid ko.

"Betchay, kahit anong mangyari, 'wag na 'wag mo akong iiwan." Sabi niya. Napaluha naman ako. "Alam mo ba kung anong totoo? Pwede akong makulong dahil sa nangyari sa kanya lalo na kapag hindi ko napatunayan na wala talaga akong kinalaman sa panghahalay sa kanya – na hindi ako kasali doon. Natatakot ako sa totoo lang. Gusto kong tumakbo, gusto kong tumakas nang kasama ka, but I don't want to leave town kasi kapag tumakas ako, hindi ko maibibigay ang buhay na dapat para sa'yo. Ikaw ang iniisip ko. I wanna make you the happiest woman and if I skip town – if I take you with me, hindi tayo magiging masaya. Mas okay sana kung mabubuhay tayo nang malaya. Ayokong parati tayong may tatakasan."

Hindi ako nakakibo. Tahimik akong umiyak sa dibdib niya. Banayad ang paghinga ni Achilles pero dama ko sa boses niya ang kalungkutan.

"Hindi no! Mukhang magaling naman iyong abogado ninyo. Hindi ka makukulong. Wala ka namang kasalanan eh." Pinipigilan ko rin ang umiyak. Ayokong makita niyang nanghihina ako. He smiled at me and kissed my lips. Nilaliman ko ang halik na iyon. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko, gusto kong maramdaman niya na kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan.

Losing My MindМесто, где живут истории. Откройте их для себя