Ang Pang-Tatlumput Pito

Magsimula sa umpisa
                                    

Of course, I'd stay. I will always stay, Ram. Para sa iyo. 

Ang hindi ko makuhang point ay ganoon siya magtanong, hindi, mang-akusa. Iyon ang tamang termino. Pakiramdam ko ay inaakusahan niya akong iiwan ko siya at iyon ay patalim sa aking puso. 

Ganoon na ba kababa ng tingin niya sa akin? Is that what he thinks of me when this 'us' comes to an end? Its insulting. 

Imbes na magsalita ay nagtiim-bagang ako sa kaniyang harapan. I harshly bit my lips for him to see. Pinantayan ni Ram ang aking mga tingin. If I hadn't known him, I wouldn't be able to see the solid wrath hidden in his cold glare. 

Ako na ang nag-iwas ng tingin at tumungong nabasag na pitsel. Dinampot ko ang walis at dustpan upang linisin iyon. 

Habang naglilinis ako ay nanatili akong tahimik at ganoon din si Ram. Busy ang aking mga kamay ngunit sa gilid ng aking mga mata ay nakamasid lamang sa akin si Ram, his brooding eyes not faltering, not even once. 

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan, but one thing's clear to me. Ram Donofrio is a mess right now. Katulad ko. 

Kagabi pa ako nagtitimpi pero hindi ko alam kung ano ang aking pinipigilan. Halu-halo na ang awa, sakit at galit na nararamdaman ko para sa lalaking ito.  

Ngunit kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko siya kayang pakawalan. No. We wouldn't break because of this. Nakuha niyang kitain ang iba habang naririto ako and he almost killed himself, pero hindi ko pinapakawalan ang mga taong minamahal ko. I have only so much to lose. 

"Leave me."

Ang pagsasalita ni Ram ay kontrolado. Maingat ang kaniyang tono ngunit puno ng galit ang kaniyang mga mata.

Napapitlag ako sa kaniyang utos. Umayos kaagad ako ng tayo upang harapin siya. Nakaupo pa rin ito sa stool at ang mga kamay ay nakapatong sa counter, magkasalikop. Tila ba iginagapos habang nakatingin sa akin. 

"Please, Chrissy. Leave..." 

"Saan ka nanggaling kagabi? What happened?" mabilis kong bawi. Humalukipkip ako. 

Binitiwan ni Ram ang tasa at pinasadahan ng mga daliri ang magulong buhok. "Chrissy..."

He looked at me, angry, and confused. Gusto ko siyang intindihin dahil kahit gaano pa ako kagalit ay alam kong papatawarin ko siya kaagad. Isang hingi lang ng patawad ay ayos na sa akin. But what's happening to him, I cannot understand!

I love him so much. God, I fucking love him too much.

"I wasn't myself last night, Chrissy. A lot of things happened. I was dead drunk. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi," iling niya.

"Saan ka nanggaling?"

Him being so stiff made his muscles and whole body strained. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Para itong leon na aatakihin ako ngunit nag-iwas ito kaagad ng tingin. Iba't ibang klaseng mura ang lumabas sa kaniyang bibig.  

"Forget it." May pinalidad na sa boses ni Ram.

Sa aking narinig ay parang lumagapak sa akin ang langit at lupa. Nabingi ako sa kaniyang nagpipigil na mga bulong at huminto ang aking mundo. At nang nagpatuloy itong muli, doon na bumagsak ang aking mga luha. Ang lahat ng inipon kong sakit at sama ng loob ay ngayon lang lumabas kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha.

I sobbed hard and loud, so loud that Ram couldn't take his eyes off of me. Nanatili siyang nakapo sa inuupuang stool, nanlalamig akong tinitingnan. I have never seen him look at me so dark until this day. He looks like he's ready to kill but to me, it felt like I was the one dying.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon