Part 36

330K 4.8K 236
                                    

XANDER

Nakatingin siya sa ’kin habang umiiyak. Ang isang bagay na
ayokong makita ay ang malungkot siya. Pero bakit nagawa kong saktan siya?

“Sabi mo mahal mo ako. Ako lang, ’di ba?” Tuloy-tuloy ang
pag-agos ng mga luha niya.

“Mahal kita, hon. Mahal na mahal.” Tinangka kong yakapin siya pero mabilis niya akong itinulak.

“Minahal kita nang sobra-sobra, Xander. Tapos ganito lang?” She was hurting, at alam kong ako ang may kagagawan
nito.

“Lolokohin mo lang din pala ako. Sana hindi na lang kita nakilala!”

“Hindi, hon. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako.” Lumalapit ako sa kanya pero lumalayo rin agad siya.

“Maghiwalay na tayo. Layuan mo na kami ng baby ko,” sabi
niya habang hawak-hawak ang tiyan niya.

Tapos nagulat ako sa nakita ko. Blood started running down
her legs.

“Aaaaahhhh! Ang baby ko!” sigaw niya. Napaupo siya sa
sahig, hawak-hawak pa rin ang tiyan niya. Bakit hindi ako
makagalaw? Napatitig lang ako sa kanya.

“Pinatay mo ang anak natin! Pinatay mo ang baby ko!” sigaw ni Trisha.

“Hindi! Hindi patay ang anak natin!” sigaw ko. Para akong
mauubusan ng hininga. Ang daming dugo. Hindi siya pwedeng mamatay!

Bigla akong nakaramdam ng sakit. Tila may sumasampal sa
akin.

“Gising, hon! Binabangungot ka.” Panaginip lang ’yon?

“O, ba’t parang nakakita ka ng multo d’yan? Ang ganda ko namang multo.” Tapos tumawa si Trisha. Nakuha niya pa talaga akong pagtawanan, ah.

“Honey ko,” sabi ko na lang saka niyakap siya nang mahigpit.
Mabuti na lang at panaginip lang ’yon.

“What’s wrong?” Hinagod niya ang likod ko.

“I love you, hon…”

“Ano ba’ng napanaginipan mo?”

“It’s nothing. Hindi naman mangyayari ’yon.”

“Kung ano man ’yon, ’wag mo nang isipin masyado, okay?”
Kumuha siya ng bimpo at pinunasan ang pawis ko.

“Maligo ka nga, honey,” reklamo niya.

“Want to join me, baby?” biro ko sa kanya.

“Baby mo ’yang mukha mo! Ang landi mo, ha? Maligo ka
na nga!”

“Pa-kiss muna.” Saka ako ngumuso.

“Ang dami mo talagang arte sa katawan, ’no?”

“Isa lang, please?”

She then gave a quick peck on the lips.

Mabilis naman akong natapos mag-shower. Sinadya kong
magtapis lang ng tuwalya at hinayaang tumulo ang basa ko
pang buhok.

Nanlaki ang mata niya nang nakita niya ang abs ko. Sabi na
e, tutulo ang laway niya.

“Maganda ba ang view, baby?” tukso ko sa kanya.

“Hoy, lalaki! Ano na naman ang binabalak mo, ha?”

“Sexy ba ako, baby?” At nag-pose pa akong parang hunk.

“Yuck! Hindi bagay. Magbihis ka na nga!” sabi niya.

“Yuck pala, ha?” Lumapit ako sa kanya at niyapos siya.

“Bitiwan mo nga akong kapre ka. Manyak ka talaga! Ang laki-laki na ng tiyan ko ganyan ka pa rin.”

Hinampas-hampas niya pa ako.

“’Pag nakayakap, manyak na agad?”

“Oo, lalo na kung nakahubad ka!” Pinikit niya ang isang mata at ’yong isa ay nakasilip sa akin.

“O, bakit ka nakapikit?”

“Subukan mo kayang pulutin muna ’yong towel mo at takpan
’yang katawan mo?” Nahulog pala ang tanging nagtatakip ng
macho kong body.

“Asus! Para namang hindi mo pa ’to nakikita.”

“Tse! Umayos kang kapre ka! Baka gusto mong matulog sa
labas.”

Nagkakatuwaan kami nang nag-ring ang cell phone ko. Si
Ate ang tumawag, at hindi maganda ang ibinalita niya sa akin.

Uuwi na raw sila bukas, at ayaw papigil ni Choleen.

“Si Ate ba ’yon?” tanong ng asawa ko habang inaabutan niya  ako ng pajama at sando.

“Oo, hon.” Paano ko ba sasabihin sa kanya ang balita? Panigurado kasing malulungkot na naman siya. Napabuntonghininga na lang tuloy ako.

“Uuwi na sila?” malungkot na tanong niya.

Tumango ako. “Ayaw daw papigil ni Choleen.”

“Ang bilis naman. Tatlong araw ko pa lang kayong nakakasama.”

“Pwede naman kaming manatili pa. Gagawan ko na lang ng
paraan.”

“’Wag na. Alam mo namang may sa aso ang pang-amoy ni
Choleen, e. Baka makahalata pa ’yon. Masasayang lang ang lahat ng sakripisyo natin kapag nangyari ’yon. Isa pa, kailangan na rin pumasok ni Chloe.” Bumalik na kasi sa regular school ang bata.

Niyakap ko na lang siya.
Si Choleen na lang talaga ang problema namin. Naayos ko na
kasi ang tungkol kay Venice.

Gustong lang pala kasing ipaako sa akin ni Venice ang anak niya sa iba. Mabuti at nakausap ko
ang mga magulang niya. Anak pala ito ng lalaking nakatakda
niyang pakasalan. Sinadyang ni Venice na magpabuntis doon
para ipaako sa ’kin.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon