Chapter 8

642 12 1
                                    

CHAPTER 8

"Happy 1st monthsary baby!!!"

Bungad sakin ni Quinn., excited talaga tong babae na to e! Hehe pupunta kami sa Intramuros ngayon at maaga lang siyang nakapunta dito. Hindi pa nga ako nakakaligo.

"Sssh, wag ka nga maingay, marinig ka nila mama e." Sabi ko sa kanya binigyan ko lang siya ng mabilis na kiss sa lips.

"San ba sila?" Tanong niya sakin.

"Nasa taas, nagsasampay, hehehe. Naglunch ka na?"

"Yup, bat hindi ka pa nakaayos?"

"Eh maaga pa naman e, eto na nga at maliligo na nadating ka lang." Palusot ko naman.

"Tsk, talaga to oh, sige na maligo ka na, antayin kita.."

Pumasok na din ako ng banyo at nagsimula ng maligo. Maya-maya lang, nakarinig ako ng maingay sa bubong.

-----

Sht. Sabi na e. Ang dilim ng langit. Umuulan na tuloy. -_- Pano ko pa siya madadala sa pinagtatambayan ko sa Intramuros. Panira naman oh.

"Q.."

Si inay, nagmamong ako sa kanya at tinulungan siya na mag-alis ng sampay.

"Grabe, ang lakas po ng ulan."

"Oo nga e, de hindi na kayo niyan matutuloy? Tapos nasabay pa sa pagsasampay ko." Sabi sakin ni inay

"Siguro nga ho. Baka dito na lang kami at manuod." Tugon ko naman.

Maya-maya lumabas na ng banyo si Tana. Sinenyasan niya ko na pumanik na.

"Nay, akyat na po muna ako." Paalam ko sa mama ni Tana. Simula ng maging close kami ng mama niya at Inay na ang madalas kong tinatawag sa kanya. Komportable naman e. Kahit gusto niya ay mama o tita na lang pero hindi ako sanay.

Nakasunod na din sa akin si Tana.

"By, pano yan? Di na tayo makakaalis. Bat bigla naman kasi umulan e." Tanong niya sakin at bakas sa kanya ang inis

"Oo nga e, hayaan mo next time na lang. Ahm? Nuod na lang tayo movie?"

"Sige, Saw na lang yung bagong labas."

Nanuod na lang kami maghapon at nagfoodtrip. Kahit di kami natuloy at naging masaya naman ang unang buwan ng aming pag-iibigan. Dahil sa nakikita ko naman na masaya siya at dahil sa kasama ko siya.

-----

Masaya ko sa naging unang buwan namin ni Q, but at the same time.. I miss Him. I miss Ben. I miss my EX!

May communication pa din kami ng Ex ko at hindi alam ni Q yun. Hindi ko alam kung anong mangyayare pag nalaman niya. Ito yung ayoko e, yung alam kong masasaktan ko siya. Ayoko siyang masaktan pero hindi ko pa din ma-Let go yung feelings ko with Ben, my ex.

*Flashback

*Beep

Ben

"Hi Quiin.. I miss you.. Kamusta ka na? Mahal na mahal na mahal pa din kita.. Please come back to me.."

Gusto ko siyang replyn na mahal na mahal ko pa din siya. Na gusto kong bumalik sa kanya. Na miss na miss ko na din siya. Pero hindi na pwede dahil kay Quiin.

"Mahal pa din kita ben, pero sorry, hindi ko pa kaya e. Masakit pa e."

*End Of Flashback

Marami pa kaming pinagusapan, puro ganun at ganun lang. Nakakapagod mag-isip. Napapagod ako. Gusto ko si Quinn na lang ang pagtuunan at paglaanan ng nararamdaman ko. Pero mahirap pa din pala.

-------

Ang dalang naman niyang magtext ngayon? Hay. Busy ba siya? Magkichristmas break na naman ah! Pupuntahan ko na lang siya mamaya.

To: Baby

"Hi baby tana ko, turuan mo naman ako mag-guitar oh? Puntahan kita mamaya ha? I love you.."

Ilang minuto din akong nag-antay ng reply niya pero wala talaga. Hays! Makaligo na nga at makapunta sa kanila.

*

"Nay, hello! Si tana po?" Tanong ko kay inay pagkapasok ko sa bahay nila.

"Kakaakyat lang, bakit? Aalis yun ngayon e." Nagulat ako sa sinabi ni inay. Aalis? E wala naman siyang nasasabi sakin.

"Ah papaturo sana ko mag-gitara e. Aalis pala siya, akyatin ko na lang muna nay."

"Oh sige.."

Pagbukas ko ng pinto, nagulat siya.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin

"Bakit hindi ka man lang nagtetext? Hindi mo man lang sinabi na may lakad ka pala." Sabi ko sa kanya na mahinahon kahit parang nanghihina na ko.

Tahimik lang siya. Kinuha lang niya yung cellphone niya at nagtext. Nasasaktan ako! Tangna! Harap harapang deadma!

"Sige uuwi na ko."

At inabot ko lang yung papel na maliit at nakatupi. Pag hindi pa ko umalis dito, hindi ko na mapipigilan pa ang gustong bumagsak na luha ko.

-----

Nag-aayos na ko. Christmas party kasi namin ng barkada ko. Namiss ko sila! Hay. Si Quinn, ilang araw na din na madalang ko siyang nirereplyn sa mga text niya. Ewan ko ba. Ang hirap e, parang niloloko ko lang siya sa ginagawa ko. Pero alam ko mahal ko siya. Mahal ko na din naman siya.

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Si Quinn!

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Bakit hindi ka man lang nagtetext? Hindi mo man lang sinabi na may lakad ka pala." Sabi niya sakin. Halata sa kanya na nalulungkot siya. At.. Nasasaktan?

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya kinuha ko na lang yung cellphone ko at nireplyn yung barkada ko.

"Sige uuwi na ko."

Narinig kong paalam niya at inabot yung papel na maliit at nakatupi. Tumalikod siya at dali daling bumaba.

Nasasaktan ko siya. Alam ko. Binuksan ko ang papel at binasa iyon.

"Baby, mahal kita. Kung may mga bagay na gumugulo pa sa isipan mo, I'll give you time and space."

.

.

.

.

.

Sorry, ang panget ng update ko! -_- Feeling hurt and exhausted si author ngayon.

Kung sinusubaybayan mo ang story ko at kahit papano natutuwa ka,

Pls, Be FAN.

COMMENT and VOTE.

Comment na nakakadismaya o nakakatuwa ok lang. Just need your opinion guys.

THANK YOU! :)

The Story Of Us ( Love Was Made For Us ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon