MDP SEVEN

5.6K 226 65
                                    

Close



After three days..



"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Daphne.



Nag-igib kasi kami ng tubig para panligo tas heto, kinakarga namin yung timba. Tigdadalawa kami, medyo malayo pa naman yung pinag-igiban namin sa bahay.



I smiled at her. "Oo naman," I giggled. "pang-anim mo nang tanong yan, Daph."



She sighed. "Natatakot lang kasi ako, hindi ka sanay sa mga ganitong trabaho. Baka di kayanin ng katawan mo."



Binaba ko muna yung mga timba na hawak ko, sumunod din siya. Nag-init ako at nagrelax.



"I'm fine, Daph. Masasanay din ako, ako pa ba?" I smirked.



Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng mga tunog na galing sa mga royal guards. Dali dali kamin tumakbo papasok sa bahay. Iniwan na namin yung mga timba dahil matatagalan kami.



Agad namang sinara ni Daphne yung pinto at sumilip sa bintana. Nagtago ako sa may cabinet.



Ilang sandali pa ay nagsalita na siya.



"Wala na sila," She said. I sighed before walking towards her. "see, Alexandrite? Hindi ka nila titigilan kaya mas mabuti pang umuwi ka na."



Ngumuso ako. "Ayaw mo na ba akong magstay dito? Tinataboy mo na ba ako?"



Umirap siya bago tumawa. "Hindi naman sa ganon, Alexandrite. Mas mabuti kasi kung umuwi ka na para malayo ka na sa kapahamakan. Delikado ang buhay mo dito sa labas ng palasyo. Walang mga guwardya dito na kaya kang protektahan, hindi rin kita mapoprotektahan."



"May konteng knowledge naman ako sa pakikipaglaban lalo na kapag gamit ang sword." I giggled.



She giggled as well. "Wala naman akong sword dito, walis lang."



Tumawa ako bago lumabas para kunin ang mga timba.



****



"Alexandrite! Ayos lang ba kung sausages lang ang ulam natin? Wala pa kasi akong pera pambili ng ibang ulam eh." Sigaw ni Daphne mula sa kusina.



Nandito kasi ako sa labas, kinukuha yung sinampay ko.



"Yes, Daph! Ayos lang!" I yelled back.



Nakikitira na lang ako kaya dapat hindi ako choosy, tsaka sausages are yummy.



Pumasok na ako sa loob habang puno ang kamay ko ng damit. Pinagmasdan ko si Daphne na sumasayaw habang nagluluto ng lunch namin. Everytime I see her smiling and laughing, I always feel guilty. Nagguilty ako kasi siya lang yung nagttrabaho para magkapera siya at makabili ng pangangailangan namin. Gusto kong tulungan siya sa pagttrabaho pero hindi pwede. Makikilala nila ako.



I sighed before walking towards the sofa to fold our clothes. Buti nalang at nagkasya ang mga damit ni Daphne sakin.



Matapos kong magfold ay nilagay ko na yun sa cabinet namin. Sakto namang natapos na siya at nilalapag na ang sausages at kanin sa lamesa. Umupo na kami at nagdasal.



"Hala, sige! Kain!" She laughed before eating.



I laughed too.



Habang kumakain ako, naisip ko bigla kung anong mangyayari kay Daphne kung aalis na ako. Kapag darating na yung araw na nahanap na nila ako, alam ko namang mhahanap nila ako eh.

My Dashing PrinceWhere stories live. Discover now