Chapter 7

7.6K 268 10
                                    

The Unexpected Journey

 

Kinabukasan. 

Inip na inip si Sheryl sa paghihintay kay Jacob sa harap ng Gymnasium. Hindi na siya nag-abalang pumasok dahil nasa entrance na ang mga rabid fangirls ng kaibigan niya at ayaw din niyang makausap ang mga ito dahil puro panglalait lang naman ang kaya nilang sabihin. hanggang sa wakas ay nagsilabasan na ang mga members ng kendo team, senyales na tapos na ang kanilang morning practice. Pero may isang problema. 

Wala doon si Jacob. 

Naghihimutok ang mga babae roon dahil hindi pa nila nakikitang lumabas ang kanilang so-called prince. Lumabas na ang huling member ng kendo team pero wala pa rin si Jacob. Kahit si Sheryl, na nakatingin sa malayo, ay nagsisimula nang mag-alala. Kahit sabihin pa niyang nagsha-shower si Jacob ay napakatagal pa rin nito. Nagsisimula nang mag-alisan ang mga babae dahil na rin siguro sa sobrang inip, at disappointment. When the coast is clear ay lumabas sa pinagtataguan niya si Sheryl at hinabol ang member ng kendo team na naglalakad mag-isa. 

"Sandali!" sigaw niya rito. Lumingon ang lalake na halos 6 feet ang taas at well built ang katawan. Inayos nito ang pagkakasukbit ng kanyang duffle bag sa balikat habang hinihintay nitong makalapit si Sheryl. 

"Di ba ikaw 'yung girlfriend ni Jacob?" tanong ng lalake in a low gruffled voice. "Madalas ko kayong nakikita sa cafeteria na sabay nagla-lunch." 

Muntik nang madulas si Sheryl sa narinig. "E-excuse me? Hindi ko siya boyfriend. At kahit siya ang pinakahuling lalake sa mundong ibabaw ay ayaw ko siyang maging boyfriend." (this is a complete lie. May pagtingin siya kay Jacob pero ayaw niyang aminin to hide her embarrasment.) 

"Anyway, nasa practice ba siya kanina? Parang hindi ko siya nakitang lumabas?" 

"Ayaw mong maging boyfriend pero hinahanap mo," sarcastic na comment ng lalake. May sasabihin pa sana ito pero tinitigan ito ng masama ni Sheryl. "Wala siya sa practice ngayon. Nagpaalam siya na may aasikasuhin daw siya sa Engineering Department, importante daw." 

Napa-'sigh' of relief si Sheryl. Mukhang seryoso si Jacob nung sinabi nito kahapon na siya ang hahanap sa mystery guy nila at naroon ito ngayon sa Engineering Department doing just that. Matapos niyang magpasalamat sa lalake ay iniwan niya ito para puntahan si Jacob.

Ang Engineering Building ay matatagpuan sa East wing ng Southern Hills Inst. of Technology at ito lang ang present na landmark sa lugar na iyon. Its a three story building na napapaligiran ng mga puno na pines at may 15 meter high fence sa backdrop, meaning ito na ang hangganan ng Unibersidad. Ang tanging daan papunta rito ay isang corridor lamang kaya madaling makita at matandaan ang mga estudyante na pumapasok dito. Hindi pa man nakakarating sa corridor si Sheryl ay natanaw na niya si Jacob na pabalik. Tumakbo siya patungo sa kaibigan at binati ito. 

"Anyare sa investigation mo?" tanong ni Sheryl habang hinahabol ang paghinga niya. Kulang na kulang talaga siya sa exercise dahil madali siyang mapagod. 

"What do you want to hear first, the bad news, or the VERY bad news?" tanong din ni Jacob. May tono ng pagkadismaya sa boses niya. 

"Parang ayokong marinig pareho," wika ni Sheryl but she really don't have a choice. "go on, let's hear the bad news muna." 

"Nagtanong-tanong ako sa mga kakilala ko doon sa Engineering Department. Binigay ko yung description na sinabi tungkol doon sa lalake. Good looking, may nunal sa baba, at nakasuot ng orange t-shirt nung araw na 'yon, at nagbunga naman ang paghahanap ko." naglabas si Jacob ng isang maliit na notebook na may hello kitty print sa cover. "David Mortez, 20 years old, at gaya nga ng hula mo, he's a Civil Engineering student. Palihim pa akong pumasok sa Registrar para makita ng personal ang records niya and I helped myself with a copy." naglabas din siya ng isang bondpaper na photocopy ng personal record ni David.  

Napasinghap si Sheryl. "OMG! What have you done?! It's a severe crime ang pagpasok sa Registrar office!" mabilis niyang inagaw ang papel at simisigaw ng pabulong. "You're gonna be expelled kapag nalaman ng iba ang ginawa mo. But, this will help us a lot sa ginagawa nating investigation. Akala ko ba bad news, this is good!" kinumpirma ni Sheryl na ito nga ang lalake na nakita nilang nakipag-break-up kay Amy. 

"That is the bad news." patuloy ni Jacob. "Palihim akong pumasok sa Registrar and almost got caught doing it." 

"At ang VERY bad news?"  

Huminga ng malalim si Jacob bago nagsalita. "Nawawala si David." 

Halos bumagsak ang panga ni Sheryl sa lupa. "WWHHAATTT?!" 

"Nawawala, o rather, umalis." dagdag ni Jacob. "Tinanong ko ang mga classmate niya at sabi nila ay umuwi raw ito sa kanila sa Angono, Rizal. Sabi nila, family matter daw." 

"Kailan pa siya umuwi?" nakadakot ang palad ni Sheryl sa mukha niya, disappointed. 

"That's the suspicious part. Umuwi siya the day na natagpuan ni Mang Rene ang katawan ni Amy sa eskinita." tinatapik ni Jacob ang baba niya. "Masyadong coincidental kung tatanungin mo ako." 

"He's our prime suspect, damn it!" Sheryl cursed under her breath. "Napaka-obvious na tumakas siya at nagtago sa Angono. I'll even bet na hindi talaga sa Angono nagpunta ang punyetang lalakeng 'yon." 

"Hindi natin malalaman kung sa Angono nga siya nagpunta if we don't go there." wika ni Jacob. 

Nang marinig ni Sheryl ang comment ni Jacob ay parang may lightbulb na umilaw sa ulo niya. Nakita ni Jacob ang pagkislap ng mga mata ni Sheryl habang nakatitig ito sa kanya. Madali niyang nabasa ang iniisip nito kaya nagsisisi siya dahil nag-comment pa siya ng ganon. 

"Oh no Sheryl," banta niya. "Alam ko na ang tinutumbok ng usapang ito. I strongly suggest na---" 

"Jacob, do you want something?" pakanta na tanong ni Sheryl with matching puppy eyes. 

"No, ayoko! I know exactly what you're thinking." 

"Huwag ka namang ganyan. Iniisip ko lang na bigyan ka ng reward matapos ang lahat ng ginawa mo, you know, as a good friend. Wala akong hidden agenda, promise." nakataas ang kanang kamay ni Sheryl. 

"Reward huh?" napabuntong hininga na lang si Jacob. Useless na makipagtalo kay Sheryl kapag may naisipan naitong gawin. "Okay! Kunwari tinanggap ko ang offer mong 'reward' " nag-quote-unqoute sign siya. "Anong ibibigay mo?" 

"I'm giving you a chance to come with me on a two day vacation ngayong darating na weekend." 

"At saan naman iyan?" tanong niya kahit alam na niya ang sagot. 

"We are going to Angono, Rizal!" announce niya. 

Me and my big mouth. naisip niya.

Clues. Mysteries. Misadventures.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon