EPILOGUE

7.1K 208 33
                                    

Goodbye, Dasher and Alexandrite.

________

Blake

"Hoy, Dasher! Nakakairita ka na ah, ikaw nanaman manermon dito kay Blake!"

Kanina pa kasing tumatambay dito sa library tong asawa ko habang ako naman ay sinisermonan nanaman yung anak namin.

Blake Arturo Davis Taylor is the prince of Gemdelica. Our prince, hihihi. Sixteen years old na itong anak namin.

Sinisermonan ko lang naman siya dahil nagpaiyak nanaman ng prinsesa sa school for royalties.

"Sweetie, kahit anong panenermon ang ibigay mo sa batang yan, hindi titino yan." Natatawang sabi ni Dasher bago sinara yung librong binabasa niya at tumayo.

I crossed my arms. "Leche ka talaga, hindi titino yan kasi tinuturuan mo naman!"

Inakbayan ako ni Dasher. "Shempre, dapat like father like son."

Tumawa si Blake at nakipaghighfive kay Dasher.

"Tama ka, Dad," Tumigil sa pagtawa si Blake nang makitang masama ang tingin ko sa kanya. "joke lang, Ma. Sorry na, hindi ko na uulitin."

"Hay nako, Blake Arturo! How many times do I have to tell you? Hindi magandang paglaruan ang mga babae, lalo na't prinsipe ka, Blake! Don't follow your father, please." I rolled my eyes.

Humalakhak si Dasher. "Let him be, Alex. Malaki na yan."

Agad ko siyang hinampas sa dibdib. "Bad influence ka talaga."

"Ma, sorry na kasi," Sabi ni Blake sabay halik sa pisngi ko. "alis muna ako, Ma ha? Pupunta pa kami sa Falls."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi pwede! You're grounded!"

"Ma, hindi pwedeng magrounded ang mga prinsipe." He groaned.

"Anong hindi pwede?! Pwede! Sinong may sabi sayo niyan?!"

"Dad." Nginuso niya si Dasher na kanina pang nagpipigil ng tawa habang nakaakbay sakin.

Sinamaan ko ng tingin si Dasher. "Lagot ka sakin mamaya." Inis kong sabi.

"Ma, I really have to go. Bye, parents. Love you." Humalik na si Blake sa pisngi ko at nakipagfistbump kay Dasher bago umalis.

"Blake Arturo!" Sigaw ko pero huli na dahil nakatakbo na si Blake.

Humalakhak si Dasher. "Hay salamat, masosolo ko na sa wakas ang asawa ko." Sabi niya bago ako niyakap.

"No, let me go, you idiot!" Sabi ko sabay tulak sa kanya ng mahina. "ikaw talaga! Tatay ka ni Blake hindi teacher!"

"Alex, calm down. Nakalimutan mo na bang buntis ka?" Umirap siya.

"Of course not," Sabi ko sabay himas sa tiyan ko. "ano ako, shunga? Para kalimutang buntis ako?"

Dasher sighed. "Ang pilosopo naman nito." Bulong niya kaya di ko narinig.

Yup! I'm seven months pregnant at lalaki nanaman ang dinadala ko. Jusko, another pasaway nanaman ba this?

Nakaisip na rin kami ng pangalan para sa anak namin.

Cael Mateo Davis Taylor.

Si Blake ang nagsuggest nung 'Mateo' ni Cael, nakakatuwa kasi excited na siyang makita ang kapatid niya.

Nagdadasal nga ako na sana goodboy tong pangawala namin at sana hindi magmana sa tatay niyang pasaway.

I sighed bago umupo dun sa inuupuan niya kanina. "Gusto ko ring pumunta sa Falls."

My Dashing PrinceWhere stories live. Discover now