Chapter 20 - Indirect Kiss

885 30 3
                                    

Dedicated to: xenquental. Hi po thank you sa pagvote. At dahil dyan dedicated po sayo to. Sana po patuloy niyong subaybayan ang Red. Kamsahamnida.

Sorry for the typos. Hope you like it.

RED

Nagising na lang ako na nakahiga at napapalibutan ng puti. Inaadjust ko pa ang aking paningin at nalaman kung nasa clinic pala ako.

"Ouch" ngayon ko lang napansin na may benda na pala ako sa kaliwang braso at may naka hawak sa isa kung kamay.

"Kanina ka pa niya binabantayan. Hindi na yan kumain ng hapunan kakabantay sayo" sabi sa akin ng nurse. Napatingin naman ako kay Raevin. Hinaplos ko yung buhok niya. Bakit hindi siya kumain? Mabatokan nga to.

"Amm anong oras na ba?" Tanong ko sa nurse.

"Alas diyes na po ng gabi. Papauwi na nga po ako. Kayo na lang po ang magsarado sa pinto ha? At sya nga pala may babaeng pumasok dito kanina at nagdala ng pagkain. Nasa gilid niyo lang po. Na inject na kita ng anti-rabbies dahil may rabbies po yung aso. Balik na lang po kayo next week para sa next inject. Sige alis na po ako" saka umalis na. Hindi pa nga ako nag sasalita eh.

"Hey Raevin. Wake up" yugyug ko sa kaniya. Ngayon ko lang napansi na may sugat siya sa mukha.

"Ummmm." ungol niya saka tayo. "A-Ahh gising ka na pala. A-Anong masakit sayo? Tell me" alalang sabi niya. Napa hagikhik na lang ako sa tinuran niya. Ang funny kasi ng mukha niya.

"A-Ahhh you l-laugh?" Manghang sabi niya. Doon lang ako natauhan at binalik ulit sa dating itsura ang mukha ko.

"Ehem. Ok lang ako. Sabi ng nurse di ka pa daw kumakain kaya kumain kana. May nagdala ng pagkain dito kanina. Babae" bagot kong sabi. Nakita kong ngumisi siya kaya tinignan ko siya na nagtataka.

"Ok." Sabi niya saka inayos yung pagkain sa lamesa. Galing pa ito sa mcdo.

"Aaahh" sabi niya saka sinubukang ipasok yung pagkain sa bibig ko. Wala na akong nagawa kaya binuksan ko yung bibig ko. Nakangiti pa rin siya habang kumakain kaya nainis ako. Bakit ba siya ngumingiti? May nakakatawa ba?.

Akmang susubuan ulit niya ako ngunit bigla kong iniwas yung mukha ko.

"Anong problema?" Takang sabi niya.

"Anong problema? Bakit ka ngumingiti dyan mag-isa? Tapos mukhang hyper ka pa" naka simangot kong sabi. Napatawa na lang siya. Tsk

"Nothing. I'm just happy that your okay." Sabi niya ng seryoso. Kaya napa iwas ako ng tingin. Pero agad niyang nahawakan yung ulo ko at binalik sa dati. Napatitig ako sa magagandang mata niya.

"Hindi ko alam kong anong gagawin ko kung napahamak ka kanina. Bigla ka ba namang tumakbo at nagtago doon. Di mo ba alam na restricted area dun? Di pwedeng puntahan nino man. Kaya nag-alala ako sayo" seryosong sabi niya.

"I'm sorry" sabi ko sa kaniya. Kaya ngumiti siya.

"Alam mo bang kinikilig ako ngayon dahil iisang kutsara lang gamit natin?" Nakangising sabi niya. Napahampas na lang ako sa kaniya. What the??

"Thanks" sabi ko ng makababa na ng sasakyan niya. Hinatid niya kasi ako pauwi dahil alalang alala na sila Ken sa akin.

"Good night." Sabi niya sa harapan ko.

"Good night and thank you" sabi ko. Pero bago pa siya naka pasok sa loob ng kaniyang kotse ay bigla niya akong hinalikan sa pisnge. Hindi ka agad ako naka react dahil nasa shock stage pa lang ako. Nang unti unti pumapasok sa utak ko ay naka alis na pala siya. Shet naka dalawa na siya.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon