MDP EIGHT

4.5K 196 70
                                    

Girlfriend



"Dasher, I said move." Iritado kong sabi.



It's one am and this guy woke me up again. Ang likot likot niyang matulog! Nagising niya ako kaning ten pm tas ngayon nanaman.



He groaned before moving, pero leche, sobrang konte ng inusog.



Sa inis ko ay hinampas ko siya ng unan. Galit niyang binuksan ang kanyang mga mata at sinamaan ako ng tingin.



"What?!"



"Oh, tapos?! Ikaw pa tong galit?! Pre, twice mo na akong ginising dahil sobrang likot mo! Ako dapat yung magalit dito eh!" Sigaw ko.



"Calm down, woman! Mashado pang maaga pa para sumigaw ka!"



"Anong gusto mo?! Sigawan ka mamayang tanghali?! Leche, diyan ka na nga!" Sabi ko sabay tayo at naglakad papunta sa pinto.



"Alexandrite!" Sigaw niya nang nakalabas na ako sa kwarto niya.



Dali dali akong naglakad papunta sa bakanteng kwarto dito. Yung kwarto kung san dapat ako matutulog nung first visit ko dito. Buti nalang at alam ko kung san yon.



Nakahinga ako nang maluwag nang malamang bukas yung pinto. Agad akong pumasok at sinara yon. Naglakad ako papunta sa kama at humiga. Kinumutan ko ang sarili ko at pinikit ang mga mata ko.



Nagising ako nang may sumipa sa paa ko. Napadilat ako ng di oras, last time I checked wala akong katabi!



Napalingon ako agad sa tabi ko at nakita si Dasher na mahimbing na natutulog sa tabi ko. What the hell? Anong ginagawa ng lechugas na to dito?



Sa sobrang inis ko ay iniwan ko siya don. Hindi pa ba siya na kuntento sa kwarto niya? Hmp.



Kumuha na ako ng damit sa closet niya at pumasok sa banyo. Sinigurado ko talagang madaling masuot yung dress na to.



Nagshower ako dahil malamig yung tubig. Masarap din maligo kapag malamig yung tubig. Medyo mainit din kasi ang panahon.



Natapos akong magshower at agad kong tinuyo ang katawan ko at sinuot yung dress ko. Hanggang sa ankle lang yung dress ko. Nakita kong may blower sa may sink kaya napataas ang kilay ko. Si Dasher may blower? Oh shet.



Natawa ako habang nagbblower ng buhok. Naiimagine ko kasi si Dasher na nagbblower.



Nang matuyo na ang buhok ko ay nagsuklay ako at lumabas sa banyo. Napatalon ako sa gulat nang makita ko si Dasher sa may closet at may towel sa balikat niya.



"Goodmorning." Mariin niyang sabi habang nakasimangot.



I crossed my arms. "Bat mo ako sinundan don?"



"Bat mo ako iniwan?" Umirap siya.



"Ang arte mo, naligo lang naman ako." Sabi ko sabay upo sa kama niya.



"I'll take a shower, don't you dare leave." Mariin niyang sabi bago naglakad papunta sa banyo at pumasok.



Natawa ako nang mahina nang maisara niya na ang pinto. Nag-inat ako bago tumayo at lumabas sa kwarto niya. Hindi naman ako tatakas, maglalakad lakad lang ako.



Habang naglalakad ako papunta sa library, nakita kong naglalakad din si Ate Candace papunta dun. Napatingin siya sakin at agad namang ngumiti.



"Hey, Alexandrite."



"Hey, Ate Candace." I smiled.



Una siyang pumasok sa library at sumunod naman ako.

My Dashing PrinceWhere stories live. Discover now