Pagkarating ko sa school agad akong nag-park at pumunta sa classroom. Nakasalubong ko si Ms. Dani pero hindi nya ako pinansin dahil may kausap sa sya phone at mukhang beast mode pa. Nakitbitbalikat na lang ako. Pumasok ako sa loob ng classroom at busy ang buong klase sa pinaggagawa nila.

"Buti naman at dumating ka na." napatingin ako sa gilid ko at yumuko.

"Ikaw pala president hindi kita nakita ah." ngising sabi ko. Ang liit nya kasi, parang hindi college sa height nya. Tulog ata 'to nung nagpaulan ng katangkaran ang kalangitan eh.

Natawa sila Gia kaya napikon si president at hinampas ako sa braso na sya naman na ikaaray ko dahil sa sobrang lakas ng palo nya. Nakalimutan kong volleyball player pala itong maliit na 'to. Astig 'no? sa liit nyang yan volleyball player? mataas kasi tumalon eh.

"Tumulong ka na lang nang matuwa tuwa ako sayo." sabi nya sabay walk out. Ako naman nilapitan ko sila Gia na nagde-decorate ng classroom. Pero bago ako makalapit sa kanila hinarangan ako ng kaklase naming bakla, tinaasan ko sya ng kilay sa paghaharang nya sakin.

"Tutal wala ka naman naitutulong sa booth na 'to. Ito." hinawakan nya ang kamay ko at binigay ang hawak nyang damit.

"Ano 'to?" kunot ang noo kong tanong sa kanya. Inirapan nya ako ng sobrang arte.

"Malamang damit, duh?" napapoker face ako sa kaartehan ng boses nya.

"What I mean is, aanuhin ko ito?"

"Isa ka sa magiging waiter sa booth na 'to" napanganga ako. Waiter?!

"What?! Boys Cafe 'tong booth na 'to so dapat mga lalaki lang yung magwai-waiter dito at hindi naman ako lalaki." balak ba nilang tuluyan akong maging lalaki? lalaki na nga yung role ko sa play namin tapos lalaki pa ako sa booth na 'to. Babae ako hindi lalaki!

"I know but five boys lang ang meron tayo dito, natural kukulangin tayo kaya ikaw at iba pang girls magwai-waiter at masusuot ng boys outfit. Oh 'di ba bongga!" anong bongga don? sapakin ko kaya 'to, dinadamay pa ako sa kalokohan nya. "At tsaka 'di ba lalaki na din naman ang gaganapin mo sa play ninyo? so hindi ka na mahihirapan mag-change outfit kapag nag-umpisa na ang play ninyo." sabi nya pa.

"Kahit na, wag ako. Iba na lang" sabi ko at binalik sa kanya yung damit pero lumayo sya kaya naiwan sa kamay ko yung damit.

"Na ah! wala ka naman na itulong at naiambag sa booth na 'to so you better do it." sabi nya at malanding naglakad paalis. Ang landi talaga.

"Pfft! isa ka sa magiging waiter? sadlife!" natatawang sabi ni Fin. Sinamaan ko sya ng tingin. 

"Bakit kasi Boys Cafe pa 'tong ginawang booth kung limang boys lang naman ang meron sa section na ito." angal ko.

"Yung bakla ng suggest eh, alam na." sabi ni Gia. Napabuntong hininga ako.

"Pero may kalokohan yung pres natin. May pa-promo syang gagawin  sa booth." napatingin kami kay Jade.

"Ano naman yon?"

"May limang taong may chance na mapa-VIP dito. Libre food at may chance na makasama ang waiter na gusto nyang makasama pero five percent lang ang posibilidad na mangyari yon dahil limang papel lang na nakasulat na panalo the rest puro talo na." paliwanag nya.

"May bayad ba yon? libre yung food tapos pwede syang mamili kung sino ang makakasama nyang waiter." sabi ni Gia.

"Syempre naman may bayad. Bente pesos lang." napatingin kaming lahat kay president na nasa likod pala namin.

"What? ang barat naman non.  Paano naman yung napiling waiter? wala bang sweldo yon? unfair naman na bigla na lang kami piliin ng kung sino manalo na walang permiso samin." sabi ko. Magsasayang lang ako ng oras non kung sakaling mapili ako ng manalo.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon