MDP FOURTEEN

5.3K 188 33
                                    

Wedding

"Alex, masasapak na talaga. Calm down, will you?" Sabi ni Mom habang inaayos yung tela sa likuran ng gown ko.

"Mother, what is calm down? Hoooooo! Hindi ko ata kayang kumalma! What if prank lang yon?! What if totoo pala talaga yung kasal ni Sapphire at Dasher?! What if--.."

Natigil ako nang kurutin ni Mom ang tagiliran ko, medyo napatalon ako sa sakit.

"Be quiet! Hindi totoo yang mga iniisip mo, kasabwat nga ako, diba?!" Iritadong sabi ni Mom.

"Pakshet naman kasi talaga to oh!" Pinaypayan ko ang sarili ko.

"Ewan ko sayo, anak," Sabi niya bago ako hinarap sa kanya. "okay, you're done. Alis na tayo."

"Ha? San tayo pupunta?" Wala sa sarili kong tanong.

She frowned. "To the church, of course! It's your wedding day."

"Oh, it is? Omg!!" Shinake shake ko ang mga kamay ko.

"You're crazy, Alex. Are you using drugs?!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Ata? Huhu, Mother, I don't know what's happening to me!"

Hinila niya na ako palabas sa kwarto ko, nagpaalam naman ako sa mga maids at kay Iza bago lumabas.

Pagkarating namin sa labas ng palasyo, inalalayan ako ng mga guards pababa sa hagdan at pinagbuksan kami ni Mom ng pinto.

Pagkapasok ko ay agad kong kinalabit si Mom.

"Mother, I have a question."

"What is it?" Nakasimangot niyang sabi habang inaayos yung bulaklak ko.

"What is 1+1?" I bit my lip.

What the hell, Alex?! What is wrong with you?

Sinamaan niya ako ng tingin bago ako hinampas sa hita. Ngumiwi naman ako.

"Seriously, Alexandrite Margaux?! One more stupid question at itatapon na talaga kita diyan sa tabi!"

"But Mother!" I pouted.

Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sakin. Ganito ba ako kabahan kapag ikakasal?

"A b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y and z, now I know my abc, next time won't you sing with me." Mahina kong kanta.

Baka kasi kapag narinig ako ni Mom ay hampasin nanaman ako sa hita.

Di nagtagal ay dumating na kami sa simbahan kaya napasigaw ako sa kaba at excitement.

Napatakip ng tenga si Mom. "Lechugas na batang to! Kanina ka pa ah! Diyan ka na nga, jusko!" Sabi niya bago bumaba sa kotse at binagsakan ako ng pinto.

"Mother! Bumalik ka dito! Ajujuju," Ngumuso ako. Nakita ko naman si Daphne, Sapphire at Travis na nag-uusap sa labas ng simbahan. Lumapit si Mom sa kanila at nakipagbeso. "Daphne!!!! Halika dito!!! Sapphire, Travis!!!! Help me!!!! I'm dying!!!!!"

Late ko nang narealize na pwede kong ibaba yung bintana ng kotse. Nang maibaba ko na yun, "Help me!!!!! I'm dying!!!! I need my Prince Dasher!!!"

Tumingin naman silang apat sakin.

"Buti naman at nakasurvive ka, Tita." Humalakhak si Daphne.

"Siguro kung ako yung kasama ni Xandy diyan sa loob, kanina ko pa yan sinapak." Natatawang sabi ni Travis.

Aba, sige. Mga gago kayo, pagnatapos na tong kasal, bibigwasan ko kayo.

Mayamaya pa ay lumabas na yung organizer sa kasal at sinabihan na sina Daphne, Travis, Sapphire at Mom na pumasok.

My Dashing PrinceWhere stories live. Discover now