MDP TWELVE

4.1K 164 55
                                    

Please po, wag kayong magreklamo kung hanggang chapter 15 lang to. Sinubukan ko namang pahabain yung story para umabot ng chapter 20 pero hindi na kasi talaga pwede, hindi na kaya ng story. Maiiba yung plot at magiging boring na yung story. May I remind you that this is a short story kaya hanggang chapter 15 lang. Dapat nga idedelete ko itong story na to kasi maikli lang pero dahil gustong gusto niyo ito, tinuloy ko nalang. Zzz.

PS: PLAY THE SONG PARA DAMANG DAMA.
______

One year later...

Inayos ko yung bulaklak na hawak ko pati na rin yung gown ko.

Inangat ko ang tingin ko at nakitang binuksan na yung pinto. Huminga ako ng malalim. Nagsimula nang magplay yung music at naglakad na si Mom at Dad. Sumunod naman si Kuya, nakangiti si Kuya sa mga camera habang naglalakad.

Tumingin ako dun sa nagbibigay ng cue, nung tumingin siya sakin at tumango, naglakad na ako papasok sa simbahan.

Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad ako, nakatingin din siya sakin. Seryoso siyang nakatingin sakin, ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya naman.

Lumiko na ako at tumayo dun sa pwesto ko at tumingin sa may entrance kung nasan ang kapatid ko.

Napakaganda ng wedding gown niya, bagay na bagay sa kanya. Inayos pa ng organizer yung gown niya sa likod.

Nagbigay na ng signal yung organizer at nagsimula na siyang maglakad papunta sa Altar. Maganda rin yung bouquet na hawak niya, shempre ako yung pumili.

Sumulyap ako kay Dasher na ngayon ay nakatingin kay Sapphire habang naglalakad siya. Tumulo ang luha ko habang pinapanuod silang dalawa.

Masakit. Hihi.

Nang makarating na si Sapphire sa Altar, sinalubong siya ni Dasher. Pinacling niya si Sapphire sa braso niya at tinulungan siya sa gown niya.

I bit my lip. Kaya mo to, Alexandrite. Choice mo to, harapin mo.

Nagsimula nang magsalita yung pari at nakinig na kami. Umupo na kami, nakatitig lang ako sa kanilang dalawa the whole ceremony.

Nang dumating na sa kissing part, bumilis ang tibok ng puso ko. Eto ang magiging first kiss nila.

Humarap na si Dasher kay Sapphire, inalis ni Dasher yung tela at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Sapphire.

Palihim kong pinunasan yung luha ko habang pinapanuod sila.

Nabigla ako nang halikan ni Dasher sa noo si Sapphire.

Oh, bat hindi sa labi? Nahihiya ka? Sanay ka nang humalik sa mga labi ng iba, diba?

Humarap na silang dalawa samin at pumalakpak na kami. Tumingin sakin si Dasher at nawala ang kanyang ngiti. Kumunot ang noo niya nang makita niya akong umiiyak.

Mahal kita, gago.

****

Tulala ako habang nakaupo ako dito sa upuan ng table namin. Nssa reception na kami, nagbibigay na ng speech si kuya sa kanilang dalawa. Ako ang susunod.

Bumalik ako sa realidad nang pumalakpak na sila at bumaba na si kuya sa stage. Tumayo na ako at nilapitan ako ni kuya, inalalayan niya ako sa gown ko.

"Are you okay, Alex?" Mahinang taong ni kuya sakin.

"Of course, Kuya." I faked a smile.

Inalalayan niya akong umakyat sa hagdan. Binigay na sakin yung microphone. Huminga ako ng malalim bago tinapat sa bibig ko yung mic.

"Uh, hello everyone. I'm Alexandrite, Sapphire's sister and Dasher's...sister-in-law," Ang sakit pakinggan. Fuck it. Humarap ako kina Dasher at Sapphire. "congrats and goodluck sa inyong dalawa, lagi niyong tatandaan na nandito lang kami kung may problema kayo. Sapphire, I'll miss you. Sa ibang palasyo ka na titira, sa sarili mong palasyo na. I love you so much, sister," My tears fell. "Dasher, please take care of my sister. Napakabait at napakacaring niyang tao. Alam kong maiinlove ka sa kanya araw araw kasi hindi naman siya mahirap mahalin eh. Ingatan mo siya please at wag na wag mo siyang sasaktan, ako ang papatay sayo kung sasaktan mo siya," I paused, natawa kasi ako sa sarili ko, tumawa din silang lahat. "yun lang, congrats ulit sa inyo." I smiled, binalik ko na yung microphone sa host.

Inalalayan ako nung host sa pagbaba. Dali dali akong naglakad papunta sa exit.

I need to breathe.

Dali dali akong pumunta dun sa corner dahil walang tao dun. I can cry there.

Sumandal ako sa pader at umiyak. Nilabas ko lahat. Nilabas ko yung sakit na nararamdaman ko ng isang taon. Isang taon akong nagtiis.

Ang sakit pala. Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko kaya ko maging manhid pero hindi pala.

"Alexandrite?"

Natigil ako sa paghinga nang marinig ko ang boses niya. Bat siya nandito?!

Tinakpan ko ang bibig ko para di ako makapagsalita.

"I can see your gown." Rinig kong sabi niya kaya agad agad kong tinago yung gown ko.

Lumitaw na sa gilid ko si Dasher at nung nakita ko ang nag-aalala niyang mukha ay naiyak ako.

Agad niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"D-Dasher, umalis ka dito." Sabi ko habang nakadikit pa rin ako sa dibdib niya.

"No, sabihin mo muna kung bat ka umiiyak."

"Wala! Natouch lang ako sa sarili kong speech." I bit my lip.

Nasasaktan na kasi ako.

"Are you sure?"

"Y-Yes," I sighed. Tinulak ko siya ng bahagya. "bumalik ka na don."

"Sumama ka sakin." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"H-Ha? Saan?"

"Away," He smiled. "mashadong maingay."

Hindi ko mapigilang mapangiti at maiyak at the same time. Ito yung exact words niya nung dinala niya ako sa balcony nung ball. Yung gabi kung kelan sinabi niyang ako ang sparkling princess niya.

Pinunasan niya ang luha ko at dinala sa balcony ng lugar na ito.

Sumandal siya sa parapet at tumitig sakin.

"Ayokong maging sister-in-law ka." Sabi niya bigla.

Natawa ako ng mahina. "Wala na tayong magagawa, sister-in-law mo na ako."

"I want you to be my wife."

"Dasher, please. Tama na."

"Alex, hindi ko pala kayang maikasal sa iba. I already imagined my life with you, hindi yung kasama ang iba." He looked away.

"Stop, please. You're married to my sister already, wag mo na akong isipin. Tanggalin mo na ako sa isip mo."

"I can't." Mariin niyang sabi.

"Dasher, you're making this hard for the both of us."

"Everything's hard in this world, Alex. Nothing is easy." Seryoso niyang sabi.

"I know," I sighed. "kaya wag mo nang pahirapan pa. Just stop, learn to love my sister."

"I can't! I love you, Alex! Ikaw lang!" Sigaw niya.

I love you too. "Stop." I cried.

"Alex," Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "do you love me too?"

Tumulo ang mga luha ko sa tanong niya. Umiling nalang ako.

"Say it." Mariin niyang sabi.

"I.."

"What, Alex? You what?"

"I..don't love you." I lied.

____

Short update.


My Dashing PrinceWhere stories live. Discover now