Chapter 1

34.4K 616 71
                                    

  Highly Observant

 

"Sheryl, anu ba? Gumising ka na d'yan at male-late ka na!" 

Hinila ni Suzanna ang kumot ni Sherly na nakabaluktot pa rin sa kanyang pagkakahiga sa kama. Simula pa lang ng first semester ay roomates na ang dalawa kaya alam na alam ni Suzanna na mahirap gisingin si Sheryl, lalo na kapag Monday. Pinilit abutin muli ni Sheryl ang kumot sa bandang paanan niya nang hindi dumidilat at hindi pinansin ang sinabi sa kanya ng kanyang roomate. 

Umungol si Sherly in protest. "Ten minutes pa," ibinalot niya muli ang kumot sa sarili at bumalik sa pagtulog, pero agad naman itong hinila ulit ni Suzanna at inilagay iyon sa sahig para hindi na ito maabot ni Sherly. Alam niyang magsusungit na ito kapag sinubukan niya muling humiga kaya kahit aandap-andap pa ay umupo siya sa gilid ng kama at kinusot ang mga mata niya at nag-inat. Kahit humihikab ay sinundan niya ng tingin si Suzanna na nakabihis na para pumasok sa Southern Hills Institute of Technology. Isang HRM student si Suzanna samantalang isang art student naman si Sherly. 

"Mukhang inabot ka ng umaga sa dormroom ng boyfriend mo ah," may malditang ngiti na gumuhit sa labi ni Sherly. "Kahit madaling araw ka na umuwi ay nakabangon ka pa ng mas maaga kesa akin." 

Nanlaki ang mga mata ni Suzanna sa narinig. "H-ha? Nagising ka ba nung bumalik ako nang alas-kwatro kanina? I made sure na hindi ako nag-ingay pagpasok ko dito." 

"Hindi ako nagising. You know very well na I'm a heavy sleeper." 

"Then paano mo nalaman na galing ako sa dorm ng jowa ko?" tanong ni Suzanna na agad dinepensahan ang sarili niya. "But mind you, wala kaming ginawang 'kababalaghan' kagabi. Inabot lang ako ng gabi doon dahil sa isang assignment." 

"Wow ha, napaka-defensive mo naman." tumayo si Sherly at kinuha ang tuwalya niya na nakasampay sa likod ng pinto. "Tinatanong mo kung paano ko nalaman? You showed it to me, as in right now." 

"Right now?" 

Itinuro ni Sherly ang kaliwang galanggalanagan ni Suzanna. "Hindi mo suot ang favorite watch mo, hija. Knowing you, mas makakalimutan mo pang isuot ang make-up mo kaysa relo mo. At hindi mo iyon basta-basta maimi-misplace dito sa dorm natin dahil you're such a control freak." 

"Pero hindi non naipaliwanag kung paano mo nalaman na galing ako sa dorm ng boyfriend ko." panonopla ni Suzanna. 

"Hinuhubad mo lang ang relo mo kapag matutulog ka na. At sa isang lugar ka lang natutulog kapag inabot ka na ng hatinggabi sa lansangan dahil mas malapit iyon puntahan kesa bumalik ka pa dito. Saan? Eh di sa dorm ng boyfriend mo, na bawal ang mga babae doon kaya palihim kang dumaan sa bintana niya sa may 2nd floor." itinuro ni Sheryl ang maliit na gasgas sa braso ni Suzanna. "Gumasgas ang braso mo sa sanga ng puno na naroon. Alam kong may puno ng mangga malapit sa bintana ng kuwarto ng boyfriend mo. Naalala mo, nagpunta na ako doon one time, di ba?" 

Tiningnan ni Suzanna ang kaliwang braso niya at naroon nga ang maliit na gasgas. Kung hindi pa iyon binanggit sa kanya ni Sheryl ay di pa niya iyon mapapansin. No wonder parang nangangati ang braso niya. 

Dagdag pa ni Sheryl, "Sa tingin ko, maagang nag-inspect ang denmother sa mga occupants niya kaya kahit madaling araw pa lang ay umalis ka na sa flat ng boyfriend mo, at sa pagmamadali ay nakalimutan mo ang relo mo. Ni hindi na nga nag-panic nung sinabi kong hindi mo suot ang wristwatch mo dahil alam na alam mo kung saan mo iyon naiwan." 

Clues. Mysteries. Misadventures.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon