Chapter 2

1K 18 2
                                    

CHAPTER 2

*Choo Choo ringing tone

Unknown calling

"Hey.."

"Hello? who's this?"

"It's me Quinn, yung kumuha ng no. sa fb."

Ay, itong makulit na to pala. "Oh napatawag ka?"

"Wala lang, hehe save mo no. ko ha?"

"Sure, hehe.." Wala ko masabi sa kanya, kakakilala ko pa lang e. Hindi naman ako madaldal.

"Ahm, busy ka ba?.. Pwede makipagkwentuhan?.." Q

"Sige ba.."

Nalaman ko na same school pala kami nag-aaral and same course. BSN. Ahead ako sa kanya ng 1 year and actually dapat graduate na ko pero huminto ako ng isang taon.

Nagulat siya ng malaman niyang 20 na ko. Baby face daw kasi. Akala niya ay high school pa lang ako. Awts ha! And she's only 17 years old.

Kung ano ano lang ang napag-usapan namin at halata ko sa boses niya na nag-eenjoy siyang kausap ako. Ahm, likewise. Makwento naman siya kaya ok lang.

Maya maya ay nagpaalam na din ako. "Quinn, baba ko na to. Ang tagal na din nating nagkausap e."

"Ay ganun?" Lumungkot ba boses niya? "Ahmm sige, text text na lang?.." Grabe ha, ang tagal na namin magkausap gusto pa ng text?

"Ah sige.. pag wala akong ginagawa.." Yun na lang ang nasabi ko.

"Sige. Bye." Ieend ko na sana yung call.. "Santana, wait.."

"Oh bakit?"

"Ano kasi, kakapalan ko na mukha ko.. pero baka may book ka ng rizal? Pwede ba mahiram? Sayang kasi kung bibili pa ko e." Kala ko kung ano na.

"Oo ba, sige sa monday. I'll text you na lang."

"Thanks!" Then siya na yung nag-end ng call.

-----

Quinn's POV

Alright. Ang cute niya. Baby face. Tapos ang ganda pa ng boses niya. Ok, hindi ako insecure. Natutuwa pa nga ako sa kanya e. Hahaha. First time ata to? Hmmm. Pero bakit ganun? Bigla na lang parang may mga nagtakbuhang kabayo sa dibdib ko ng marinig ko boses niya? Tsk. Ohnoooo! Seriously? What is the meaning????? Am I fal---- scratch that thought. Nakakatuwa lang talaga siya. Yun lang!

Ok, sa monday. Makakaharap ko na siya ng personal. Excited na ko. Exci-- Ako? Excited? Bakit? Kasi nga NA.TU.TU.WA ako sa kanya. Right. Hays, tinatamad na ko magcomputer. Makikinig na lang ako sa radyo. Napatagal din ang pag uusap namin at hindi ko na namalayan yung oras.

.. how can something so wrong feel so right all along, Catch me,

I'm falling for you..

What the Eff? Ang galing. Ang ganda ng kanta. Am I losing my mind? I shouldn't feel this way! Nasa lyrics yun ng kanta. Mababaliw na nga ata ako. Mali to! Mali!

-----

Santana's POV

Monday na. Maaga akong gumising dahil ibibigay ko pa kay Quinn yung hinihiram niyang book. Tetext ko na lang sa kanya kung san kami magkikita.

To: Quinn kulit (makulit kasi siya e. Text ng text at tawag ng tawag.)

Hey, morning.. see you sa hallway maya, lunch time.

Sent

Hindi ko na siya hinintay na magreply at nag-ayos na ko ng sarili ko at ng uniform ko.

Wala naman masyado ginawa sa klase, nagdiscuss lang yung mga professor. Kami naman ng bestfriend ko, puro kwentuhan lang.

Lunch Time

Nasa canteen kami ng bestfriend ko at ng friend namin.

"Body, labas lang ako saglit.."

"San ka punta?" | "Anong gagawin mo?" Sabay nilang tanong sakin.

"May nanghihiram ng book ko e, ipapahiram ko lang, babalik din agad ako." Agad na kong tumayo at naglakad palayo sa kanila, matanong pa naman yung mga yun.

Habang naglalakad, naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. "Hey, hallway na ko. Wait kita here.." Text niya

"Uy!" Tawag niya pagkakita sakin. Ang laki nga ng pagkakangiti niya, ang cute pala nito (=^_^=)

"Hi, eto oh.." Inabot ko sa kanya yung librong hinihiram niya. Naramdaman ko yung balat niya kahit karampot lang iyon. Bigla nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung ano yun pero.. Hayaan na nga..

"Salamat, soli ko na lang sayo pagtapos ha.." Sabi niya

"Sige ok lang, gamitin mo na lang muna yan, wala ng gagamit niyan, hehe."

"Ah ok? Thanks ulit.. Akyat na ko ha?.." Paalam niya sakin at tumango na lang ako.

-----

Sht. Alam nyo yung kuryente? Yung spark? Yung energy? Yung kakaiba?

May naramdaman akong parang kuryenteng dumaloy sa pagkatao ko ng madikit ng kaunti ang balat namin sa isa't isa! Shemay! Eto na nga ba yun?

It can't be! Hindi pwede! Babae ako, babae din siya, babaeng babae ang dating ni Santana! Hindi ako pwedeng mafall dun! Hindi pwede!

.

.

.

.

.

Anong gagawin ni Q? Aamin na ba siya? O pipigilan ang kanyang nararamdaman?

Sorry, mabilis pacing nitong story ko e. :>

Comment v(^^ Pretty please? :)

The Story Of Us ( Love Was Made For Us ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon