Chapter 24

392 4 2
                                    

CHAPTER 24

Weeks had passed! Nandito ako ngayon sa bahay nila Tana. Magbebake kasi siya ng cookies and Tutulungan ko siya. Medyo hindi pa din kami ok, pero ginagawa ko lahat para bumalik sa dati.

Umalis sila Inay kasi pupunta sa probinsya para tignan yung palay nila. Kaming dalawa lang ni Tana ang naiwan. Mamaya pa din naman uuwi na ang Papa niya.

Nag-umpisa na kaming magbake. Medyo tahimik lang. Pero kahit papano pag nakapagkwentuhan ay nagtatawanan na kami. Madae na din kami nagagawa. May sunog, may hilaw, may maalat. Malapit na din maubos yung hinalo namin. Papalapit naman ako ng papalapit sa upuan niya. Gustong gusto ko siyang yakapin. Sobrang namimiss ko na kasi siya.

Yung huli na ang isasalang namin, bigla ko siyang hinarap sakin. Tinitigan ko siya sandali at dahan dahan kong inangkin ang mga labi niya. Sobra kong namiss ang malambot niyang labi. Itinayo ko siya sa upuan at hinapit ko ang katawan niya papalapit sakin. Sa una'y dahan dahan na halik ngunit ng tumagal ay naging mapusok na. Dinadama muli ng mga kamay ko ang lambot ng kanyang katawan. Sobra ko siyang namiss. Maya maya banayad na muli ang halik na iyon. Dinadama ang bawat sandali.

*Tinngggg

Nahinto kami dahil sa tunog ng microwave. Bigla siyang naiyak, at nagulat ako. Niyakap ko siya. At binulong ko ang salitang sorry, at the same time sinabi ko din sa kanya na mahal ko siya.

*

Maayos na ulit ang takbo ng review ko. Umokey na ko kahit papano. Napanatag na din ako dahil wala na talaga kaming contact dun sa babae na yun!

Lumipas yung isang buwan. Nasa bahay na ko at katext ko lang si Tana. Ewan ko, parang may kakaiba. Nag-open na lang ako ng Facebook. Puro post nung Maxx na yun ang nababasa ko sa FB ni Tana. Kainis. Nag-open ako ng Instagram ko. May nakita kong post ni Tana. Kinutuban ako. Bigla naman siyang nagtext sakin.

"BEE, kahit anong mangyare nandito pa din ako ha? Baka kasi layuan mo ko e. Walang magbabago satin." Txt niya sakin

"Opo naman. Hindi kita iiwan. Mahal kita e."

"BEE, sinagot ko na si Maxx." Pagkabasa ko nito, parang biglang huminto yung mundo ko. Parang biglang nag-init yung buong katawan at mukha ko. Hindi agad ako nakapagreply. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong ireply.

"Wow! Congrats!" Ito na lang yung nareply ko sa kanya. May text pa siya sakin pero parang hindi ko na maintidihan.

Nakita ko yung post niya sa Instagram. Kaya pala ganun. Nakita ko pa yung comment ng Maxx na yun. "Thank you love for giving me this chance." WTF!

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobra! Hindi ko alam kung naiiyak ba ko O kung ano ba yung nararamdaman ko. Hindi ko na nireplyn si Tana. Tinignan ko na lang yung mga post niya. Yung pakikipagvideo call niya sa Guy na yun. Sht. Ang hirap. Inalis ko na lahat. Humiga lang ako. Nagsoundtrip. Gusto ko ng kapayapaan. Hanggang sa naramdaman ko na naiyak na pala ko.

*

Ilang araw na din simula nung naging sila na. Hindi ko na siya masyadong kinakausap o tintext. Ewan ko, bigla na lang na ganun e. Ayoko siyang makausap, makatext at makita. Masasaktan lang ako lalo. Hanggang sa makahanap ako ng bagong friend sa Facebook. He's Mark, 26 years old. Mga 5'6 and maputi. Call center agent, IT Graduate. Ang bait niya nga e, ang bilis makagaangan ng loob hanggang sa magdecide na kami ng magmeet.

Nagmeet kami halfway. And then dumeretso kami sa Boarding house na tinutuluyan niya. Still, stranger pa din siya sakin pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Tinanong niya ako kung nagugutom na ko.

"Q, gutom ka na ba? Gusto mo kumain?" Tanong niya sakin

"Ahm, hindi pa naman masyado pero gusto ko kumain ng mga inihaw." Sagot ko sa kanya

At inaya niya kong lumabas para mapuntahan yung may inihawan. Mura lang naman at masarap din. Ang dami naming biniling isaw. Tapos pagbalik sa Boarding house niya, pinagalaw naman niya sakin yung laptop niya at tumingin daw ako ng pwede namin panuodin. Nakita ko yung Resident Evil Retribution at yun na lang ang pinanuod namin. Nagkekwentuhan na lang din kami habang nanunuod at kumakain.

Habang nanunuod, naramdaman kong nakatingin siya sakin kaya tinignan ko siya, pagkatingin ko sa kanya ay nginitian niya ko at namalayan ko na lang na sakop ng labi niya ang labi ko. Nagulat ako at nadala na din. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa loob ng damit ko. At ganun din ang ginagawa ng kamay ko sa kanya. Hindi malaki ang katawan niya, pero kahit papano ay maganda ang dibdib nito. Nararamdaman ko ang kamay niya ay bumaba sa short ko. Nagulat ako at naitulak siya.

"Pasensya na." Sabi niya

"Ok lang."

Tinapos na namin ang pinapanuod namin at pagkatapos nun ay nagpaalam na kong umuwi. Hinatid niya ako sa sakayan ng Jeep.

Pagkauwe ko ay naglinis agad ako ng sarili at humiga na. Nakakapagod ang araw na to pero masaya naman. Kahit papano ay nawala sa isip ko si Tana. Sana si Marky na lang.

.

.

.

.

.

Tuluyan na bang mawawala si Santana sa buhay ni Quinn?

Ano ang magiging papel ni Marky sa buhay ni Quinn?

ABANGAN!

Grabe, ang hirap humiling sa mambabasa ko. -_- Panget ba yung story kaya walang naglalike? -_-

Salamat sa mga tagasubaybay. Matatapos na po ito. Ilang Chapter na lang. :)

Sa mga naguguluhan, nalilito. Pwede po kayong magtanong. :)

The Story Of Us ( Love Was Made For Us ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon