CHAPTER I. |SHE'S MINE. ONLY MINE|

Magsimula sa umpisa
                                    

Ays! Ano ba yan kung anu-ano pang napapansin ko pati tulog ba naman. Umupo muna ako sa isang bench na medyo malayo dun sa guy, napapagod na din kasi akong umuli, mamaya ko na bibilhin yung pinapabili sakin ni Max.

"taya! hahaha. ako nman habulin mo. hahaha. habol" boy

 "ay! ang daya! ang bilis mo nman. saglit." girl

 "ano ba yan! palibhasa ang taba-taba mo kaya ang bagal.. hahahahha" boy

 "ah ganun! payatot. humanda ka!!!" girl

Napatingin ako sa mga batang naglalaro dun sa malapit sa bench nung guy. Nakakatuwang tingnan yung mga bata. Naalala ko tuloy si Kuya. He's very protective pagdating sakin at mas malala pa siyang magsermon sakin kaysa kay Dad. =_= 

 

"FUCK! YOU’RE SO NOISY!!! AARRRGGHHH..!"

Nagulat ako sa sumigaw at napalingon ako dun sa mga bata. Hala maiiyak na si babygirl.

"DAMN IT! DONT YOU DARE TO CRY!" Napatingin ako dun sa lalaking kaninang naka-upo dun sa may bench. Now he’s awake at infairness ang gwapo niya pala talaga! Lalo na ngayon na hindi niya suot yung shades niya.

Pero kawawa naman yung mga bata kung maturo ng lalaking ‘to oh. Tsk.

"Why you're so mean! WAAAAAAAAAAAAAAAAAA"  sabi ni babygirl. Hala! at ayun umiyak na nga.

Argh. I can't go there. I’m afraid. Oo, duwag ako. Hindi ako katulad ni Max yung bestfriend ko na palaban baka mamaya pag lumapit ako, ako pa pagbuntunan ng galit nung lalaki na yun. Hays, pano ba ‘to.

"OH SHIT! WHERE'S YOUR MOM?!" sigaw pa ulit nung guy.

 "We don’t have a mom"  sagot naman ni babyboy, he's also crying.

Hays. Pati ba naman kasi bata pinapatulan ng lalaking ‘to.

Bahala na nga. I walked to them. At saktong umalis yung guy! Thank you Lord. Buti na lang!

Agad naman akong nakalapit dun sa mga bata "Hush Babies. Ate Lixien is here. Don't cry"  binuhat ko si baby girl, umupo ako dun sa bench na inupuan nung lalaki. Lumapit din naman sakin si baby boy. I gave them kendi. Buti na lang may kendi ako sa bulsa. Medyo tumahan na naman sila.

"Asan ang kasama nyo?" tanong ko sa mga ito.

"Nanny is there..."  sagot ni baby boy. He point at the playground.

Tumayo na ako para ibalik ang mga batang ito sa nag-aalaga sa kanila. Pagkarating namin sa playground, baby boy point there Nanny. Then I see her na masayang nakikipaghuntahan, di man lang nito alam na may nagpaiyak na sa mga alaga niya. Napakapabaya ahh. Tsk. Tsk.

Pinagsabihan ko nga paglapit namin, nakakainis kasi.

 "Goodbye Mica and Xander! Be good ok" They tell me their name. Ang cu-cute nila.

"Bye Ate Lixien!" sabay kaway ng mga ito sakin.

Then umalis na ako sa park. Mahirap na baka makasalubong ko pa yung lalaking walang modo. Aish,   at nagdiretso na ako sa Mcdo para bumili ng fries.

Pagdating ko sa Bahay namin ni Max kinuwento ko agad sa kanya ang nangyari.

“Di ba sabi mo Budz gwapo yung guy?" tanong ni Max.

“Yes. why?” sagot ko

Ngumiti naman ito “So ok lang yun, sadyang ganyan pag gwapo yung guy. Expect mo na masama ang uga-- ouch!”   binatukan ko nga.

“Wow huh. Haller?! Pero sana kung andun ka binigyan mo sana yun ng leksyon!” mahilig kasi sa gulo itong si Max. Yeah, Bad Influence siya. Haha.

“Oh siya, manuod na lang tayo ng Movie para mawala na yang inis mo dun sa lalaking yun" natatawang sabi naman ni Max.  

“Good idea Max" ito kasi ang hilig namin ang mag-movie marathon.

Tumayo naman si Max at nagdiretso papunta sa kusina "Pili ka na ng panoodin natin, luto lang ako ng popcorn. WAG HORROR BUDZ!” pasigaw na sabi pa nito.

“Makasigaw ka naman. Kelan ko ba ginusto ang HORROR???"  Tumayo na ako at naghanap ng magandang panuorin

“Haha. Wala lang. Trip ko lang sumigaw. Hahaha”   Aish. Iba talaga ang trip nitong si Max.

Naka tatlo kaming panuod ng movie ni Max at inabot kami ng ala una ng umaga. Lagot na, maaga pa naman kami bukas puro Romance Love-story pa naman ang mga pinanuod namin at pugto na ang mga mata namin kakaiyak para na kaming ewan dito.

Humarap sakin si Max “Haha. Ang pula–pula na ng mata mo Budz. Namumugto pa”

“Kung makasabi ka. Hahaha. Para naman yung sayo hindi, parehas lang tayo ‘no.”

“Haha. Pano tayo bukas nito?” Max

“Itulog na lang natin ‘to. Tara na sa taas. Nakakapanghina ding umiyak”

Umakyat na kami sa mga kwarto namin

“Goodnyt Budz.. Sweetdreams.. Sleepwell” Max, na nasa may pinto na ng kwarto niya.

“Same” Ako, na akmang papasok na ng kwarto ko.

“Ang ganda ng sagot mo Budz. Nakakaengganyo matulog. Alam mo yun” Max

“Ok.Ok. Gusto ko na matulog. Gudnyt. Sweetdreams.. Sleep well.. mwaahhh.. mwahh… tsup.. tsup.. hahaha”

“Hmp” Max at nagpasok na sa kwarto niya.

Pumasok na ko sa kwarto ko. Naglinis ng katawan at nagbihis at humiga na sa kama ko.

Lagot kami nito bukas. Maaga pa naman ang pasok namin. BI talaga si Max. Hahaha.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon