Chapter 14 - A guy name Max

1.3K 33 0
                                    

Dedicated to: protect03

Hope you like it.

**

Kate POV

Ilang araw na ang nagdaan since that bomb happened. Pinatulog na lang muna namin ang mga estudyante sa hotel at umuwi rin kinabukasan. Galit na galit si Ken sa mga teacher namin dahil nandoon sila sa hotel that time. Wala man lang nagbantay sa amin doon or walang guards na nagchecheck sa lugar.

"Sino kaya ang may pakana noon?" Tanong ni Steve. Nandito kasi kami sa Hide out nila. Nagpasya kaming magpulong ng magkakasama para malaman namin kong sino talaga ang may kagagawa noon.

Nakapalibot kami sa isang lamesa na pabilog. Hindi pa rin alam nila na isa kaming gangster.

"Oo nga. Kung sino man yun ay baka isa siya sa mga sumama sa camping natin na di natin nalalaman." Sam. Tama baka isa sa mga tao na nandoon sa camping ang may kagagawan noon. Dapat na talaga kaming mag-ingat.

"Pwede ding sinundan nila tayo at doon sila nag abang at sinimulan ang plano." Wave. May point din siya.

"So anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. Napatingin naman ako kay Red na mukhang malalim ang iniisip. This past few days parati na lang siyang tulala tapos nagkukulong sa kwarto niya. Mas lalo pa siyang naging cold kaya di kami makalapit sa kaniya.

"We should be careful on what action we do. Act normal para di mahalata ng taong iyon na may binabalak tayo." Sabi naman ni Raevin. Isa din ito di rin makausap ng matino. Laging nag-iisa at tulala. Ano bang nangyari sa kanila?

Red POV

"Hey Rich. Hello?"

"Huh?"

"Ay naku tulala ka na naman. Aish halika na tapos na ang meeting. Salamat sa cooperation." Sarcastic na sabi niya.

"Tsk" at nauna ng umalis. May klase pa kami ng one kaya may fifteen minutes pa akong natitira. "Mag lalakad lakad lang ako" nag nod lang sila kaya nagsimula na akong maglakad.

Naglakad na ako papunta sa gate four. Bale meron kaming apat na gate dito. Yung first gate ay yung pinaka main gate. Second ay nasa west side ng campus. Third gate naman ay parking lot at last yong fourth gate ay nasa pinaka dulo ng school. Hindi masyadong nadadaanan yun dahil medyo creepy ang lugar nato at lugar iyon ng mga gangster.

Habang naglalakad pakad ako may napansin akong sumusunod sa akin. Binalewala ko lang iyon at nagpatuloy na maglakad. Pansin kong pinapalibutan nila ako.

"Get out" malamig kong sabi. Nagsilabasan naman sila. Mabuti na lang at may dala akong armas dahil alam kong may sumusunod talaga sa akin.

Totoo ngang pinalibutan nila ako. Nakasuot sila ng all black at may takip sa mukha. Mukha silang ninja. Pa chill chill lang ako sa pwesto ko. tsk a piece of cake.

"Yaaaahhhh" sumugod agad ang nasa likuran ko. Bumunot ako ng shuriken at binato sa kanila agad naman silang natamaan. May naramdaman akong may sa likod kaya umilag ako at sinaksak sa kanya yong dagger na hawak ko. Sinuntok ko ang isang sumugod at sinipa ang nasa tabi ko. Pagtingin ko sa kaliwa may hawak siya espada.

Espada vs dagger?

Agad siyang sumugod sa akin kaya umilag ako. Ilag lang muna ang ginagawa ko dahil hinahanap ko yung pressure point niya. Nagmakita ko ay agad kong hinarang ang dagger ko sa espada niya. Mabuti na lang at dalawa to kaya dalawang kamay ang gamit ko. May sumugod din sa likod ko kaya sinipa ko ito. Ng makahanap ako ng tyempo ay agad kong binato ang dagger ko sa dibdib ng lalaking may espada. Kinuha ko ang isang kunai sa likuran ko at tinapos na ang mga natira. Tsk ang dali lang pala.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon