[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday

Magsimula sa umpisa
                                    

Iyak lang ako ng iyak sa sinasabi ni Miks. Masakit kasi. Masakit talaga. 

"Oo sige, masaya ka sa Tres Gwapitos. Masaya kang kasama mo sila. Oo sige ayos lang na kalimutan mo ako. Okay lang. Matagal na nating hiling yun hindi ba? Ang sana mapansin nila tayo. Pero Hope, mula ng maging magkaibigan tayo alam mong gusto ko si Mico. Pero ano? Ngayon close kayo? Ngayon siya na ang partner mo? Bakit? Dahil si Venice na kay Enzo so kay Mico ka na? Okay lang naman eh. Kung gusto ka talaga niya ano pa bang magagawa ko. Pero... Kapag kasama mo ba siya hindi mo ba ako naalala? Ha? Hindi mo ba naiisip na may isang taong masasaktan pag magkasama kayo? Ha? Bakit Hope naging selfish ka? Bakit ganyan ka na?" 

Nagbago na nga ba ako? Talaga bang masama yung ginawa ko? :( Nakipagkaibigan lang naman ako :( 

"Tapos ngayon ikaw pa yung galit na magtatanong kung anong problema ko at sisisihin ako na nangiiwan ako?! Wow. For your information, Hope Yazon... Nandito lang. Ikaw lang yung walang oras na makaramdam na may isang tao na nandito lang sa tabi mo. Tapos ano? Noong nawala ako saka mo lang narealize yung existence ko? Hindi naman ako nasabihan na lover pala ang ganap ko dito. Kasi ang alam ko sa mga eksena ang bestfriend laging magkasama, hindi naman ako nainform na dito pala iwanan ang drama." 

Nakita kong nagtago siya na magpunas ng luha niya. Awww pinaiyak ko si Miks!! :( Kaya agad akong tumakbo sa side niya at niyakap siya.

"Bakla sorry na! Ikaw naman kasi ayaw mo akong pansinin kaya iniwasan din kita! Namiss kaya kita! Sorry na! Wag ka ng umiyak! Gagawin mo pa akong girlfriend hindi ba?"

"Tumigil ka nga! Anong girlfriend! Di tayo talo. Si Mico ang gusto ko."

"Hay naku! Hindi ko papansinin si Mico promise. Iiwasan ko siya magbati lang tayo."

"Seryoso ka?"

"Oo nga! Mas love kita kay Mico."

"Kadiri ka."

"I love you."

Tapos kiniss ko siya sa cheeks. Todo punas naman siya. 

After noon nagbonding ulit kami! Kinwento ko lahat ng namiss out niya! Namiss ko talaga 'tong si Miks!! Sa wakas bati na kami!! Pero.. Kailangan kong iwasan si Mico para malaman ni Miks na sincere ako sa pakikipagbati ko sa kanya! Isa pa, para di na din ako awayin ni Mico! Hahaha. 

Ang mga sumunod na araw hindi kami mapaghiwalay ni Miks! Si Chelsea kasama si Bryle pero kami ni Miks nagbobonding. Masyado ata naming namiss ang isa't isa. Ngayon half day lang kami sa school kasi may event si Dean eh. Kaya pauwi na ako ngayon. 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon