Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ka kilala ng tatay mo?"

"He almost killed my mother when she told him she was pregnant I am not that dumb to tell him I am alive. Ang buhay ko ay kasawian niya." Ngumisi lang ito. "Don't worry I am not on his side so you are safe with me." Napatingin lang siya dito.

"Ilang taon ka na?"

"We are of the same age mas matanda lang ako ng ilang buwan keysa sa iyo." He motioned her to follow him somewhere so she did, magaan ang loob niya dito, siguro dahil na rin sa sinabi nitong pinsan sila and she can see their resemblance. "Nandito si tanda kakausapin ka muna niya kung ako sa iyo mas mabuti pang sumang-ayon ka nalang sa kung anuman ang plano niya para sa ikakaligtas ng buhay mo." Suhestiyon nito.

"Anuman ang plano niya wala akong kinalaman sa pamilya niya."

"You are already a part of the family Monica." He said boredly as he opened the door. "Tanda nandito na ang isang apo mo." Sigaw nito na para bang nasa palengke ito. Napakunot lang ang noo niya kung hindi sa similarities nila sa hitsura hindi niya iisipin na magkadugo nga silang dalawa ni Forrest masyadong malayo ang ugali nila sa isa't isa.

Napatingin siya sa isang pigurang nasa unahan nila, nakasuot ang taong iyon ng asul na yukata isang tradisyonal na kasuotan ng mga Hapon. Humarap sa kanila ang taong iyon at kahit hindi pa ipakilala ay mukhang kilala na niya agad ito. "Monica hime."

"I am not a princess." Angil agad niya kahit na nakangiti ito sa kanya ay may pakiramdam siyang hindi maganda. Feeling kasi niya ay may masamang plano ito sa kanya and unconsciously she stepped back pero nakaharang si Forrest sa likuran niya kaya hindi siya agad nakalayo.

"Ikaw ang nag-iisang anak ng aking unica hija at dahil wala na siya ikaw ang papalit sa puwesto niya." Hindi niya gusto ang paraan ng pagsasalita nito.

"Pasensya na po kayo sir mukhang mali po kayo ng taong nadampot-."

"Hindi mo maikakaila na apo kita Monica Garcia, ikaw ay isang Tadashi tandaan mo iyan."

She glared at the old man. "I was born a Garcia and would die one, kung hindi sa inyo hindi mamamatay ang mga magulang ko."

Tumitig lang sa kanya ang matandang lalaki wala siyang bakas na nababasa sa mukha nito, she is like looking herself. "You don't know the story grandchild."

"Beat me."

"Kung anuman ang alam mo ay hindi nakakalahati sa totoong nangyari ng mga panahon na iyon. Hindi moa lam kung bakit umalis ang mga magulang mo at itatanong ko sa iyo hanggang saan ba ang alam mo?" hindi siya makasagot sa tanong nito dahil sa totoo lang wala din siyang alam sa kung ano ang nangyari. She can't ask Hexel because she knew she had a reason for that but she was told before by her cousin a short tale about her parents tragic love story.

"Hinadlangan niyo sila."

"Maaari, hinadlangan ko silang dalawa para sa ikakabuti nila. Kung may dapat kang katakutan hindi kami o ang pamilya ng nanay mo dahil wala kaming ginawang masama. Mas matakot ka sa pamilya ng tatay mo dahil sila ang totoong may kasalanan."

Umiling siya sa sinabi nito. "Walang ginawang masama ang pamilya ng tatay ko, itinago nila sa akin ang totoo pero alam kong may rason sila. Sinabi sa akin ni lola bago siya namatay, hindi man lahat pero sinabi niyang kayo ang may kasalanan. You and your selfish needs and deeds." She said venomously.

Tumawa lang ang matanda. "Talagang nabrainwash ka na nila," bigla itong naging seryoso. "Hindi kita pipilitin na maniwala sa akin ngayon pero darating din ang oras na ako ang tatakbuhan mo para sa mga kasagutan sa mga tanong mo. Ako ang may hawak ng katotohanan at binabalaan na kita Monica mag-ingat ka sa pinsan mo, mag-ingat ka sa babaeng iyon dahil siya ang magdadala ng ikakapahamak mo at hindi kami." May gusto sana niyang sabihin para protektahan si Hexel pero wala siyang masabi dahil kahit pinsan niya si Hexel. "Dala niya ang pangalan ng iyon ina pero magkaibang-magkaiba ang ugali niya kay Hikaru be careful."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon