Chapter 17 - A Girl in the Restroom

1.1K 30 0
                                    

A/N:

Kailangan ko ng matapos itong story nato dahil malapit na ang pasukan. Kaya as much as possible kailangan kong mag-update dahil kapag pasukan na marami ang schedule ko noon at baka di na ako makaka update. Once a week na lang. Kahit may on-going pa akong story at another story. Masyadong maraming bagay ang nasa isip ko eh. Pasensya na.

Dahil laging si Rich at Raevin ang nagPoPOV si Sam muna ngayon. Tignan natin ang chemistry nila ni Ken. Yaaaa kinikilig ako. May malalaman sila Sam at Ken dito. Ano kaya iyon? HMMM lets see.

Enjoy!!

***

Chapter 17

Sam POV

Ilang araw na akong tulala since narinig ko ang usapan ni Alex at yong kausap niya over the phone. Di pa rin mawala sa ko ang aking mga narinig. Nacucurios na ako kung bakit siya nandito. Napatingin naman ako sa pwesto ni Alex. Sino ka ba talaga Alex?

"Hey Sam pahingi nga ng papel." sabi ni Leila. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Huh?"

"Papel kamo. May quiz tayo babae tama na ang tulala mode." Ow sh_t may quiz? Hindi pa naman ako nakinig.

"Oh heto." sabay bigay. Arghhh anong gagawin ko? Hindi pa naman ako nakinig terror pa naman ang prof namin ngayon.

Nagbigay na ng tanong ang prof namin. Ilang oras na ang lunipas pero Waaaahhhh wala pa rin akong maisagot. Napasabunot naman ako ng buhok. NAMAN.

Nabigla na lang ako ng biglang may naglagay ng papel sa lamesa ko. Nakasulat ang pangalan ko at may sagot na. Napatingin naman ako sa taong gumawa nun.

"K-Ken?" tanong ko sa kaniya. Anong ibig sabihin nito?

"Ginawan na kita dahil alam kong hindi ka nakinig. Kawawa ka naman." Sabi niya saka tumayo at binigay ang papel sa prof namin at lumabas na. Ako kawawa? Purket hindi ako nakinig. Mabatukan nga yon.

Alam kong naguguluhan na kayo kung bakit kami magkatabi ni Ken. Inayos kasi ng advicer namin kaya eto magkatabi kami. sa harap namin ay si Leila katabi si Aero. Sa left side ko naman ay si Kate katabi si Steve at sa likod ko ay si Raevin. Katabi niya sana si Rich kaso wala pa nga ito.

"Okay pass your paper." nakonsensya ako dahil hindi ko naman ginawa to. Pero kailangan eh. Magpapasalamat na lang ako kay Ken mamaya.

Pinasa ko na yung papel at agad lumabas para hanapin si Ken. Nalibot ko na ata ang buong campus pero hindi ko pa rin siya nakikita. Bigla kung naalala na sa rooftop pala hindi ko pa napuntahan. Agad akong pumuntang hagdan at tinakbo yun ng mabilis.

Pagkarating ko roon ay agad akong napahawak sa pintuan ng rooftop. Hinahabol ang pag hinga. Woohh mukha akong nakipag karera ng running. Nag lakad lakad ako ng makita ko siyang naka-upo malapit sa railing. Natatabunan naman doon kaya hindi mainit.

"Ken" tawag ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin hindi man lang lumingon.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Maganda ang tanawin dito. Kita mo ang buong campus tapos mahangin pa.

"Ang ganda dito" sabi ko sa kaniya. Hindi maalis sa labi ko ang ngiti.

"Ang ganda mo pala kapag nakangiti" sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatingin din pala siya sa akin.

"Alam mo ngayon lang kita ulit nakita ngumiti  This past few days lagi kang tulala at hindi nagsasalita. Do you have problems?" tanong niya sa akin. Ngayon lang kami nagkausap ng masinsinan ng lalaking ito. Lagi kasi niya akong sinusungitan kapag nandoon kami sa kanila.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon