HOKAGE- The Beginning

540 12 1
                                    

Kindergarten- Sometime in June 1995

"Class, quiet na! Tapos na ang recess, di ba? Behave naman kayo mga anak please. Maupo na ang lahat. Ang hindi mauupo walang star mamaya." Our teacher said.

Naupo naman ang lahat...lahat maliban na lamang sa kanya. Nakatayo lang siya sa isang sulok sa likod ng classroom. Bitbit niya ang lunchbox na hugis school bus at may gulong pa.

"Enzo, please take your seat na baby. Sige na para mabigyan kita ng star mamaya." Baling ni teacher sa kanya.

"Teacher nagla-lie naman kayo e." Nakanguso pa ito at pinaglalaruan ang gulong sa lunchbox niya.

"Why baby? Hindi naman ako nagsisinungaling sa'yo a. Magbibigay talaga ako ng star sa mga pupils ko na nagbe-behave. Ayaw mo bang magkaroon ng star?" Nakangiting sabi ni teacher.

"Eh teacher, di ba yung star nasa up above the world so high? Kinakanta po natin lagi yun di ba? Nakalimutan nyo po ba? Tsaka sa night lang yun nakikita e. Pa'no mo yun ibibigay sa amin ng mga classmates ko? Eh, hindi nga yun abot ng papa ko eh. Mas matangkad pa c papa sa inyo teacher e." Tumingala siya habang kausap si teacher. Mamula mula ang mukha niya at namimilog pa ang mga mata niya habang nagsasalita.

Napakamot naman ng ulo si teacher. Nangingiti siya kay Enzo. Wais na bata kasi.

"Baby, yung star na ibibigay ko, sticker lang yun. Color gold siya. 'Pag good boy or good girl, bibigyan ni teacher ng star. 'Pag ang bata maraming maraming star ibig sabihin nagbehave siya. Very good yung pupil na yun. Pag mag end na ang school, bibigyan ko ng medal yung may pinakamaraming naipon na star. Ikaw Enzo, gusto mo ba ng medal?"

"Ah, sticker lang pala. Hindi niyo naman po kasi nilinaw teacher e. Syempre teacher gusto ko ng medal. Gusto ko gold din para ibebenta ko siya tapos magiging mayaman na mayaman na kami." Nakangiting sabi nito.

"Upo na po ako teacher ha." Dugtong pa niya na tila tuwang tuwa.

"Sige baby. Tapos get mo yung pad paper mo tsaka pencil mo ha. Magsusulat si teacher sa blackboard. I-copy mo ha."

"Okay po teacher." Naglakad na agad ito pabalik sa upuan.

Si teacher naman ay pumunta na sa harap ng class. Kumuha siya ng chalk para magsulat na pero bago yun hinarap niya muna ang mga bata para bigyan ng instructions.

"Okay class, pakikuha ng papel ninyo at tsaka pencil." Mabilis naman na tumalima ang mga bata. Nung makita niyang ready na ang lahat saka siya nagsalita ulit.

"Magsusulat si teacher sa blackboard ha. Eto yung assignment niyo para bukas. Ang isusulat ko naman ngayon ay yung numbers 6-10. Gaya kahapon, gusto ko punuin ninyo yung isang sheet ng papel ng numbers 6-10. Copy ninyo yung nasa blackboard ha. Quiet lang kayo habang nagka-copy ha. Naiintindihan niyo ba si teacher?"

"Opo!" Sabay sabay naman na sagot ng mga bata.

Maya-maya pa...

"Teacher! Teacher!" Sabi ni Andrew, kaklase namin na katabi niya sa upuan. Nakataas pa ang kanang kamay nito. Binalingan naman siya ni teacher.

"Andrew, baby, di ba sabi ni teacher quiet lang habang nagka-copy?" Kakamot kamot naman ng batok si Andrew.

"Ano ba yon baby?" Tanong na lang ni teacher. Baka kasi naiihi na ito o napu-poopoo. Nilapitan na lang rin siya ni teacher para tingnan kung may problema.

"Nawi-weewee ka ba baby?" Tanong ni teacher sa kanya. Kakamot kamot ulit si Andrew ng batok niya pero sumagot na rin siya sa tanong sa kanya.

"Hindi po yun teacher." Sabi ni Andrew.

"Pu-poopoo ka?" Tanong ulit ni teacher. Narinig naman yun ng iba pang mga bata kung kaya't nagtawanan sila. Iyong iba kinantiyawan pa si Andrew.

"Hindi ah!" Maagap na sagot ni Andrew. Inirapan pa nito ang nagtatawanang mga kaklase.

"Bakit teacher, pag nagtaas ba kami ng kamay wi-weewee at pu-poopoo lang ba?" Isa pa talaga 'tong si Andrew e. Kaya magkasundo sila ni Enzo. Napailing na lang si teacher.

"Ai sorry naman baby. Oh, ano ba talaga ang problema?" Malumanay na tanong ni teacher.

"Eh, kasi teacher, tingnan niyo po yung papel ni Enzo. May butas." Sabi niya sabay turo ng papel ng katabi. Napatingin naman si Enzo kay teacher tapos bumaling siya kay Andrew at nagkibit balikat.

"Wag ka nga jan Andrew! Wala namang mali sa ginawa ko a. Ikaw nga diyan ang hindi sumusunod sa instruction ni teacher e." Sabi nito tapos ay itinuloy na rin niya ang pagsusulat.

Nangunot ang noo ni teacher nung makita ang papel ni Enzo. Yumuko pa sya para mas malinaw na makita ang papel nito.

"Ahm, baby, bakit may mga butas ang papel mo?" Nagtatakang tanong ni teacher sa kanya.

"Naku naman teacher. Ang bata niyo pa po ulyanin na kayo." Sabi ni Enzo sabay iiling iling na parang hindi makapaniwala.

"Ha? Ano ba sabi ko?" Napakamot na ng ulo si teacher.

"Hay naku teacher! Sabi niyo po na i-copy namin kung ano ang nasa board."

"Oh, e bakit mo naman binutasan yung papel mo?" Hindi kasi ma-connect ni teacher ang rason kung bakit binutasan ni Enzo ang papel niya.

"Eh teacher, tingnan mo po kasi ang blackboard. Di po ba may butas siya. Ni-copy ko lang po." Proud pa na turan nito. Natawa naman ang buong klase. Nandoon na kasi sa kanila ang buong atensyon. Na-curious din siguro ang ibang mga bata.

"Teacher bigyan niyo po ako ng plus one na star ha. Ako lang po ang nagfollow ng instruction niyo." Hindi na napigilan ni teacher ang sarili. Tumawa siya ng tumawa. Halos maluha-luha na siya. Maya-maya pa ay nahimasmasan si teacher.

"Enzo, yung ni-write lang ni teacher ang i-copy mo. Hindi yung buong board ha. Huwag mo na ulit butasan yang papel mo ha. Sige huwag ka na umulit. Okay nalang sa akin yan. Basta sa susunod wala nang butas sa papel ha." Pigil ang ngiting saad ni teacher.

"Di nyo naman po kasi nililinaw teacher." Nakangusong sambit nito.

Hokage Status: MALUPET

Ang Pinakamalupit Na HOKAGEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant