Chapter 25

460 7 2
                                    

Sa lahat ng mambabasa, nagvovote at nagcocomment maraming maraming maraming thank you po! LAST CHAPTER na po yung next dito! So VOTE and COMMENT na po! PAGBIGYAN na!!! THANK YOU!!! :)

CHAPTER 25

Malapit na pala birthday ni Tana. I want to surprise her sana. Hay. Paano kaya? E lagi niyang kasama yung Boyfriend niya. Hay. Masakit. Pag nababanggit ko yung word na yun at sa kaisipan kong halos araw araw silang magkasama, na sana ako yung nasa pwesto niya.

*Choo Choo ringing tone

Ate Au calling

Bakit kaya napatawag to? Hmmm.

"Hello?"

"Hi Q, musta?"

"Ok lang. Ikaw te?"

"Ayos din. May tatanong ako. Kilala mo ba si KT?"

Kinabahan ako sa tanong ni Ate Au, ano sasabihin ko?

"Ah, hindi e. Bakit?"

"Eh si Ben?"

"Hindi ko kilala yung mga yun. Bakit?"

"Ah wala lang."

Nagkwentuhan lang kami sandali at tinapos na namin ang pag-uusap na yun. Mga dalawang oras lang nagtext sakin si Tana.

"Uy, alam mo bang nagpadala ng sulat dito si Kayle mo? Yung mga pinag-usapan niyo! Nagagalit sakin sila mama!" Text sakin ni Tana

"Sinabi kong hindi ko kilala yung nga yun."

"Sinabi ko din na wala akong alam sa sulat na yun!"

"Pag-usapan na lang natin to sa susunod."

Hindi na din siya nagreply. Kelangan kong makalusot dito. Kelangan ko din ipagtanggol si Tana sa gusot na to.

Lumipas pa yung mga ilang araw, pinag-usapan namin kung paano kami mageexplain sa mama niya.

"BEE, bitawan mo na ko. Pareho na tayong sira sa kanila." Bigla niyang tinext sakin

"Bakit Tana? Pagod ka na ba? Pagod din ako! Pagod na pagod na din ako! Sinisisi mo sakin lahat to? Oo ako yung may kasalanan. Pero yung mga naglabasan na yun, ako pa din ba? E di bibitawan na kita! Tutal lagi mo naman ako pinagtutulakan e! Mahal kita pero lagi na lang ganito ginagawa mo sakin! Lagi mo ko pinagtutulakan! De dun ka na sa Boyfriend mo!" Mahabang reply ko sa kanya. Puno ng sakit, galit at hinanakit at SELOS yung nararamdaman ko! Hindi ko siya maintindihan.

Pagtapos ng pagtetextan na yun, hindi na ko nagparamdam pa sa kanya. Kahit sa mga social networking site. Pero napapansin ko lang every after 3 days nagtetext siya at nangangamusta sakin. At hindi ko gaanong pinapansin yun.

Ginawa ko ay nagpost ako ng picture namin ni mark na magkasama. At nakita ko na nawala siya sa list ng friend ko. Hanggang sa magtext na naman siya sakin.

"Kamusta? Sungit mo na ah! Porket may bago ka na, sana maging masaya ka. Mukha naman masaya ka e. Wag ka lang niya sasaktan. Mag-iingat ka lagi." Text niya.

Hanggang sa napagtalunan namin ang bagay na yun, NAGSESELOS daw kasi siya. Nasasaktan siya sa nakikita niya na masaya ako sa "IBA".

Natuwa ako sa bagay na yun, dahil nagseselos pa din siya. Ibig sabihin may nararamdaman pa din siya sakin.

Ganun lang siya, magtetext tapos biglang mawawala at magtetext ulit after 3 days.

Hanggang sa dumating na yung malapit na umalis yung boyfriend niya at pumunta ng ibang bansa.

*

Kamusta na kaya si Q? May iba na pala siya. Mahal niya pa kaya ako? Kasi ako, mahal na mahal ko pa din siya. Kahit may boyfriend na kong matatawag ngayon, namimiss ko pa din siya. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa sobrang pagiisip at pagkamiss ko sa kanya.

The Story Of Us ( Love Was Made For Us ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon