Chapter 12

557 11 2
                                    

Dedicated po ito sa lahat ng sumusubaybay ng TSOU. :) Sana po hanggang sa huli e andyan pa din kayo! GODBLESS to all! :) v(^^

CHAPTER 12

It's been a month? I guess. Inaya ako last week ng bestfriend ko gumala. Naiinip na din naman ako. Sa MOA lang kami nagpunta kasama ng bunso niyang kapatid.

Si Quinn kaya? Kamusta? Ano na kayang ginagawa nun? Hay.

Malapit na din pala birthday ko. Alam niya kaya? O kung alam niya man, maalala niya kaya?

Masaya naman sa review kahit papano. Kasama ko barkada ko e. Isa pa yung pinakaclose namin na prof sa school nun e siya din isa sa may-ari ng pinagrereviehan namin kaya medyo komportable.

Isang buwan at kalahati pa bago magboard exam. Goodluck na lang samin.

Si Ben kaya? Kamusta? San kaya siya nagrereview ngayon? Hmmm. Hay. Namimiss ko na siya. Miss na miss ko na siya.

Naalala ko sa review namin sa school, pinasahan niya ko ng isang maliit na papel na may nakasulat ng "I miss you".

-----

"Goodmorning baby, Happy birthday! I love you and I miss you so much!" Txt ko kay Santana

Miss na miss na miss ko na siya. Masyado yata siyang busy sa review nila. Huling pagkikita namin ay yung concert pa. Hay. Ok lang. Review naman e. Mas gusto kong magfocus siya dun.

Susurpresahin ko siya sa kanila. Sana andun siya. May review kaya siya? Bibilhan ko pa siya ng gift. Ano kayang pwede?

To Tatz

"Tatz, nu pwede gift? Bday ni Tana ngayon e."

From Tatz

"Necklace? bracelet? ewan ko. Kaw na bahala. Kung ano maisip mo."

Ayan. Matinong kausap yang Tatz na yan. Siya lang nakakalam na may relasyon kami ni Tana. Pinakaclose ko kasi sa barkada yan e. Lam ko maiintindihan niya ko. Alam ko din naman na nagkaroon siya ng relasyon sa isang butch e.

Alos dos. Umalis na ko ng bahay at nagpunta sa pinakamalapit na mall samin.

Paikot ikot ako hanggang bumalik sa unang bilihan ng jewelry.

"Miss nu pwede pangregalo, babae."

"Ah eto na lang po, bracelet."

"Parang ang laki? Payat lang yun e."

"Ah iaadjust na lang natin."

"Ah sige, yan na lang."

Pagkatapos niya iadjust yun ay nagbayad at umalis na ko. Dumiretso na ko sa bahay nila Tana.

"Hi nay, si tana?" Bati ko kay inay at mano

"Nasa review pa." Singit ni Ate, andito pala kapatid niya ngayon. Bakasyon na ata sa school ng anak kaya umuwi dito.

"Ah ano oras uwi?"

"Di ko alam e.. Musta?"

"Ok lang, ikaw? Kelan pa kayo dito?"

"Kahapon lang."

"Ah, san na pasalubong ko?"

"Haha, dapat ikaw may pasalubong e."

Close din kami niyan ni Ate. Pareho ata kaming isip bata e. Hehe.

"San nga?" At may inabot siya sakin dalawang balot na makapuno.

"Salamat. (^_^)"

Nagkwentuhan lang kami maghapon habang inaantay si Tana.

-----

"Happy birthday!"

Bati sakin ng mga barkada ko. Pauwi na din kami. Nagcelebrate lang kami dito sa room ng nireviehan namin.

"Thanks ulit mga te!"

Umuwi na din kami dahil gabi na. Nakakapagod pero masaya.

Pagbukas ko ng pinto sa bahay, nagulat ako. Si Quinn nandito.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa tanong ko.

"Wala, napadaan lang." Sabi niya lang na parang pilit pang ngumiti. "Happy birthday pala" Dagdag niya pa

Nginitian ko siya. "Salamat."

"Oh san galing yan?" Tanong ni mama. May uwi kasi akong isang box ng cake at 2 lobo kasama ng mga regalo ng mga barkada ko.

"Kela JJ ma." Tipid kong sagot. Umupo din ako agad dahil sa pagod. Katabi ko si Quinn.

Maya-Maya may inabot siya sakin. Isang box. "Ano to?" Tanong ko sa kanya. "Buksan mo." Sagot naman niya. "Sige mamaya na lang." May binigay pa siya sakin na isang folder. Binuksan ko yun. May Picture ko. May mga sticky note sa gilid na may mga nakasulat.

This girl never failed to make me feel that I'm really special to her. Hay. Mukha bang hindi ko naaappreciate ginagawa niya?

"Thank you." Sabi ko na lang.

Bigla siyang tumayo. "Uuwi na po ako nay, te. Sabay tingin sakin. Bye." Nagulat ako.

"Oh kaen ka muna." Sabi ni ate.

"Busog pa ko te. Kanina pa tayo nagmemeryenda e." Sabi niya at muling nagpaalam. Tinanguan ko na lang siya at lumabas na siya.

-----

Nagpaalam na ko. Naninikip yung dibdib ko. Naguguluhan ako. Halos isang buwan din ata kaming hindi nagkita tapos ganun pa siya makitungo sakin?

Nagulat pa ko sa tinanong niya. Bakit daw ako andun? Hah! Grabe lang. Hindi ba ko pwede pumunta sa kanila? Girlfriend niya ko tas ganun? O baka ako na lang nagsasabi na mag-girlfriend pa kami?

Ang sakit naman! Mahal na mahal ko siya pero parang napapagod naman akong mahalin siya.

Mahal pa ba niya ko?

Minahal niya ba ko?

Parang gusto ko na lang muna magpahinga. Pero hindi ko siya bibitawan! Hindi!

.

.

.

.

.

Kawawang Quinn. -_-

Hahaha! Nafeel mo ba si Quinn? Eh si Tana? Kung Oo, feel free to VOTE and COMMENT! :)

Keep reading guys! Godbless. :)

The Story Of Us ( Love Was Made For Us ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon