The runway (12)

1.2K 60 2
                                    

Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang makabalik si Glaiza sa bansa. Ang huli niyang balita kay Rhian ay matagal daw itong mawawala sa runway scene at sa morning show nito dahil magbabakasyon. Hindi naman niya maiwasang mag-alala para rito. Pero iniisip na lang niya na baka sa Mommy nito ito pumunta para doon na rin mag-celebrate ng Pasko. Sinubukan niyang kalimutan ito pero hirap na hirap siya kaya ginagawa na lang niya itong inspirasyon bago siya kumuha ng LAE sa UP sa susunod na taon.

"She's back!" Napatingin si Glaiza sa telebisyon nang marinig ito. At ipinakita ang mga kuha kay Rhian sa morning show. "My co-host is so back! Live this Thursday...see ya!" Saka napalitan ng ibang commercial ang palabas dito. Tila napatalon ang kanyang puso nang makita niya ang mukha nito kahit sa tv lamang, hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. Thursday? Bukas na 'yon. aniya sa isip.

"Okay ka lang anak?" pukaw sa kanya ng Mama niya.

Tumango siya. "Y-yeah. By the way, pumayag na si Chynna na siya na muna ang OIC ko while I'm attending the review classes."

"Lalong hindi magkaka-lovelife niyan ang best friend mo." biro naman ng Papa niya.

Napailing siya. "I doubt it, may nililigawan na nga 'yon ulit eh."

"Eh ikaw, kailan ka na ulit magkaka-lovelife anak?" singit ng Mama niya.

Muntik na siyang mabulunan sa dessert na kinakain niya. "Ma, pressure talaga?"

Tumawa naman ang mag-asawa. "May I remind you, you are twenty-seven and you are not getting any younger, tapos may balak ka pang mag-Law!" anito. Napakibit-balikat na lamang ang Papa niya. "Kasi naman, balikan mo na si Rhian." pahabol nito.

"Hindi naman ako mahal non!" protesta niya.

Sabay naman napatingin ang mga magulang niya sa kanya. "Hindi ka pa mahal non sa lagay na 'yon? The way she looks into your eyes, it's like na...kayong dalawa lang ang nag-eexist." Tumango naman ang Papa niya para sumang-ayon. "If it ain't love, then I don't know what love is." Napasinghap naman siya. Lalo lang yata siyang naguluhan.

*****

Masaya na si Rhian ngayon kahit papaano dahil binibigyan muli ng pagkakataon ng Mommy niya ang Daddy niya. Natatawa nga siya kapag nakikita ang mga magulang na parang mga nagmumurang-kamatis. Madalas na ring dumadalaw ang pamilya ng kanyang Ate Nadine sa kanila. Halos kumpleto na ang buhay niya. Isa na lang ang kulang – si Glaiza. Sana ay bumalik na muli ito sa kanya.

Tuwing Martes at Huwebes ay live ang morning show na siya ang isa sa mga hosts. Huwebes na ngayon kaya hinanda na niya ang kanyang sarili. Ngayon ang pinakaunang pagkakataon na magkakaroon ng interview sa pagitan ng mga hosts sa show. Noon pa niya pinaalam sa producer na gusto niyang magkaroon ng live interview at agad namang pumayag ang mga ito.

"Today, we have a very special interview with our very own, Rhian Howell!" anang kanyang co-host na si Solenn. Lumabas na rin siya mula sa backstage nang marinig niya iyon. "Hi Rhi! Good morning," bati ng babae sa kanya nang salubungin siya nito para yakapin.

Yinakap niya rin ito at kumaway sa audience. "Good morning din Sol, magandang umaga sa lahat ng mga tao na nandito at sa mga nanonood sa'tin, live!" bati niya rito at saka siya bumaling sa harap ng kamera.

Pinag-usapan muna nila ang nalalapit niyang fashion show at kung ano ang mga pinagdaanan nila para mapaganda ito at kung sinong charities ang makikinabang mula sa kikitain ng show na ito. May Runway 101 pa silang nalalaman nang mag-imbita sila ng mga tao from the audience na rumampa kasama siya.

RaStro FicSWhere stories live. Discover now