At tuwang-tuwa talaga ako ngayon.
Pero teka, may klase ako ah?? Anu bang ginagawa ko dito??
“Anu ba talagang problema at nandito ako??” ang tinanong ko sa CREAMS.
“May pupuntahan tayong Cosplayer’s Battle of the Bands na ang irerepresent naten eh etong school natin. Ang rule kasi eh 5 in a band at dapat naka cosplay. Take Note, Group Cosplay. Ang naisip kasi ni Marco eh Flame of Recca. Ewan ko ba dito. So mamili ka nalang ikaw si Ira? Or ikaw si Prinsesa Anna?” ang tanong ni Rick sa akin.
Ang haba ng paliwanag niya. Pero in-fairness nagets ko kagad ah! Haha
“Siya nalang si Prinsesa Anna.” Sabay singit naman ni Marco.
“Ok.” Reply ni Rick.
“Tinanong niyu pa ako noh!” may maicomment lang ako. Haha
Pero gusto ko talaga yung pinili ni Marco.
Paborito rin namin yun ng taong hinihintay ko eh. Grabe halos araw araw kameng naunuod nun mga 10years nang nakakaraan.
Sana mahanap na niya ako. :’(
“Ui..”
“Ai kabayong 10years!” panggugulat sa akin ni Marco.
“Ang sabi ko, memorize mo ba yung opening song??” ahh yun lang pala eh. Tumango ako. Grabe aatakihin talaga ako dito sa lalaking ito. Lagi nalang siyang naggugulat!
Inabot kame nang hanggang 5:30 sa pagppraktis. Grabe isang kanta lang hindi namen maperfect kasi nabubulol talaga ako sa japanese song na ito. Actually chorus lang naman at bridge ang part ko dito. Pero kahit na nakakautal parin talga! Haha
Hanggang sa ayun nga, magdecide na kame na mag pack-up na.
Wala na! I missed my class, I cant sing a japanese song! Palpak na talaga tong araw na ito.
Naisipan kong tawagan muna si Elise para malaman ko kung anung mga ginawa ngayung araw na ito.
Nagsi uwian na ang CREAMS habang ako eh nakatambay pa sa labas ng auditorium namin dahil kausap ko pa si Elise sa phone ko.
Halos 1hour din kami nag usap kasi dinictate niya lahat ng instruction sa assignment namin, ayoko kasing nagbabasa ng text kasi mabagal nga talaga yung phone. Preferred ko pang tumatawag kaya ayun.
Nagsimula na akong maglakad pauwi.
Nadaanan ko yung Dance studio at d ko sinasadyang mag Eavesdrop sa dalawang taong nakita kong nag uusap.
“Ibinabalik ko na ito. Naaapreciate ko yung paghanga mo sa akin at yung pag alala mo sa b-day ko perohndi ko matatanggap toh.”
“Anu bang problema sa akin? Bata parin ba ang turing mo sa akin?”
Ohh My!!! Biglang hinalikan ni Marco si Ate Lienne!
Pumalag si Ate Lienne.
“Demmet Marco. Ganyan ba ang matured na tao?? Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko sa bata. Hindi kita mahal. At sa tingin mong Matured Man ka na if you keep on following me? Ang dami daming nagkakagusto sa iyo. Pero sa akin ka parin sunod ng sunod. Please marco. May iba akong mahal,” Pasigaw na sabi ni Ate Lienne.
“Sana sinsabi mo rin sa sarili mo rin yan Mhai. Hindi ka mahal ng taong mahal mo but you keep on following him. Eto ako oh! Trying to grow up para masabayan ka lang. Please Mhai... eto na ako. Hindi mo ba ako nararamdaman?”
“Please Marco, ayoko sa yo. Kung kinakailangang itaboy kita gagawin kasi ayoko talaga sayo.” Pinipilit niyang ipahawak kay Marco yung kwintas na ibinigay niya kay Ate Lienne.
Nag Walk out si Ate Lienne at si Marco nalang ang naiwan. Nagulat ako nang makita ko si Marco na papunta sa kinaroroonan ko. Deym. Hindi ko alam kung saan ako magtatago!
Nakita na ako :’(
Pero tuloy tuloy parin siya sa paglalakad. Napatingin lang siya sa akin at nilagpasan na ako.
Awts ang lungkot ng mga mata niya.
Bakit ang bilis ng mga pangyayari? Kanina’y para kang nasa langit na napakasaya ng ngiti, ngayo’y wala na. Nawala nang lahat ng yun.
Love.
OO. Love.
Love is really makes your emotions VERY unpredictable. One minute youre Happy. One Minute youre sad.
Natatakot ako pag dumating na yung Love sa buhay ko, baka bawiin din sa akin ang lahat ng happiness. Natatakot talaga ako.
A/N: woahh!! Puyatan ever muna ako. Balak ko sana mag 3 updates ngayun eh, 2 updates lang muna ang kinaya ko. haha. Anyways. Sana magustuhan niu eto! Vote lang kayo! Enjoy reading!!
YOU ARE READING
Strings Attached
RomanceGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
Chapter 13: Unpredictable Emotions
Start from the beginning
